Johnny oh please be good



Dear Lloydie,

O Llyodie. Oh my dearest Johnny boy. You are so cute especially with that wisp of hair growing above your lips. Parang kang batang nagbibinata. Buti na lang hindi tayo nagkatuluyan dahil kung ganun siguradong mabubuwang ako sayo ng bonggang bongga. Hindi ko yata keri ang kiligin every morning at ma-lost every time na aalis ka para sa iyong taping, shooting, whatever. You are like a teddy bear with those slightly big black eyes, chubby cheeks and full lips. Parang ang sarap-sarap mong yakap-yakapin, amoy-amoyin, halik-halikan, kan... never mind. I love you too much to put into writing my crazy salacious thoughts. Buti pa si Ciara, naging jowa ka. Alam mo bang nakita kita minsan sa Makati Avenue? Naglalakad lang ako papunta sa sakayan ng jeep nang biglang nakita kitang lumabas ng isang van. Naka-suot ka ng orange jeans, bulky shoes, at checkered vest. Buti na lang you were smiling oh-so-naughtily kaya hindi ko napansin ang iyong fashion disaster. I think kakatapos mo lang mag-host ng Swatch launch nuon kung saan nagkita kayo ni Liz Uy. Na-TV patrol pa nga kayo dahil nanalo si Liz ng prize at ikaw ang nag-bigay. I guess you still remember. Well, you don't remember me of course pero siguro yung araw na iyon, with Liz Uy and the press and all.

Oo nga pala, I just saw "In My Life" last night. I was so kilig. And did you know that I cried with you during the scene where you got the news that your mom got cancer? I was crying because you were crying and I thought it was slightly therapeutic on my part. Ang mga Pinoy talaga, sentimental pagdating sa pamilya.You look so good with just a white T-shirt on. Ang hindi ko lang nagustuhan yung angle mo nung finally ni-reveal ni Luis na bumalik yung cancer niya. Masyado kasing na-emphasize yung thinning hair mo. Pero you look dashing during your confrontation scene sa funeral. Tama nga ang mga tabloid writers, nilamon mo si Ate Vi. In fact, natuwa naman ako sa pelikula. It's essentially ang Lloydie-Ate Vi tandem. I thought it was clever how Raymond Lee and the other scriptwriters sold the pairing without making up a love angle between you two. Kakakilig kaya yung mga kissing scenes mo with Luis. Nag-wish nga ako na sana ako na lang ang hinahalikan mo. Buti na lang at wala siya masyadong screentime dahil he wasn't doing the movie any good. Tsaka sana yung director ninyo mas naging tight ang pag-edit dahil merong mga superflulous scenes. Sinilip ko nga yung mga na-delete na at sa awa ng Diyos buti naman at naiwan na ang mga eksenang iyon sa cutting room floor. Pero don't worry, I'm also a fan of Olivia Lamasan. May mga napanood naman akong pelikula niyang natuwa rin ako tulad ng Sana Maulit Muli. At in fairness, mas nagustuhan ko naman ang In My Life kesa sa mga past movies mo pero I haven't seen You Changed My Life with Sarah Geronimo.Hayaan mo susunod na.

At honey may bagong pelikula ka pala. Hindi ko nga lang alam kung magugustuhan ko pero sige na nga Lloydie, papanoorin ko na rin. Hayaan mo, kapag napanood ko babalitaan na lang kita.

Till then,

Mario



galing rito ang litrato: tunaynababaero.blogspot.com/2009/06/john-lloyd

Comments

fuchsiaboy said…
una syang naging akin. at napanuod ko LAHAT ng pelikula nya.

nagkita kami nyan sa homme et femme habang namili este namakyaw sya ng dior homme jeans. sila pa nun ni liz uy. nagbeso-beso kami ni liz pero sya di makatingin. mukhang sabog ang lolo mo nun. supermega eyebags. pero cute pa din.
bwisit! said…
hahaha! oo nga kung minsan super mega eyebags si lloydie pero korek cute pa rin siya.

hmmm... sabog as in sabog dahil sa kate-taping o... hahahaha!
fuchsiaboy said…
sabog?! uyyyyy issue! lol! lam mo na yan...

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA