Tuesday, January 14, 2014

Sukatan


"Mahal kita," sabi ng isang lalaki.

"Hindi pa ako handang magmahal ng buong buo," sabi ng isa.

"Ako handa na. Bakit hayaan mo na lang akong
magpuno ng natitira? Kung 30% lang ang mabibigay mo, sa akin na
lang yung remaining 70%."

"Unfair. Lugi ka. Hindi mo alam ang pinapasukan mo."

"Okey lang. Higit naman sa 70% ang mabibigay ko. Lubos lubos pa."

"Naiisip mo ba kung ano ang katumbas ng 30%?"

"Text lang sa umaga at isang text sa gabi? Dalawa o tatlong date lang sa isang
buwan?"

"Baka hindi ko masuklian ang pagmamahal na binibigay mo. Patingi-tingi lang."

"Sanay naman ako sa barya barya lang." 



No comments:

about myself

My Photo
quezon city, Philippines

i survived this