ang conjuring at ang terorismong sumisira sa pamilyang Amerikano



I thought very Pinoy ‘yung Conjuring. Tulad ng mga Pinoy horror movies, it’s all about the survival of the family. Sa Conjuring may isang demonic presence na pilit na sinisira ang isang masayang pamilya. Naalala ko tuloy ‘yung isang talk na dinaluhan ko at sabi ng professor doon, sa mga pelikulang Pilipino raw, lalo na sa mga istoryang katatakutan, hindi Diyos ang madalas nakaka-talo sa demonyo kung hindi ang great bond between the family members. Mas powerful ang love ng isang pamilya sa isa’t isa kesa sa Holy Water at dasal-dasal. Sa totoo lang, bihira akong makapanod ng Hollywood movies na ganito na ang sentro ay nasa pamilya. Mas madalas kasi kung ang pelikula ay tungkol sa isang American family, ang source of conflict ay ang mga idiosyncrasies ng characters o kaya may certain ironic tone ang filmmaker with how he or she presents the American family. Parang I hate my family but I love them. Ang problema madalas nanggagaling sa clashes of ideas and ideals. Pero dito sa Conjuring, ang pagkaka-characterized sa pamilya devoid of any irony. Very sincere. Naisip ko tuloy na ‘yung pelikula parang ginawa pa noong ‘50s or ‘60s kung saan ang imahe ng American family hindi pa natitinag at nabubuwag. Kaya nga siguro naalala ko ‘yung observation ng professor during the talk.

Then I wondered why movies such as this one are becoming popular. Box office hit ito sa US at parang well-received naman ng mga kritiko. Why do US audiences suddenly want to be scared-shitless in their seats by demonic possessions? Tapos na yata ang shock-movies tulad ng Saw at iba pang slasher movies.

Dati nabasa ko na posibleng malaman ang general mood ng isang estado sa pamamagitan lamang ng pag-tingin sa kung ano ang bumibida sa pelikula. Noong ‘50s or ‘60s yata, during the heydays of the US monster flicks such as The Swamp or those B-movies kung saan ang mga monster ay nanggagaling sa ibang planeta, nire-representa ng mga alien ang outside forces na kinakatakutan ng mga Amerikano tulad ng mga Nazi and later on the communists.  Puwede kasi itong ihalintulad naman sa isa sa mga creations ng Japanese pop culture, si Godzilla, na resulta ng isang scientific accident. Posible kasing ang kinakatakutan ng mga Japanese then ay ang magkamali dahil nga very rigid ang mga Japanese at representasyon ng kanilang pagkakamali ay isang malaking monster na sisira sa Tokyo, si Godzilla.

Pero kung dati ang kinakatakutan ng American movie audiences ay ang aliens from outer space, bakit ngayon demonic possession na, na ang tanging magiging casuality ay hindi New York o Los Angeles o Washington kung hindi isang simpleng pamilya lang?

At ito ang naisip ko. Hindi ko alam kung tama ang interpretasyon ko pero parang puwede. Nabanggit kasi sa pelikula na ang demonic presence ay dating nasali sa Salem Witch Hunt kung saan ang ilang Americano ay hinatulan ng kamatayan dahil napagbintangan sila na isang witch o devil worshipper. At that time, ang kinakatakutan ay hindi isang bansang posibleng sumakop sa America kung hindi isang American din na tulad nila. The threat is coming from the inside.

Ngayon, inihalintulad naman ang McCarthy trials sa Salem Witch Hunt dahil tulad nang nangyari noon, ang McCarthy trials naman ay sinubukang mag-weed out ng mga communists within the society. Now, let’s jump to 2013 when the American government is not weeding out communists but terrorists, them being a big threat to the American society. And the terrorists are not just this outside force that’s coming in. Sometimes the terrorists are already inside the American society, waiting for the right time to wreck havoc.

So this is my hypothesis: The demonic presence in Conjuring represents (subliminally at least to the audience) the terrorists. They fear that just like a demon from hell it will possess one of their family members and threaten to create menace within the family. That is why American audiences are able to relate to it emotionally. They are dumping their anxiety and fear on the screen.


Pero siyempre ang tanong lang naman d’yan eh, nakakatakot ba ‘yung movie? ‘Yan ang hindi ko masasagot dahil the whole time na nandun ako, tinatakpan ko ang mata ko. 

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA