happy halloween


nang dumating ako sa opisina ang una kong nakita si basti, naka-black as usual, ginagala gala ang kanyang maharot na chinky eyes. nakita niya si ella sa may copy machine, busing busy na nagpho-photo copy ng minutes ng meeting. dahan dahan itong lumapit, ang kanyang long white point finger naka-dampi sa kanyang pinkish lips, binabalaan ang mga nakapaligid na huwag maging maingay. suot suot niya sa kanyang ulo ang isang headband na may dalawang red na sungay. at just as expected, ito na nga ang ginamit niya upang sunggaban ang malaki at malapad na puwet ng pobreng PA. "Ay puke mong mabaho!" sigaw ni ella habang ang mga papeles ay tumilamsik at nagkalat sa sahig. "putang ina mo basti, leche ka ha!" sabay hampas ng isang malaking folder sa mga braso ni basti na pilit nagpapahabol. para silang mga grade 4 na naghaharutan sa playground. nobody seemed to mind anyway. it's just basti doing one of his hilarious practical jokes.

dumiretso ako sa writer's cubicle at umupo sa harapan ng computer para magsimulang mag-check ng e-mail.

"o roger bakit hindi ka naka-costume?" sabi sa akin ng isang white lady na kilala ko rin sa pangalang... stella.

"effort!"

"so you just came as yourself?"

"yup. that's horrific enough."

"yaman mo, sayang din yung ten kiyaw mamaya."

"libre mo na lang ako kung manalo ka, which i doubt."

"che! bawal ang nega okay."

lahat sila naka-costume nuong araw na iyon. mamaya kasi halloween party sa opisina at may prize daw ang may pinakamagandang costume.

"and what's he supposed to be?" sabi ko kay stella habang tinuturo ng aking nguso si basti.

"ewan ko dyan. pero in fairness bagay sa kanya yung sungay."

"cute nga."

"gaga, bagay sa kanya dahil salbahe siya."

"ah, ok. oo nga, yun din yun."

bumalik sa pagta-type si stella ng spiels para sa promo kinabukasan habang ako naman nagbukas na ng email. mukhang halloween is a big deal this year dahil may ilang invitations akong natanggap na lumabas sa 31 sa aking facebook . i think i'm going to get smashed this year. three years ago na ata ang huling memorable halloween ko, sa malate as usual, naglasing dahil hindi na ako pinapansin ng isa kong fuck buddy. mangarap ba naman akong maging totoong relasyon ang isang relasyong umiikot sa sex. pero tama lang na ang ending ng gabing iyon ay nilaan ko sa parking lot ng cafe adriatico habang hinahalikan ko ang pavement para isuka ang mga nakain at nainom ko in the past 3 months (pun intended, three months kasi kaming naging fuck buddy, ok). pero bago yun, memorable din yung halloween ko nuong...

"hi roger!"

o shit, si basti, with his winsome smile, peeking at what i am reading.

"don't" sabi ko habang tinatakpan ang mga messages sa screen.

"and who are you supposed to be?" tanong niya sa akin.

"i'm the invisible woman, can't you see?" sabi ko sa kanya.

"hey, where are you? i can't see you. nasan ka ba?"

umismid lang si stella sa pagpapacute ng cute na segment producer.

"i'm here. right in front you."

"where?"

"here."

"where?"

"punyeta, mga bakla! tigilan ninyo nga yan at nangingilabot ako!" sabi ng KJ na si stella.

"i think i'm just going to use my horns to look for you... grrrrrowl!" sabay sunggab ng kanyang sungay sa aking tagiliran.

"Ahahahahahaha! Basti, huwag! Basti, please, nakikiliti ako! Stop!"

Tinigil bigla ni Basti ang paglalandi sa akin (leche) at patawang umalis ng cubicle.

"See you later dude."

"Yeah, dude, see ya later... party on!"

tumingin sa akin ng masama si stella.

"yeah, dude," sabi ko sa kanya. "Cool, pare, repapips, yeah, rad, nice, sweeeeeet... ang hirap magpakalalaki no?"

"bakla, ang landi mo... 'Basti huwag, basti please, basti nakikiliti ako, Staaaaap!' Ang arte!"

"inggit ka lang."

"che, wala akong gusto sa kanya no. hindi ko siya type."

"hay naku, napanood ko na yan sa pelikula ni toni gonzaga at bago kay tin-tin napanood ko na yan sa mga pelikula ni claudine at bago kay claudine, meron nang ganyang drama si ate shawie at bago kay ate shawie ganyan na rin ang plot points sa mga pelikula ni ate guy at kuya pip..."

"wow, that's like four decades of crappy philippine cinema..."

"wow, cineast? may pms?"

"at bago kay ate guy?"

"at bago kay ate guy, hindi pa ako pinapanganak nun. ang nanay ko palang ang gumaganyan sa tatay ko. and look at what all that flirting resulted in... me. fabulous me!"

"kung ganyang mukha lang ang mapapala ko huwag na. magpapakatibo na lang ako."

"ang asim. why do i have a feeling that we're like characters in a mildly entertaining pang-pamilyang pang-valentine's presentation ng isang napaka-commercial na movie outfit..."

"hyper."

"ganyan lang talaga kapag nalalandi ako ng crush ko at ganyan ka dahil may ibang nilalandi ang crush mo."

"kung pang-valentines... hindi halloween presentation na pinagbibidahan ng mga love teams ang eksena natin ngayon ako ang mataray na magandang bida na mamaya lang ay may grand entrance sa party at mananalo ako ng 10k! bonggang plot point yun hindi ba? yahoo!"

"wutever, yaya. mag-google ka na lang."

"ikaw, ang daya mo talaga. pinapatulan ko ang mga kagagahan mo pero yung mga fantasy ko dinededma mo."

"eh kasi naman po, this is not, like, a typical romantic story where the lead gets to have a smart and cute gay friend. baliktad na ang mundo ngayon. ang bida na ang bakla na may best friend na babae. Ako si eric quizon at ikaw si tuesday vargas, period."

"you wish, diego, you wish!"

heniway. back to work. yung next na memorable halloween ko ay nung nagpunta kami ng kaibigan ko sa gateway para ma-meet ang isa sa mga enfant terrible ng lokal na entablado, also known as the founder of spirit searchers, shimmy perez. love ko kaya si shimmy perez kaya nung nagpa-sign na kami sa kanya and he asked us what we do we instantly said: "We're writers!" i guess we were hoping that he will be so impressed with that single statement that he will take us under his wings and coach us on how to get an xxx number of Palanca awards. eh dedma ang lola ninyo. kaya go na lang kami to avail the free tarot card reading that came with the book.

"what do you want to know?" tanong ng tarot reader.

maraming beses na akong napaso sa mga ganyang tanong. halos lahat yata ng mga tanong ko --- kelan ako magkakakotse, kelan ako yayaman, magkaka-award ba ako, may bagong boyfriend ba ako this year --- very unsatisfying at vague ang sagot. kaya naman this time, minabuti ko nang huwag magpagoyo. i want to see the results. fast. as in now na.

"ms tarot reader, what i want to know is, this is so simple, i want to know... what i want to know is am i going to have fun tonight?"

bongga di ba? hindi na ako maghihintay ng bukas o sa makalawa o sa susunod na buwan o kaya next year para malaman kung tama ang sagot niya. mamaya lang malalaman ko na. binalasa niya ang kanyang baraha. pinag-cut ako. binalasa niya ulit. nilatag. naging seryoso ang kanyang facial expression na parang may nababasa siyang monumental --- oh god, am i really going to have fun tonight? like how much fun? as in super fun? tumingin siya sa akin. tumingin ng diretso sa aking mga mata. seryosong tingin. nakakakilabot. nakakatakot. at saka siya nagsalita:

"well, iho, it depends on you."

ache-che. e di sana nagbasa na lang ako ng The Secret at hindi na nagpahula. at least hindi ako nag-aksaya ng panahon at nakapag-ipon pa ako ng positive vibes. o kaya lumunok na lang ako ng kalahating ecstasy para mas makakasigurado akong happy ako that night. kaya naman when i left the mall i had this mantra: I don't believe in an interventionist God. I don't believe in an interventionist God. Whatever happens, whatever I feel, it all depends on me. Bongga di ba?

"stella aren't you going to freshen up before the party?"

tumingin sa akin si stella, ang kanyang buong face ay punong puno ng pulbo with a hint of blood.

"well, you look anemic and i think you need to tone down on the foundation. ang kapal eh."

nakatingin pa rin siya sa akin.

"how about some blush-on? red cheeks? lipstick?"

she just gave me more of her dagger look.

"oh well, i'm just going to pop into the ladies room."

on my way to the lavatory, nakasalubong ko si frankenstein, si twilight, si frodo, isang SM sales lady, isang metro aide at si bayani fernandez. nangilabot ako. kay bayani, i mean. ang daming monsters sa office na ito. nakakaloka. pero winner naman dahil sa cr natagpuan ko si basti na nagyoyosi na magisa. jackpot!

"uy."

"hey."

"trip ko ang horns mo." sabay hawak sa kanyang, well, horns. "so horny. you are such a cutie talaga."

"i am?"

"oh, you know that you are cute."

"but not as cute as you."

then he smiled. i didn't know how to react really. i was still reeling from his last statement. i was, to quote ciara, laving it! end quote.

"basti, are you flirting with me?"

"masama ba?"

"masama kung practical joke yan."

sinunggaban niya ulit ako ng kanyang horns --- i so love those horns --- na-corner niya ako sa may sink. ang dalawang kamay niya ay naka-ankla sa pader, effectively trapping me inside his arms. ako naman, parang nire-rape sa kilig. kung waring nagpipigil pero hindi kumakalas.

"let's partee tonight."

"sure, sino sino?"

"just the two of us."

"a party of two, eh."

"yup, a party of two."

"basti, you are such a devil."

tumawa siya at inayos ang kanyang sungay.

"later at my apartment. after the party. ok?"

"ok."

"see you later dude."

"yeah, dude, see you later."

pagkalabas niya ng cr, tumingin kaagad ako sa salamin. holy shit. maganda ba ako? may pimples ba ako? magulo ba ang hair ko? ito na ba ang kinaaabangan ko? iinom lang ba kami ng San Miguel Pale Pilsen habang kinukwento niya ang kanyang mga girl problems? i'm sure maraming girlfriend ang cutie. naghahanap lang ba siya ng buddy o nang... (tan-tan-tan) fuck buddy? kinilig ang kepyas ko sa idea na iyon. kinilig na parang maingay na pompiyang sa isang marching band sa barangay pag-asa, quezon city.

paglabas ko nang cr, agad kong sinigaw ang pangalan ng aking bestfriend. "Steeeellllla! Steeeeelllla!"

biglang bumaba ng hagdan ang isang palingkera at sinabing: "Hoy, Kowalski pagkatapos mong bugbugin ang asawa mong buntis ngayon magngangawangawa ka dyan na parang baby..."

"Steeeeelllllla!"

Joke. Biglang naalala ko lang.

Pinanuntahan ko si Stella to tell her the very good news pero wala na ito sa cubicle. nagsisimula na kasi ang party at nandun siya sa harapan pilit na nagpapapansin sa bossing na magju-judge sa best in Halloween costume. pero nagpapa-raffle pa lang ng minor prizes, read: toaster, breakfast maker, stand fan, you get the drill. "Ang next na winner," sigaw ng aming echosera at chismosang director na nagho-host ng program. "Ay kilala ko 'to. Nagkita na kaya sila ng kanyang jowang may asawa na...Hmmmm..."

Awkward laughter from the audience. Horrific. Truly horrific. Kaya nag-decide na lang akong bumalik ng aking cubicle.

Insert memorable Halloween # 3. Alalang alala ko pa ito. Ito yung nag-invite sa akin ang kabarkada kong parlorista na samahan siya sa isang binyagan. Nasa closet pa ako nun kaya uto uto ako sa lahat ng sabihin sa akin ni parloristang bakla. Alam mo na, baka ibisto. Echos. After the binyag, inuman daw kami. Nagpabili ng isang bote ng tanduay. nakakalulang tingnan. Akala ko naman pati friends niya makikiinom yun pala kami lang dalawa. Etong si friend kasi mukhang may masamang balak pa sa akin. Buti na lang tomadora rin ako kaya keri ko kahit ilang bote pa yan. Beh! Kaya sa dismaya ni friendship, nag-aya na lang pumunta ng sementeryo ang bakla. Punta daw kami sa puntod ng kanyang parents. So nandun kami sa sementeryo, lasing na lasing, gumegewang gewang, hinahanap ang libingan ng kanyang mga magulang. Eh hindi mahanap. Nakakailang ikot na kami ng sementeryo hindi pa rin nagpaparamdam ang lecheng puntod. So alam ninyo kung ano ang ginawa ng bakla? Nag-search ng the nearest puntod at dun lumuhod at nag-drama. Kinausap at iniyakan ang patay ng iba. Lakas ng tama. Hebigat ang trip. At eto pa, years later, tinawagan ako ng isa pang friend namin. Bumisita daw kami kina bakla dahil may patay sila. Sino siempre ang tanong ko. Ang nanay daw niya, sumakabilang buhay na. Kakalurkey di ----

Biglang naantala ang aking train of thought nang may kumalabit sa akin. Maga-ala Elma Muros na sana ako nang makita ko kung sino ang kumalabit sa akin. Nyeta si White Lady lang pala!

"Yosi tayo," sabi ni Stella.

Ok.

Ok, as predicted, luz valdez ang pobreng si Stella. loser naman talaga siya eh. joke. siempre ako, mega advice. serious advice.

"may solution ako dyan sa problema mo," sabi ko sa kanya. "ngayong gabi, magpakaputa ka!"

Sabay smile kay stella.

"At alam mo kung saan ka bebenta," sabi ko.

Mas malaking smile.

"... sa Balete Drive!"

Bonggang advice!

tumingin lang sa akin si stella, too depressed to even snap back at me.

"i need the money."

"we all need money, honey."

"hindi mo kasi nararanasan pa yung kailangang kailangan mo nang pera eh."

"kaka-sweldo lang ah."

umismid lang si stella. hay naku, iba talaga ang mga luz valdez. kahit anong gawin mo hindi mo mababago ang takbo ng kanilang isipan. parang loser na sila forever. naalala ko tuloy yung kwento tungkol kay ate vi at ate guy. minsan sa isang awards night, may nag-inform daw kay ate vi na siya ang mananalo nuong gabing yun. todo porma naman ang star for all seasons, feeling winner na dahil sa leakage. nagte-thank you na sa hurado kahit best in make-up palang ang ina-announce. kaya naman nung dumating na sa best actress at sinabi ng presenter na "And the best actress is..." halos nakatayo na si ate vi sa kanyang upuan.

"And the best actress is..." sabi ng presenter. "... Nora Aunor!"

Ayun, umuwi daw si Ate Vi nang mag-isa at nagpakalunod sa...

"may rele?" ask naman ni stella.

"Para kang carinderiang nakabukas buong araw..." sabi naman ng cellphone ko. Aba may nag-text.

"Are you ready?" tanong sa akin ni Basti.

Oh shit, this is it!

Napatayo tuloy ako at napa-dance sa harapan ni Stella.

"tonight's gonna be a good good night, tonight's gonna be a ... Ay nandyan ka pa pala. Ok lang yun, Stella. i feel for you... you know that, don't you?"

"Yeah, yeah."

"Tomorrow's another day! Tomorrow! Tomorrow! I'll love yah! Tomorrow!"

"you're so annoying."

"Annoying na kung sa annoying pero sorry loser, i have to go."

Sinimulan ko nang kolektahin ang aking mga things at mag-bye bye.

"wait," sabi ni stella.

biglang nag-freeze ang dugo ko. oh fuck. alam ko na ang mangyayari.

"no. sige na go, just go."

"it's just going to be an hour or so. pramis mabilis lang ito tapos puntahan na kita."

"no, go. baka sabihin mo pa sagabal pa ako sa kaligayahan mo."

"yey, you're such a good friend talaga. so mamaya, punta kaagad ako sa apartment mo?"

"go. just go."

as i walked away i kept telling myself not to look back. just don't look back. but i did. i can't help it. at nandun siya sa may parking lot, nakaupo, tulala with all her white gown and pasty face. mukha talaga siyang white lady. isang white lady na mayamaya lang ay maglalaho na forever. 'tang ina. putang ina.

"o akala ko umalis ka na."

"kailangan mo talaga yung pera na yun no."

"oo naman. obvious ba?"

"oh well."

"umalis ka na nga."

sakto, nagtext ulit si basti. nasaan na raw ako. lalo akong kinilabutan. nasa car na siya!

"you like him don't you."

"oo naman."

"he likes you too. bagay kayo."

"naks, i love that statement."

"just go. go. i'll be alright."

"sigurado ka."

"oo."

"sigurado ka."

"oo!"

binunot ko ulit ang selpon ko at nagsimulang magtype ng message para kay basti. kay basti na mestizo na chinito na manly na putang ina matitikman ko na sana ngayong gabi. gusto kong umiyak. gusto kong magalit kay stella. gusto kong magpaka-monster. pero hindi ko kaya. galit na galit ako sa sarili ko. tama nga ang tarot reader. am i going to have fun tonight? it all depends on me. it all depends on me.

umupo na lang ako papalapit kay stella.

feeling close? sabi niya.

pabiro man ang kanyang mga salita, alam kong gusto niyang magpasalamat. in fact, she was about to say it when i realized it would be too tragic to verbalize something that's so obvious. besides, i might not be able to handle it. ako man naiiyak sa circumstances ko. so i did what i usually do when trapped in an awkward situation. i just tapped her on the shoulder and said: "i'm bored. let's go home na."


galing dito ang litrato: http://2.bp.blogspot.com/_c1PECt8iT2M/SQzQlWne0HI/AAAAAAAAAT0/eP8UxWdA4mU/s400/halloween2004_1280.jpg

Comments

Ate Sienna said…
i love this!!!! kelan ka ba magkakalibro???
bwisit! said…
hey ate sienna! hay oo nga. wish ko lang! hahaha!

btw, alam mo bang ginamit kong reference ang list of ng gay lingo sa isa sa mga episodes ko! kakaloka!
fuchsiaboy said…
lovely, just lovely.
bwisit! said…
hello fuchsiaboy! kamusta? kamusta?
fuchsiaboy said…
mabuti naman. i came back to read the story again. hahaha! just returned from a month-long vacation from las islas filipinas. please tell petrick i said hi ;)

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA