Posts

Showing posts from June, 2010

Andrea

Hinatak ni Andrea ang puting tali at mabilis na tumulak pataas ang kalawanging blinds na pink. Dapit-hapon pa lang nuon pero busing busy na siya sa pagpapaganda. Sa katunayan kagagaling lang niya sa banyo kung saan mahigit dalawang oras rin siyang nagbabad. Pakiramdam nga niya'y halos lahat nang sa kanya'y pwede nang tikman sapagkat makailang ulit rin siyang naligo sa mainit na tubig at nagpahid ng kung ano anong cream at lotion. Nagtungo siya sa harapan nang salamin kung saan makikita ang samu't saring mga pabango't make-up at pulbos. Pinindot ang electric fan at ninamnam muna ang malamig na hangin. Kay sarap ng hangin, sa isip isip niya, parang niroromansa ang kanyang basang kutis.

Tinanggal niya sa pagkakabuhol ang tuwalya sa kanyang ulo at nilugay ang kanyang maitim at mahabang buhok. Tuwing nakababa ito'y mas lalong lumiliit ang kanyang mukha. Ang tanging makikita lang ay ang kanyang matalim na cheek bones, singkit na mga mata at manipis na labi. Namumukha tul…