Where do broken hearts go?

Alam mo ‘yung gabing-gabi na bigla na lang tatawag sa’yo ‘yung kaibigan mo, umiiyak dahil nag-away sila ng boyfriend niya o kaya nag-hiwalay o kaya naman may nalaman siyang hindi maganda o kung ano man. Pipikapin mo siya somewhere in the city at pagbungad niya kaagad sa’yo mura o iyak o kung ano mang witty o masasakit na salita na naisip niya habang naghihintay na pikapin mo siya. Pupunta kayo sa bar, mag-iinuman ng walang katapusan tapos ang pulutan ninyo ang boyfriend niya. O kaya ang putang-inang relasyon nila.

Sa first hour masaya, exciting pa ang kuwento. May mura. May iyak. May blow by blow account kung bakit siya naririto ngayon umiinom kasama ka. By the second hour, wala pa rin siyang tigil na parang tren. Magko-quote ka ngayon ng mga kung sino-sino from William Burroughs to, sige na nga, F. Scott Fitzgerald (na matindi rin ang sinapit kay Zelda) para lang magkaroon ng gravitas ang usapan. By the fourth hour, nagiging philosophical ka na. Do we really need love at all? Wasn’t romance just invented by humans so they wouldn’t feel the great indifference of the universe towards their existence? By the fifth hour at hindi pa siya tumitigil, either nagpapakalasing ka na at pinaghahalo na ang San Mig Light at Rum Coke o kaya kampi ka na sa boyfriend niya dahil clearly ang kaibigan mo ang may problema, hindi ang boyfriend niya.

Para sa akin ganyan ang pelikulang That Thing Called Tadhana. It’s annoying, a bit corny, nakakapagod (at hindi dahil biyahe sila ng biyahe), kind of fun (may mga moments naman) and probably familiar to anyone who has encountered a Pinoy crushed by the unforgiving fists of Love. Dapat capital ang “L” kasi Pinoy tayo. To be honest, I was ready to quit watching 30 minutes into the movie. I was wondering if I should do something more productive instead or buy gin bulag to make this thing go down easily. Kung makikinig lang ako kay Mace tungkol sa sinapit niya sa kanyang boyfriend eh magsi-speed dial na lang ako ng mga kaibigan. Sila na lang ang pakikinggan ko.
Pero maayos naman nai-kuwento ang istorya. Kung ang definition ng maayos ay ang clear development ng characters at ang pag-unravel ng outer at inner journey nila. In fact, the filmmaker could’ve done the entire thing in Maginhawa pero dahil visual dapat ang lahat, ang cathartic journey ay nagsimula sa Rome napunta sa Maynila nagtungo sa Baguio at dumating sa Sagada. Sa bawat stopover may development at nang nakarating sila Sagada, naiwan na ang bagahe, figuratively at literally, sa Baguio. I also liked the fact that the characters are always at the center whenever they share the frame. They balance out each other.  

Sa mga pelikula, madalas may isang lugar kung saan nagtutungo ang mga sawi sa pag-ibig upang itapon nila ang kanilang kalungkutan. Sa In the Mood For Love, nagpunta si Tony Leung sa Angkor Wat para ibulong at ikulong ang kanyang kalungkutan sa isang butas. Sa Happy Together naman, nagpunta ang kaibigan ni Tony Leung sa isang lighthouse sa South America para paliparin sa hangin ang mga luha niya. Teka, mukhang fan ni Wong Kar Wai ang filmmaker ah. Sa Tadhana, nagpunta si Mace sa isang bundok kung saan isinigaw niya ang laman ng puso niya. It reminded me of a scene from one of Lino Brocka’s movies. Sa isang segment ito ng Isa, Dalawa, Tatlo kung saan ang mga drug addict sa isang rehab ay natungo sa isang bangin over looking Metro Manila. Duon sinigaw nila ang kanilang sama ng loob sa siyudad. Pero wala silang napala dahil pagkatapos nilang ilabas lahat ng kalungkutan at galit tanging kadiliman lang ang tumambad sa kanila. The darkness, like the city itself, doesn’t care about their sorrows. In fact, the city doesn’t seem to care about them at all. That scene, that’s the one that made me cry.

But like I said, the movie had some moments. Ang videoke scene kung saan hindi matapos-tapos ni Mace ang kanyang kanta dahil napapa-iyak siya so in the end si Anthony na lang ang nagpick-up ng mike at tumapos ng kanta. Ang drama lang ‘di ba? E ‘yung nasa stopover sila tapos sinabi ni Anthony ‘yung line na “Tang-ina ang lilibog lalandi ninyo...” Ang cute lang ni JM Guzman dun. E ‘yung bored look ni Anthony sa simula as Mace talks about her failed relationship on and on. Add to this the fact that both Angelica Panganiban and JM Guzman suffered very public breakups in the recent past. Oh di ba, mumu-meta lang! Sabi ng mga ka-FB ko, ultimate hugot/ feels movie raw ito. I don’t know. Maybe I’m just really fucked up because my break-ups weren’t this pretty. Wala tuloy akong masyadong mahugot sa pelikulang ito. Wala akong wisdom na naiuwi. Hindi rin naging cathartic for me.

But where do broken hearts go nga ba? I think it doesn’t go anywhere. It just stays with you. Like a dead weight (Tulad ng arrow sa movie). Like Mace’s bagahe. It goes with you from Rome to Manila to Baguio to Sagada. It doesn’t even go away when you sleep. It turns up in your dreams as a nightmare. Tulad sa panaginip ni Mace. Siguro nga pareho lang ang tinutukoy ko sa tinutukoy ng pelikula. Pero yun nga, hindi lang ako naaliw dahil kahit sobrang daldal ng mga character hindi pa rin natumbok ng pelikula ang tunay na nararanasan ng mga wazak sa pag-ibig. Mas interesado itong magbitaw ng, sabi nga nila, hugot lines. Maybe it was produced with a meme in mind. Walang lalim ‘yung pelikula, which is strange dahil karamihan ng mga break-up nag-iiwan ng malalim na sugat.
Sorry, hindi kasi naging cute ang mga break-up ko. At kahit siguro na-meet ko si JM Guzman noon and he started making pa-cute eyes to me, my broken heart would have not responded. When I got my heart broken, my heart did not go anywhere. It didn’t do anything. It just stayed broken for a considerable amount of time. Since then I’ve been thinking about not a Whitney Houston hit but a less classy Toni Braxton ditty: How the fuck do you unbreak a broken heart?



  

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA