tickle me elmo


maingay ang paligid. makulay. maraming batang nagsisiparoon at parito habang ang kanilang mga magulang ay bunubuntot buntot sa kanila na parang mga yaya. hindi ito iniinda ni clarissa. nautusan kasi siya ng kanyang supervisor na maghanap ng costume pang dracula sa kanilang stock room. pagkatapos ng ilang balik, hindi rin pala si dracula ang hinahanap ng bumibili. si frankenstein daw.

Alas-diyes pa ng umaga nanduon na si clarissa at ngayon ay ala-siete na ng gabi. ang lamig ng aircon ay halos tumagos na sa kanyang kasukasuan. masakit na rin ang kanyang paa't binti sa kakatayo at kakatakbo. paos na ang kanyang boses. pero hindi niya ito iniintindi dahil alam niyang kasama ito sa kanyang trabaho.

pabalik na siya sa stockroom nang mapadaan siya sa mga stuffed toys. hindi niya hilig ang mga ito. kahit nuong bata'y tingin na niya sa mga ito ay kasayangan lang ng pera. pero siguro dahil sa pagod, puyat at problema (nasalanta sila ng bagyo kamakailan lang) naisip niyang huminto at pagmasdan ang mga ito. hindi niya namalayan, isa isa na pala niyang pinupuri ang mga naka-display. kung papaano ang yellow na feathers ni big bird ay sadyang nakakapang-alis ng pagod o ang blue na balahibo ni cookie monster ay parang nakaka-antok. kay sarap sigurong yakapin ang monster na yan, sa isip isip niya.

sa ibaba, bigla niyang napansin ang kulay red na manika. "Tickle me," sabi ng munting papel na nakasabit sa tagiliran nito. Umupo si clarissa at pinagmasdan ang manika. last year lang nakita niyang kay daming mga magulang ang bumili nito. ipinatong niya ang mga costumes sa kanyang balikat at sinubukang kilitiin si elmo. hindi ito umimik. bagkus sa tingin pa nga niya ay sumimangot pa ito. "bakit kaya?" sa isip isip ni clarissa. siya rin ay napasimangot din. sinungkit niya ang likod ng manika para tingnan kung may baterya pa. meron naman. naisip niya na siguro hindi lang niya ito nakikiliti sa tamang parte. sinubukan niya muling kapain ang tagiliran ni elmo at mula sa munting speakers na nakatago sa balahibo nito ay sa wakas narinig na niya ang mala-batang hagikgik ng manika. napangiti siya. muli niyang kiniliti ang manika. muli ring humagikgik sa elmo. napatawa tuloy si clarissa nang medyo kalakasan kaya naman tumingin tingin siya sa paligid sa takot na may nakakita sa kanya. buti na lang at busy silang lahat.

pinagmasdan niya ng maigi si elmo. ang pula at magulong balahibo nito. ang mga matang kay tigas at kay puti. ang mga labing tila hindi nauubusan ng ngiti. kulang na lang ay alisin niya ito mula sa kinalalagyan na box at hagkan na parang tunay na baby, na parang tunay na tao. pero dahil hindi niya ito pwedeng gawin, muli na lang niyang kiniliti si elmo at siya rin ay napangiti ulit. hindi niya alam kung bakit ito ang kanyang nararamdaman. ang tanging alam lang niya ay gusto niyang naririnig ng paulit ulit ang mga hagikhik ng munting manika.

maingay pa rin paligid, ingay dulot ng mga batang nasisipaglaro't harutan habang ang kanilang mga magulang nama'y bumubunto't bunto na parang mga inaliping yaya.

mula rito ang litrato: www.maryellenhunt.com/.../labels/Iraq.html

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA