Fast food, fast love

Cute. Pogi. Maporma. De-highlights. Ilan lang ‘yan sa mga katangian ni Jojo kung kaya’t bawat customer sa Jollibee-SM North ay gayak na gayak na kausapin siya. Mapa-ketchup, order or clean up siya ang napag-uutusan. Kaya nga’t mahal na mahal din siya ng kanyang supervisor. Halos nakababad siya sa dining lalo na’t kung lingo at nagsisipunuan ng bata’t matanda ang buong tindahan. Tuwang-tuwa naman si Jojo dahil panay ang kanyang OT. Bukod pa rito natatambakan pa siya ng mga taga-hanga.

Sapagkat pala-kaibigan si Jojo madalas siyang kinakausap ng mga customer. Tinatanong kung anong pangalan niya, ilang taon na siya, saan siya nakatira, nag-aaral ba siya o nagta-trabaho lang. Madalas naman silang pinauunlakan ni Jojo ng mga sagot. Customer is always right nga naman, hindi ba? Minsan din siyang nakipag-chikahan, nakipag-landian, nakipag-harutan at ilang beses ding tumanggap ng mga papel na may numbero’t address. “If you need something,” parating sinasabi nito, “call me.”

Tuwing gabi, iba’t ibang grupo ang nakatambay sa labas ng tindahan. Umoorder ng isang medium coke, isang pakete ng peach mango pie at large fries habang palalim ng palalim ang gabi. Lalapitan sila ni Jojo, lilinisin ang lamesa at ngingitian.

“Hi I’m Mario...”

“Hi I’m Benjie...

“Hi I’m Lito...”

“Jojo, right?”

Kilala na nga si Jojo ng mga customer. Para na siyang si Jollibee mismo na unang kita palang ay nagbibigay na ng galak sa mga bata. Dahil tulad din kasi ng mga masasarap na pagkain sa menu, nate-take-out din si Jojo at, ang balita sa kalsada, masarap ang binata.

Ngunit ang mga tulad ni Jojo na guwapo, maporma at de-highlights, may kundisyon din.

“Hindi ako puwedeng ala-carte,” parating sinasabi ni Jojo. “Mahalin mo ako ng buong-buo.”

“Of course,” sabi ni Levi na isa sa mga napusuang samahan ni Jojo isang malagkit at mainit na gabi.

Mula sa locker room, dumiretso na si Jojo sa parking lot ng mall kung saan naghihintay ang kotse ni Levi na magdadala sa kanila sa condo sa Makati. Pagdating sa itaas, bago pa man sila magtungo sa bedroom, sinabi na ni Jojo ang kanyang kundisyones.

“Of course! Of course!” muling sinabi ni Levi na hindi maalis ang titig sa makisig at batang katawan ni Jojo. Nakakatakam nga naman ang namumutok na laman sa ilalim ng kanyang uniporme. At dahil sa kanyang tangkad at laki ng mga kamay, napag-iisip tuloy si Levi kung ano pa ang jumbo sa katawan ni Jojo.

Lumapit si Levi sa kay Jojo. Inayos ang kuwelyo at pinasadsadan ng kamay ang lukot ng damit sa kanyang dibdiban.

“Good evening,” maharot nitong binulong sa binata. “Can I place an order?”

Napa-halakhak si Jojo.

“Mapag-biro ka pala.”

“Gutom na ako eh. Puwedeng umorder na please?”

Ngumiti si Jojo.

“Can I take your order sir?”

“I want some Jolly Hotdog... please?”

“Do you want it Jumbo, sir?”

“Available ba? I’m really hungry.”

“Anything else, sir?”

Unti-unti nang binuksan ni Levi ang polo ni Jojo. Binigyan ng soft kisses ang bawat mapupulang utong.

“Teka, nag-iisip pa ako... Puwedeng...”

Sinimulang alisin ni Levi ang butones ng pantaloon ng lalaki.

“Puwedeng... lots of ketchup... and...”

Ibinababa ni Levi ang pantaloon sa pamamagitan ng kanyang ngipin at saka muling nag-request.

“And... lots of mayo please?”

“One Jolly Jumbo Hotdog, coming right up, sir! Enjoy your meal!”

Naka-fast food smile si Jojo. Guwapo. Very palatable. Very appetizing.

Ngunit naka-isang order lang si Levi kay Jojo dahil pagkatapos ng gabing ‘yun, hindi na nasilayan ang Makati condo-dweller sa Jollibee SM North. Pakiramdam ni Jojo ay naisahan na naman siya! Tulad na lang ng maraming lalaking nag-take out na sa kanya. Dahil ba nagta-trabaho lang siya bilang service crew sa isang fast food chain kaya wala nang sume-seryoso sa kanya? Wala bang sustansya ng Chicken Joy at Jolly Spaghetti kung kaya’t ang tingin ng marami junk food lang ito?
Hindi yata, sa isip-isip ni Jojo. Ang mga tulad niya ay masustansya rin naman. Kaya naman masyadong dinadamdam ni Jojo ang mga parokyanong bigla na lang naglalaho pagkatapos matikman siya. Madalas, nagtutungo siya sa Sky Garden upang uminom ng Red Horse habang paulit-ulit na sinisisi ang sarili sa kanyang mga ka-tangahan.

“Hindi ka tanga,” sabi ni Renz na minsang naka-inuman niya sa may Dencio’s. “Naghahanap ka lang ng mag-mamahal sa’yo.”

“Nang hindi ala-carte...”

“Nang buong-buo.”

Tulad ni Jojo, si Renz ay guwapo, maporma at, sige na nga, may konting highlights din. Alam ni Renz ang mga tungkol sa mga taong umiibig lang ng patingi-tingi at hindi buong-buo dahil dati siya din mismo patikim-tikim lang.

“Ayoko na ng buffet,” sabi nito kay Jojo. “Nakaka-umay. Hindi masarap. Mas masarap pa ang lutong bahay lang.”

“’Yan din ang gusto,” sabi ni Jojo. “Mga lutong parang sa’yo lang.”

Noong gabing ‘yun, tinayk-out nila ang isa’t isa. Nag-check-in sila sa may Sogo sa may MRT at hinanda ang mga sarili sa magdamagang tikiman.

“Oo nga pala,” sambit ni Jojo habang sila ay nagsho-shower. “Panay kitang nakikita sa SM North. Malapit ka lang ba ‘dun?”

Hindi, sabi ni Renz, nagta-trabaho lang din ako sa SM.

“Ah, sa SM mismo?”

“Hindi, sa fast food din.”

Kung si Jojo ay ang Jolly Hotdog ng Jollibee, ito palang si Renz ang Happy Meal ng Mcdo. Ngunit ismarte itong si Renz dahil kahit kailanman alam niyang ang mga nagte-take out sa kanya ay hindi nagse-seryoso at nagti-tripping lang. Kahit pa may surpresang dala ang bawat Happy Meal. Pero ito, itong lalaking ito na nagsasabon ng kanyang puwet na panay ang titig sa kanya, na ang tanging gusto lang ay maging happy,iba ang nararamdaman ni Renz para dito. Paano ba naman ang mga ngiti ni Jojo ay kasing sweet ng choco sundae at ang mga mata nito kasing lagkit ng mango pie. Kaya naman habang sila ay naghahalikan at nagyayakapan sa madilim at malamig na kuwarto ng Sogo, isa lang ang nasambit ni Renz kay Jojo: Love ko ‘to.


Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA