isang umagang kasing itim ng kanyang kape


the height of coolness ang dating ni RA nang pumasok siya sa isang tagong rock joint sa may quezon city. head, freshly shaved, bushy goetee crawling from the chin down to the thin, white neck. his sad eyes made even more melancholic with a blacker than black eyeliner. white naman ang kanyang T-shirt na may mukha ni WS Burroughs sa gitna at ang kanyang pantalon, isang hapit na faded black pants na pakitid na pakitid pababa hanggang masakal na ang kanyang ankles na binabalutan ng isang mean black boots. dumiretso siya sa may bar at inoccupy ang isang seat sabay senyas sa bartender na matagal na siyang dinidigahan.

"gin tonic, as usual."

"napaaga ka ata ah."

tumingin siya sa kanyan relo. 1am. Maaga nga. Oh well, nag-smile na lang siya. The early bird catches no... what? Bird?

Katatapos lang niyang magbasa ng isang Haruki Murakami novel at excited na excited pa siyang makwento ang istorya pero, sa isip-isip niya, kanino ikukwento? Tulad ng dati, baon-baon pa rin niya ang mga linya ni Cocteau, Bowles, Keroac, Burroughs at Ginsberg, mga linyang para lang kinukuha sa isang vendo machine, mga tig-lilimang pisong quotable quotes pang-attract ng mga similarly minded cute young men.

Sa kabilang dulo ng bar, right across the dark, smoky room, kumakanta ang Up Dharma Down.

"kanina pa tumutugtog ang Up Dharma?" tanong ni RA kay tony the bartender.

"second set."

"kagabi," sabi ni armi. "di atapos tapos ang nobelang binubuo sa mumunting isipan ko..."

"daming tao ah," sabi ni RA kay tony.

"so-so. parati naman puno kapag sila eh."

sumimpleng tingin si RA sa crowd, looking for boys he could snare that night. malamig ang gabing iyon, perfect uminom, magpainit at magrelease ng kung ano anong tension sa katawan. pero tulad ng dati wala siyang makita. puro engrossed sa tugtugin ng banda. hindi pa nai-injectahan ng alcohol ang mga dugong maya-maya lang ay maghahanap ng mate-take home bago mag-umaga. for the meantime, RA tried to enjoy his beer, the music and himself.

"tony, isa pang gin tonic."

"kanina nakita ko sina elay ah kasama ng isang grupo."

"talaga? may shoot ulit sila?"

"parang. cono ang mga kasama eh."

"ah... kaw? kamusta ka naman?"

"ha? bakit? bakit mo naman naitanong?"

"wala lang."

"iuwi mo na muna ako saka ko sasabihin sayo kung ok ako."

"pano kung naiuwi na kita tapos hindi ka naman pala ok?"

"problema mo na yun."

"madami na akong problema. ayoko nang dagdagan pa."

"madami kang problema? eh halos gabi gabi nga nandito ka."

"kaya nga ako nandito kasi madami akong problema."

"problema mo alak."

"chicken and eggs yan pare."

"pina-pare-pare mo na ako ngayon ha."

"bakit? parati naman kitang pina-pare ah."

"ewan ko sayo."

bumalik si tony sa kanyang sa trabaho. walang bahid ng kabaklaan ang lalaki. rock en roll kung pumorma. mahilig sa death metal. cool lang. walang halong drama. sa isip isip ni RA dapat yata matagal na niyang inuwi ito. he took one swig of his glass, inubos ang natitirang gin. time to switch to beer, sabi niya sa sarili. you're getting sentimental.

"chic, isang beer naman dyan o."

"lasing ka na?"

"ako? malalasing?"

"lasing ka na nga. straight ka nang magsalita eh."

ngumiti lang siya. bakit nga ba hindi niya pwedeng iuwi si tony. never pa kasi niya itong nakita sa umaga. parating sa kadiliman ng bar niya ito nakakausap. parating may music na bumabayo sa speakers, parating may halong beer ang kanyang sistema tuwing nakikipaglandian siya dito. who knows, maybe he'll turn to ash when the sun comes out, sabi ni RA sa sarili.

"this is our last set," sabi ni armi. "thank you for joining us tonight..."

nagsigawan ang crowd. more! more! more!

nangiti si RA. More! more! sa isip isip niya.

"up dharma never down!" sigaw ng isang lasing na lalaki.

mamayamaya lang tumugtog pa ng isa ang banda. pagkatapos ng isang pamilyar na intro, pumasok na ang lyrics.

"here are my confessions, lingering intentions..."

dahil masyado siyang into the last song, hindi niya namalayan na occupied na pala ang seat next sa kanya.

"can i bum a cig?" sabi ng isang lalaki.

"ah... sure... sure..."

nakaupo ito paharap sa stage, nagbo-bop-bop ang kanyang ulo sa beat. naka-slick gray polo shirt ito, sleeves rolled, walang ka-crease-crease ang black slacks, shoes still probably as shiny as yesterday morning.

"galing nila ano?"

"oo nga eh."

"nice tats..."

tumingin si RA sa kanyang braso, para nga namang nasi-slither palabas ng kanyang arms ang isang malupit na dragon.

"did it hurt?"

"hindi naman. sa una oo pero pagkatapos ng ilang baso ng gin hindi na."

"lupet."

"you should try having one."

"i do have one..."

"ah."

"you want to know where it is?"

napatingin si RA sa lalaki.

"in your ass?"

tumawa lang ito.

"by the way, i'm greg."

"RA."

"lasing na ako."

"mukha nga."

the man ordered another round. siguro naka-ilang bote na ito. mapula na ang kanyang mga pisngi at watery na ang eyes.

"don't you have work tomorrow?" tanong ni RA.

"meron pero god i needed to unwind."

"on your own."

"on my own."

"kung minsan kailangan nating gawin yan."

"oo nga eh. do you do it often?"

"do what?"

have sex with other men?

"have some time alone," sabi ng katabi.

"madalas." napatingin si RA kay toni. "gabi gabi."

"and life is still no fun for you."

"was that a question or an observation?"

"both."

ngumiti lang si RA.

"so what do you do?" tanong ni greg.

"freelance everything. freelance writer. freelance artist. freelance PA. kaw anong trabaho mo?"

"AE."

"ah."

"parati ka dito?"

"parati. gabi-gabi."

"suki ka pala. twice palang ako nakakapunta dito. it's a fun place."

"it is fun."

"mahilig ka ba sa banda?"

"kung rock en roll ba ako? hindi. hindi naman ako mahilig sa music. i take it that you're into rock en roll and all those cool stuff."

"hindi naman. paborito ko nga yung true blue eh."

"ano yun? kanta ng isang banda?"

"hindi. ni madonna."

true blue baby i love you.

napangiti ang binata.

"so what do you usually write about? art? fiction?"

"press releases."

ha.ha.ha.

"seriously, press releases ng bagong model ng kubeta. gamot sa ubo. event ng isang cheap T-shirt company."

"panalo."

"panalo talaga."

"kaya pala umiinom ka gabi gabi."

"bullseye."

wala nang banda sa oras na yun. maririnig nalang sa speaker ng bar ay isang reggae beat na parating soundtrack nila tony tuwing nagliligpit na sila.

"ihi muna ako," sabi ni RA.

"can i bum another cig?"

"sure."

"isa na lang ok lang ba?"

"no problem."

ramdam na ni RA ang pagkalasing. dumiretso siya sa isang cubicle, tinungkod ang kanang kamay sa pader at umiihi. "isang round na lang tapos lalarga na ako," sabi niya sa sarili. nasa may sink siya nagwa-wash ng kanyang hands nang may biglang pumasok sa CR.

si tony.

"huy, yung boylet mo naghihintay na sa labas," sabi nito.

"di bagay sayo ang nagsasabi ng word na "boylet."

"ikaw nga nagpa-pare eh."

"pare naman, siempre rock en roll tayo eh."

"hus rock en roll, true blue naman yung favorite mo eh."

ha.ha.

"di ko nakwento sa'yo kanina. kakatapos ko lang ng isang malupit na libro."

"ano?"

"haruki murakami pare."

"pare, lupet, haruki murakami pare."

"hindi seriously. malupit siyang writer."

"tungkol san naman ito?"

"tungkol siya sa isang batang umalis ng bahay nila kasi sabi ng tatay niya dadating ang araw papatayin niya yung tatay niya at ifu-fuck niya yung nanay niya."

"weh."

"oo, parang si oedipus. tapos nandun din si johnny walker at si kfc guy."

"yung sa fried chicken? o anong ginagawa niya dun?

"pimp siya dun tapos si johnny walker serial cat killer. nangongolekta ng soul ng mga pusa para gumawa ng isang powerful flute."

"bola. nakahithit na naman siguro."

"maniwala ka. cool yung novel na yun."

"lahat naman sa yo cool eh."

hindi na siya nagsalita. ngumiti na lang sa kasama. "hindi, pare, cool talaga yun," sa isip isip niya.

mula sa salamin, kitang kita ni RA kung gaano kalapit silang dalawa. konting galaw lang, konting pihit ng mukha, pwede na silang maghalikan. he could feel his body heat up. he seemed to have found himself in a magnetic field where it was useless not to gravitate towards the man in front of him. he had to kiss him. he had to. ngumiti lang si tony na parang nababasa nito ang iniisip niya. "go on," parang sabi ng mga mata nito. "kiss me." sa labas kung saan naroroon si greg maririnig pa rin si bob marley, kumakanta tungkol sa isang babae at isang bote ng red wine.

Nagising si RA sa ingay ng tubig. madilim ang kwarto pero kitang kita niya na naggo-glow na ang labas mula sa nakapihit na venetian blinds. mayamaya lang tumigil na ang tubig sa shower. tumayo siya at hinanap sa sahig ang kanyang black briefs. kahit madilim, kitang kita niya na masinop ang kwarto. maliit lang ito. may TV sa gitna, closet sa gilid na ngayong nakabukas at pilit na pinapasilip ang mga damit na neatly arranged. nakabukas pa rin ang electric fan, namo-move left and right, forever na umiiling at never na tumutungo.

lumabas ang isang lalaki mula sa banyo. "you want coffee," sabi ni greg na kasing fresh na ng umaga.

"sige, sige..."

nakapantalon na si greg at kinukuha na ang kanyan pink na polo. gwapo pala ito. boy next door. di mo akalaing nami-mikup ng mga tulad niya sa isang tagong rock joint sa quezon city.

"ok lang ba buksan ko yung blinds?" tanong ni greg.

tumango lang si RA at umupo ulit sa kama. "Sorry late na akong nagising."

"no problem. maaga lang talaga akong pumapasok."

"ok lang bang magsigarilyo?"

"sure."

hinanap niya sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang pakete. bigla niyang naalala na naubos na pala ang yosi sa kakahingi ng lalaki kagabi.

"naubos ko yata yung yosi mo kagabi. sorry."

"ok lang."

tahimik silang dalawa habang nagpe-prepare ang binata umalis.

"ok lang ba na alis na tayo pagkatapos ng kape mo?" tanong nito.

"sige, sige, sorry, ubusin ko na 'to."

"no, it's ok. may gagawin pa naman ako. in a few minutes."

tumingin si RA sa bintana. slits of sunshine pierces through the man's windows. wala na ang up dharma down. wala na ang alcohol na nagfu-fuel sa kanilang nakakaaliw na repartee. wala na ring gabi para ikumbli kung gaano ka-pathetic ang kanyang itsura. eyeliner smothered, pinapaitim pa lalo ang kanyang eyebags na resulta ng mga long lonely nights. body, emanciated to the point of looking malnourished. skin reeking of alcohol and cum. eyes, vacant and lifeless. gusto man niyang mag-stay at kilalanin maigi ang lalaki pero hindi na pwede. naka-move on na ito tulad ng gabing nagtransform na into morning. he just stared at his cup, liquid swirling like a blackhole. he could've looked at it for several hours. it wouldn't matter. his morning, after all, was, as usual, as bitter and dark as his instant coffee.

Comments

Ate Sienna said…
ang lungkot... pero maganda...
bwisit! said…
uy salamat salamat as always. korek, malungkot kaya ang mga one-night stands. well, yung iba hahahaha!
Kat said…
Maganda, pang shorts.
Sana may karugtong. Hehe!
fuchsiaboy said…
it made me feel high ;)
bwisit! said…
hi fuchsiaboy! thanks for reading...

hey kat, korek oo nga naisip ko rin yun. dapat talaga may magawa na kahit isang digital man lang hehehe
kuri said…
nice one here,

napadaan ang gwapo!
IshnaVera said…
aylavdis!

galing as ever.

salamat nga pala sa visit... saw you sa premiere ng kinatay kagabi, hiya lang ako to say hi kasi pangit namang opening lang ang "hello you're bwisit right?" hehehe
bwisit! said…
hey kuri, salamat sa pagdaan hehehehe

hey ishna, kalokah parang masayang opening yun ah hahahaha! maloloka siguro yung kasama ko kapag tinawag mo akong bwisit hahaha! in fairness maraming mga artists, filmmakers, writers at kung anik anik dun sa premiere night. at in fairness, maganda naman pala ang pelikula ni brillante!
IshnaVera said…
achulee :) daming cuticle na artists at feeling artists dahil di pa nila narirealalize na wala silang talent, ganda lang. Bwahahaha bitter.

infairness sa movie, hawak ni brillante ang materyal at alam niya kungsaan papupuntahin. maski na parang dumaan lang ang events na walang kinapuntahan, may apgbabagong nangyari. i like
bwisit! said…
hahahaha I agree! marami ngang cutie noong gabi na yun! kasama na natin ang director na jowa ni toni gonzaga. cute pala siya ha, hahaha!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA