Christmas sa pinaka-nakakaloka kong taon



1. Sana ako na lang ‘yung nagsulat ng Christmas jingle ng ABS-CBN para pag may nangaroling sa amin at kinanta ‘yung song hihingi ako ng royalty.

2. Habang nagta-trabaho ‘yung kahera sa KFC panay ang text niya. I wonder who she is texting. “Merry Christmas babes, d’yan ako matutulog mamaya”? “Tita ako na ang bahala sa lechon”? O baka naman umiiskor ng ecstasy. Tandaan, ang source man nagbabakasyon din.

3. Eh ‘yung umiikot ako sa grocery tulak tulak ang cart habang naka-simangot tapos paglingon ko may kinda cute na paminta na nakatingin sa akin at nung nag-abot ‘yung mga tingin namin nag-sparkle ‘yung eyes niya. Direk, cue music please: Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kung hindi ikaw... Dahil ikaw bro... dahil ikaw bro... Ang star ng Pasko!”

4. On being left hanging by someone you like this season. Hindi ba mas maganda kung babalikan ka ng taong nang-iwan sa’yo sa tamang panahon kesa ipilit ang isang relasyong hindi napapanahon?

5. Bumibili ako sa karinderya at napansin kong parang semana santa ang mukha ni Manang Serbidora. Oo nga naman. For some lasang paella ang Christmas: rich, colourful and flavourful. For others, it tastes like cardboard.

6. Naughty or nice, basta may Christmas bonus, for sure may regalo ka. Text ‘yan galing kay Santa. Char.

7. “Merry Christmas!” sigaw ng Hypermart grocery attendants. ‘Tang-ina ninyo rin, sa isip isip ko, mga hindot kayo! Leche!




Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA