Isa dalawa tatlo

1.

I stare at the streaks of rain on the glass window. To me, they look like tiny slits on the wrists. Water seems to be the pervading theme of the day. Earlier my (now former) boyfriend sends me a message. He says he is by the beach somewhere in Mindanao. I haven’t been to the beach in years. Then I receive another message, this time from a former colleague inviting me for a swim. I looked outside and saw the gloomy skies. Swimming? In this weather? And where? In Edsa? It must have been just a joke.

2.

Isang bagyo ang kararating lang, sabi kanina sa radio habang papunta ako sa UP. Nakasalumpak ako sa likod ng taxi, iniisip kung ite-text ba ang (ex) boyfriend ko o hindi. Ite-text ko ba siya para sabihin na ang bagyo ay lumapag na sa Aurora at ang klase sa buong kamaynilaan ay nakansela na? Ano nga pala ang pangalan ng bagyo? Juanito? Juanita? Basta, something that starts with a “J.” Tumuloy ang taxi sa Elliptical Road, umikot at kumanan sa Commonwealth. “Manong,” sabi ko sa driver nang kami ay papasok na ng University Avenue (yun nga ba ang tawag duon, sa daan padiretso sa Oblacion?), “kaliwa tayo sa susunod na stop light.” Nasa ground floor ng CMC si Weng, nagpapa-photocopy ng kanyang mga readings sa klase ni Tiongson. “Do take this subject seriously,” yan daw ang sabi ng tanyag na propesor sa kanya. Wazak si Weng pero ang ganda ng eye make-up niya at fasyon pa ang shoes. Mga three-inch siguro ang taas. “Baha kasi, para ang paa ay di mabasa,” sabi niya sa akin. “Yeah,” I said, “good luck sa wedge mo! Hindi nga ba’t may paparating na bagyo?”

3.

Kumakalembang, kumerengkeng
Ang wind chime sa pito ng Hangin
Habang ang anino naman
Ay nakikipaglandian, nakikipagkindatan
Sa kandilang trip makipagharutan
Ang pawis ko naman, pilit ginagapang
Hinahalikan
Ang Balat na nagi-iinit at sinasaniban

Ano ba naman itong blackout sagabal sa
Pag-na-night out?

Dedma na nga lang, keribels namang sumalang
Di ba nga’t kakampi naman natin ang dilim
Sa mga ginagawa nating palihim
Lez gow na’t umawra
Sa mga bortang naka-porma
After all ito naman ang ating pinunta hindi ba,
Dito sa gay manila?


Comments

Blakrabit said…
Ay! Like ko ang tula! Nice one. :)
bwisit! said…
hey thanks blakrabit!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA