bea two-timer

Bea two-timer. Yan ang password sa libreng wi-fi sa Burger King Trinoma. Sino si Bea at nag-two time kaya talaga siya? Anong ginawa niyang kalandian para ipaglantaran ng kanyang jowang bus boy ang kagagahang ginawa niya? Pumatol ba siya sa kanyang bossing sa call center? O baka naman prof ang may kagagawan? Dahil ba isa lamang bus boy ang iyong labidabs kaya ka nag-two time? O baka naman gusto mo lang tumikim ng ibang putahe? Gusto mo na ba ng hindi lang masarap kung hindi masustansya pa? Sawa ka na ba sa burger and fries? Bea, umamin ka na!

Comments

hahaha. nacurious tuloy ako sino si bea! hahaha!
bwisit! said…
korams! inisip ko nga baka fan lang sila ng one more chance (di ba akala ni john lloyd nagtu-two time si bea). i have a thing pa naman for bus boys! hahahaha!
Ate Sienna said…
Bea: "Ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit."

Busboy: "She loved me at my worst, you had me at my best… and you chose to break my heart - dahil McDo ang binili mo at hindi Burger King!"
bwisit! said…
hahahahaha! dahil mas mura ang mcdo noh ahahahahaha! btw ate sienna, nakita ko kanina si john lloyd. ang cute niya ng bonggang bongga! pramis!
markey said…
wow ngayon alam ko na kung saan may libring wifi sa trinoma....
bwisit! said…
most burger king outlets may libreng wifi. dun din sa holy cow at gloria jeans libre hehehe

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA