Shoot and roll

Kung minsan kapag ang tagal ng shoot tapos uwing-uwi na ako nagkakaroon ako ng existential crisis. Bakit pa nga naman kakaririn ang paggawa ng isang imaginary world kung ang totoong buhay naman natin ay one big mess? Bakit pa iisipin kung tama ang linya, perfect ang make-up at moving ang acting eh pag-step out ko naman ng set chaos rin ang sasalubong sa akin? At dun wala nang take-two take-two.

Sometimes I find it absurd.

Pero in hindsight perhaps that’s the reason we create to at least have some semblance of control over our ever messy lives.

But really what I just want to say with this page-emoemohan post is that I actually had fun shooting with film last Saturday. Part kasi ng requirement namin sa class ay gumawa ng isang short at lahat kami pinaghati-hatian ang mga sequences. Iba pala pag film na ang gamit mo. Dahil alam mong mahal ito at hindi pinupulot lang kung saan saan ang mga rolyo bago ka pa mag-take ilang ulit mong ire-rehearse ang mga artista. At pag sumilip ka na sa viewfinder at sinabi mong “Rolling…” may pipitik at magfi-flicker flicker sa harap mo. Yung film para pala siyang si Frankenstein, it’s alive! It's Alive! And when you say “Action!” makikita mo nang gumagalaw ang mga tao sa loob ng rectangle na box and for some weird reason it really feels like you are watching life for the very first time.







Man with a camera (I know I really need to lose weight. Mapagkakamalan na naman akong kapatid ko.)









Mino-motivate ang actress kahit isang shot lang. Na 5 seconds ang itatagal. (haha)





Shooting the last scene na ang magiging itsura ay...





Eto. Tan-tan-tan! Pero siempre hindi mawawala ang...





Borlog shot. Dahil parating wala akong silbi sa mga shoots. Sana lang pasok sa banga ang continuity at hindi overexposed ang rolyo!


PS Salamat kay Jheck sa mga photos.

Comments

huwaw... namiss ko na ang ARRI camera... :(

goodluck sa film mo
bwisit! said…
thanks! sana nga mag-work yung halos sampung estudyante na nag-share-share ng mga sequences sa isang short. it was a good exercise though...
Blakrabit said…
Syet! Dream ko ang gumawa ng short at feature films at gumawa ng script! *inggit*

Goodluck sa film!!!!
bwisit! said…
good luck talaga sa akin hahaha! first time eh.

sana nga next time solo project naman at di na group effort wahahahaha!

tara gawa tayo ng short film! hehehe!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA