sabado nights

isang gabing tulad rin nito nang tanungin ko ang aking boyfriend kung bakit hindi na niya ako dine-date. sa aming dalawa kasi, ako ang palalabas. ang mahilig sa coffee at beer. sa pa-morningan na inuman. sa lakarang wala namang katuturan. mga three to four years ago, pakiramdam ko loser ako kung wala akong lakad kapag sabado. nagmumukmok ako sa bahay kapag ganun, nakikipag-chat, sumusubok na makipag-hook up. naaalala ko pa, nuong nasa dyaryo pa ako naging ugali ko na ang dumiretso sa restawran pagkatapos ng trabaho. isang platong sisig, mainit-init na rice, mga tatlong order ng coke. pagkatapos yosi sabay segue sa inuman. solb. no wonder lumobo ako ng todo todo. nuong lumipat naman ako sa tv prod, naging ugali ng mga kaibigan kong magbabad sa meat shop habang ang mga editor namin ay nagdi-digitize ng aming mga na-shoot. at nung nagka-crush ako sa isang editor, pati siya niyaya na rin namin sa inuman in the hopes of... what? never mind. may live-in girlfriend na siya ngayon. minsan nga, dahil sa sobrang kalasingan napagtitripan naming magmakeupan duon mismo sa iniinuman namin. naeskandalo tuloy ang mga kalapit naming table na punong puno ng mga lesbiyana. meron akong dating parating ka-inuman. si chenelyn. kahit anong oras, basta't naisipan, lalabas pa rin kami. pagkatapos ng mahaba-habang chikahan at lasingan, tutuloy kami sa dating kebabs at magbe-breakfast na may katambal na pantulak na, siempre, alcohol din. pero nang napagdesisyonan ko nang kailangan ko na ng isang seryosong relasyon, hindi ko na ininda ang mga aya sa akin ng mga kaibigan. every weekend nasa labas pa rin ako pero nakikipag-date. sila naman ang naging mga drinking buddy ko. trip na trip ko nuon na bugbugin ang katawan sa trabaho buong linggo para nga naman masarap ang pay-off. parati ko nung inaasam-asam ang sabado ng hapon. para sa amin sa bulaga yun ang pinakamasaya. 3pm saturday. lalabas na si kiko at sisigaw nang: seamless na! at habang umeere ang obb ng startalk, kinukuha na namin ang mga bag namin at mabilis na lumalabas ng broadway. wala nang pansinan. uuwi ako nuon, kakain ng lunch at kung sinuswerte makakatulog (para fresh na fresh) in preparation sa lakad ko nuong gabing iyon. sarap na sarap akong lumalabas lalo na kung bagong gising. yung tipong inaantok antok ka pang darating sa isang bar at ang gigising sayo yosi at beer. siempre mas excited ako kapag may confirmed na booking. nasa taxi palang, pinaplano ko na ang gabi. ang mga pupuntahan. ang mga paguusapan. ano ang mangyayari kapag na-tripan namin ang isa't isa. siguro wala nang mas wa-wild pa sa dalawang tao na lasing na, libog na libog pa (well, pwera na lang kung may kahalong juts). natigil ang lahat ng ito nang makilala ko ang boyfriend ko. siguro halo-halong factor na rin: mas marami na akong gastusin dahil nag-solo na ako't nagbabayad na ng renta at napagdesisyonan ko na ring magpapayat. no no na ang alcohol. kung alcohol man, dapat hindi na beer. mabibilang siguro sa daliri ko ang mga gabing naglasingan kami ng boyfriend ko. mga dalawa o tatlong taon na rin akong naghinay hinay sa paggi-gimik. mas madalas na ngayon ang pa-kape kape na lang. pero paminsan minsan nami-miss ko rin ang mga drunken nights. mga pagwawalang kinakalimutan pagdating ng umaga. kaya siguro naisipan kong tuksuhin ang boyfriend ko't tanungin kung kelan ba niya akong balak ilabas ulit (the subtext being us turning into old fogeys). napatingin siya sa akin, may kunot ang kanyang noo. "i'm trying to build you a home," sabi niya. kahit na ito na yata ang pinaka-romantikong nasabi sa akin ng isang lalaki, hindi pa rin ako nagpatalo. "you call this a home? a home without cable tv and internet?" siempre nagtatampo siya sa akin at ako naman si tanga pilit na inamo siya. medyo cheesy pero ganitong mga sabado ang meron ako ngayon. isang masarap na dinner (courtesy niya), isang pelikula (courtesy ng aming suking pirated dvd vendor), at pagkatapos kwentuhan sa kama period. ang sex hindi na tulad ng dati, optional na. siguro pwede na rin pero sa totoo lang, minsan, gusto ko lang talagang makipag-inuman na lang.

sabado. may 2, 2009

PS

But of course i still go out every now and then. Well, i have to...




Drunk and bangag with the boyfriend in Sagada.


What started as an impromptu inuman in Sarah's at two in the afternoon led to an early lasingan in Future.





Kapag kainuman ko ang aking kapatid kasama ang aming mga kaibigan siempre isa lang ang pinag-uusapan namin: pelikula.





Last year, the Bulaga people got together for a few drinks and because I basically had no sleep then (since I came from a taping), at the end of the night I was...



Well, knocked out.

Comments

Ate Sienna said…
nakasama ka ba sa listahan ni direk? sana nakasama ka... hinahanap kita. dun ko narealize, hindi ko pala alam ang buo mong pangalan... :(
bwisit! said…
uy kamusta kamusta po ate sienna! hmmm... hindi ako nakapag-join na rin. sinubukan ko na dati sa isang workshop niya pero di ako natanggap dun so i thought malamang wiz rin ako magwawagi sa workshop na ito hahaha!

Although i did the next best thing which is go back to school hehehe!

kamusta kamusta po?
Zai Zai said…
very nice to know you're still together :) things may change as years go by but always cherish the love and the companionship:)
Abou said…
be happy u still have each other. and know that the value of a relationship is priceless.

:-)

nice post

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA