angels in the pilipins

Dalawang angel nagyo-yosi na parang mga bored na bakla sa isang bar sa Malate.

Angel 1: Hay I’m bored!

Angel 2: It’s boring! I’m bored as well. Well, I’m bored as hell! Leche!

1: Bo-ring! Bo-ring! Bo-ring! (in a sing-song voice)

2: Bakla wag, nakaka-asiwa. Chaka.

1: E kasi naman para na akong estatwa ng Our Lady of Edsa. I’m so bato!

May ibabato si Angel 1 kay Angel 2. Maglalandian sila. Biglang matitigil ang kanilang kalandian nang may malakas na ingay silang maririnig, followed by a beautiful, very manly voice ala James Earl Jones.

God: Ang lalandi ninyo!

Matataranta ang dalawang angel habang parang may paparating na delubyo. Mula sa mga ulap lalabas si God. Luluhod ang dalawang bakla.

1: Mahal na makapangyarihang punong-puno ng katalinuhan, ka-sosyalan at higit sa lahat kagandahan! Ang tanging nilalang na naka-salo ng lahat nang magsabog ng swerte at kalandian sa buong sanlibutan!

2: We crouch before you, your royal fabulousness; the epitome of everything that is exquisite, glamorous and nice. The only existing beauty truly worthy of being called… Ms. Universe, Mabuhay!

God: Hindi ninyo ba alam na nagpapahinga ako sa aking divan? Alam ninyo naman na halos lahat nanarinig ko sa pamamagitan ng aking bionic ears! Ultimo tibok ng isang naghihingalong ipis rinig na rinig ko! O pakinggan ninyo, parang isang piyesa lang ni Chicane ang kanyang heart beat…

SFX: Dug-dug-dug-dug-dug-dug…

1: Ay oo nga. In fairness! Nakaka-indak!

2: Let’s party!

1: How about some E!

2: No, thank you! I only take C! Vitamin C!

Magsasayawan ang dalawang angels. Maiimbey si God.

God: Mga leche!

2: Sori po! Sori po!

1: We hate to complain God and I hate to say this but we’re sorta, kinda, a
little bit, mej-mej, well…

God: Bored?

2: (shyly) yah.

God: Ano ba kayo? Ang hirap naman ninyong i-please! Can’t you see? Bonggang bongga nga ang aking programming. Swak na swak sa panlasa ng mga masa! May action! Comedy! At Drama! PInagsama-sama ang pinakamalalaking artista ng dekada sa isang telefantasyang hindi mapapanood san man!

Famine sa Africa! Giyera sa Russia! Bagyo sa India! Dayaan sa Nicaragua! Ang saya-saya di ba?

1: Siguro po masyado malaki ang issues. Serious masyado. Di naming ma-reach.
Nosebleed to teh.

2: Ang laki ng scope. Di kami maka-relate. CNN level. Siguro po we’re looking
for something a bit…

1: Stupid?

Babatukan ni angel 2 si angel 1.

God: Pendong! One point!

Ah nage-gets ko kayo mga kafatid. Gusto ninyo yung relatable. Yung nagkakaroon kayo ng sympathy sa mga characters. Yung parang buhay ninyo pero hindi naman. Yung parang mga pelikula ng…

1 & 2: Star Cinema!

God: Dyan! Dyan kayo magagaling sa kung ano anong ka-cheapan!

1: Like One More Chance!

Maririnig ang dialogue ng pelikula. Ili-lipsynch ito ni God.

God: You had me at my best. She had me at my worst but you chose to break my heart.

2: Bata! Bata! Paano ka Ginawa?!

God: Akala mo lang wala, wala pero meron, meron!

1: Jologs!

God: Ang liit ng mundo noh, yung kakilala ng kakilala ko na kakilala ng kapatid ko eh kilala mo rin.

2: Milan!

God: Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako dahil mahal mo ako.

2: Eskapo!

God: Talaga lang huh!

1: Haba Baba Doo, Puti Puti Poo!

God: Gaga!

Pero oo, gets ko kayo. You’re looking for something that is common. Run of the mill. Parang kwento ng a friend of a friend o kaya kwento ninyo mismo pero with good looking people (not with ugly ones like you). Yung di ninyo namamalayan umiiyak na pala kayo o tumatawa tapos mapapa-iyak tapos tatawa na naman tapos iiyak na naman tapos tatawan naman tapos iiyak na naman tapos tatawa naman (Nakakaloka naman itong pelikulang ito). Yung tipo na parang sinulat ng isang schizophrenic na scriptwriter at paglabas ninyo sa sinehan mapapakunot na lang ang uno ninyo at mapapatanong: Baket? Anong meron? Anong nangyari?

1: Exactly, my dear fabulousness! Visceral ang effect.

2: Yes, tumpak. We instantly react to what's happening on screen without even thinking... Yah, visceral.

1: Yeah, visceral (mas aartehin ang pagbigkas)

God: Calm down! Calm down! my dear, we’re talking about movies not boys. But I
know what you are up to. Simple. Relatable. Cute ang bida. Got it. Siguro parang ganito…

Mag-iiba ang lighting

Naka-head set na si Angel 2.

2: Ready direk. Anytime direk.

1: Quiet on the set! Quiet on the set! Rolling! Up music…Take 1… and action!

Sa kabilang dulo ng set magbubukas ang ilaw. Magigising ang isang makisig na lalaki. Katabi niya ay isangcutie rin. Tahimik na pagmamasdan niya ang kanyang
boyfriend.

1: Cute! I love him already!

God: O dib a, may star quality.

2: Kamukha ni Akihito Sato.

1: O say.

God: Shhhhh... manonood ba kayo o mag-ko-commentary. Kung gusto ninyo eh tapusin na natin ang programang ito at panoorin na lang namin kayong mag-chikahan. Ewan ko lang kung kumita sa takilya?

1: Forgive us! Forgive us! Your heavenly fabulousness!

2: Tatahimik na po kami...

Magsa-sign language si Angel 1. Ganun din si Angel 2.

God: Anong ginagawa ninyo aber?

1: Naka-silent mode.

2: Sabi mo maingay kami eh.

God: Baka gusto ninyong patahimikin ko kayo forever!

1: Sorry po! Sorry po! Di na mauulit. On with the show.

Makikita ang isang kwarto. Nasa isang bed ang dalawang lalaki. Gising na ang isa, si Eric, habang si Sam ay natutulog pa. Hahalikan ni Eric si Sam sa noo, sa pisngi, sa leeg, at sa lips. Bawat halik may "I love you." Eventually, magigising rin si Eric.

Sam: I love too...

Eric: I love you so much...

Maghahalikan sila. Kung nuong una, medyo pang-PG, mauuwi ito sa R rated. Maririnig ang isang pang-pornong soundtrack.

Angel 1: Shet!

Angel 2: Ang saya saya ng palabas na ito! Nasa impiyerno na ba tayo?

Angel 1: Sila nasa heaven!

Angel 2: Oh my God! This is so...

Eric: Good! You're so good honey!

Sam: I love you! Eto ba ang gusto mo? Eto ba?

Angel 1: Yes! Yes! Yan ang gusto namin!

Angel 2: Ayan na! Ayan na! Topless na si Sam!

Angel 1: Bottomless kaya si Eric? Go! Go! Go!

Parang mga animal na sabik na sabik ang mga angels. Parang ngayon lang nakapanood ng porno.

Ngingisi lang si God at saka pipitik.

At biglang magri-ring ang phone.

Angel 1: Anak ng puta!

God: Watch your mouth!

Angel 1: Ay sorry po. Bitin kasi eh.

Angel 2: God, you are such a sadist!

Tuloy na magro-ring ang phone at iistorbohin ang talaga.

Eric: Pucha! It's your phone.

Sam: God ang lupet mo! Kung kelan ako hot na hot saka pa me tatawag. Arrrrrg!

Ngingisi lang si God.

Kukunin ito ni Sam at sasagutin...

Sam: I have to go.

Eric: What? But you just arrived. It's our anniversary.

Sam: May problema sa opisina. As usual.

Eric: Yeah, as usual. Parati na lang ganito eh.

Sam: O god, please don't start now. Alam mo namang gusto ko rin ikaw makasama eh.

Eric: Sorry, but flowers and a takeout just wouldn't do it.

Sam: Anong magagawa ko?

Eric: Sino siya?

Sam: Anong sino siya?

Eric: Matagal na akong naghihinala sa'yo...

Sam: Na ano? Shit! Ang aga-aga...

Eric: I'm fed up...

Sam: Please cut the crap. Sa opisina ito... Ok, I'm just going to make it up to you
tonight ok...

Hindi sasagot si Eric. Magtutungo sa banyo si Eric para maligo.

Sam: God, please, God, ano ba itong nangyayari sa akin! Mahal na mahal ko siya pero bakit unfaithful siya? God, bakit ganun parating may sablay sa buhay ko. I'm so tired of it!

God: Ganun talaga eh, magtiis ka...

Sam: Ayoko nang mag-tiis. Sawang sawa na ako sa buhay ko... Sa kaka-nag... sa kaka-hinala...

Angel 1: Kami rin sawa na no. Nakakarindi sa tenga ang drama mo.

Angel 2: You are such a drama queen...

Makikita ni Eric ang bag ni Sam at hahalungkatin ito. Maabutan siya ni Sam.

Angel 2: Ay!

Angel 1: Nakaka-shock naman.

God: Bakit? Dahil sa suspense?

Angel 1: Hindi. Ang ganda ng katawan niya.

Naka-towel lang si Sam.

Sam: What the fuck are you doing?

Eric: Looking for evidence...

Aagawin ni Sam ang kanyang bag. Hindi ito ibibigay ni Eric. Instead, may kukunin itong resibo at iwawagayway sa mukha ng kasintahan.

Eric: What's this?

Sam: What?

Eric: A dinner for two at Italiannis?

Sam: Yes, a dinner for two with you. Nakakalimutan mo na ba ang pre-anniversary celebration natin? You had pasta Bolognese. I had meatballs.

Eric: E ito? Anong text ito? "Please take care. I love."

Sam: O god, that's my mom for crying out loud. Ano ka ba? Tingnan mo pa ang name...

Eric: And this key chain? I'm sure may creative explanation ka na naman para dito...

Sam: Yes, if you have to know, that came from Doray sa accounting. Pasalubong nila mula Bicol.

Ibabato ni Eric ang bag at magtutungo sa isang sulok ng kwarto at iiyak.

Eric: bakit ba ang tanga ko god. bigyan ninyo lang ako ng proof na nagche-cheat siya hihiwalayan ko na siya.

God: hay naku, if only you stop being such a drama queen and look at the ring on his finger.

Mare-realize ni Sam na may ring pa siyang suot suot. tatanggalin niya ito kaagad. Mahuhuli siya ni Eric so kunwari na lang nagkakamot siya ng leeg.

Eric: Ano yan? Ano yan? Chikinini ano?

Sam: Nunal yan ano ka ba?

Eric: Bakit ngayon ko lang nakita.

Sam: Nabulag ka na kasi sa sobrang selosa mo.

Eric: Bakit sila ba hindi ka pinagseselosan?

Sam: Walang nagseselos dahil walang sila. walang iba. Bakit ba ang insecure insecure mo?

Eric: insecure ako dahil masyado kang malandi...

Sam: insecure ka dahil you don't love yourself...

Eric: ah ganun ha. kelan ka pa nanood ng dr. phil. siguro habang nagkakangkangan
kayo ng kalaguyo mo si dr. phil ang pinapanood ninyo no.

Sam: O baka sa tingin mo si Dr. Phil ang kinakangkang ko.

Eric: Don't patronize me...

Sam: You're crazy...

Eric: Yeah, i'm crazy to be stuck with you...

Sam: nobody is stuck with anybody... mahal natin ang isa't isa. we are doing this out of our own volition. hindi ito sapilitan... God!

God: What? Ako? Oh yes, Sam my dear...

Sam: ... You make me so angry...

God: Che!

Sam: Kung hindi mo kaya akong i-trust siguro hindi ako worthy maging sayo.

Angel 2: Hay naku, narinig ko na yan. Wag kang papauto sa linyang yan. Gagawin lang niyang basis yan para makipaghiwalay sa yo...

Eric: So gusto mo na akong hiwalayan ha? Dahil, like what you said, unworthy ka sa akin...

Sam: Ikaw ang nagsabi nun hindi ako. stop putting words into my mouth.

Eric: buti sana kung words lang ang pinapapasok mo sa bunganga mo...

Sam: Wag kang bastos... I'm leaving.

Eric: So you're finally leaving me?

Sam: No, I'm leaving for the office. stop being paranoid. kailangan ako sa opisina.

Eric: At this hour? You must be kidding.

Sam: Yes, at this hour. 9am ng umaga. What's wrong with that?

Tatahimik si Eric habang nagpe-prepare si Sam umalis.

Eric: I'm tired. I'm tired of being jealous, of waiting for him to make a mistake.
Ayoko ko na. Alam kong nanlalaki siya pero bakit hindi ko pa siya maiwan-iwan. God! God, are you listening? Please, please give me a sign na dapat ko nang hiwalayan ang mokong na ito!

God: Hay sige na nga. Bibigyan pa kita ng isang chance. Ang pathetic mo eh!

Biglang mahuhulog ang isang brief sa bag ni Sam.

Sam: Holy shit!

Eric: Ano yan?

Sam: Wala!

Eric: Ano yan, walang hiya ka!

Maga-agawan sila ang dalawa. Makukuha ni Eric ang brief.

Eric: Brief? kanino itong brief na ito? walang hiya ka! akala ko ba brief ko lang ang binabaon mo. putang ina mo niloloko mo ako! kanino ito.

Sam: hon, babes, panga, lovidabs, sweet heart, cupcake, ano ka ba sa akin yan.

Titingnan ni Eric ang brief. Makikita nito na may pangalan sa garter.

Eric: P.J.? P.J. ba ang pangalan mo? Nagpunta ka ba sa census kahapon at hindi ko alam iba na pala ang pangalan mo? Ha, sam? Sam, sagutin mo ako.

Sam: Eric ano ka ba? kay... kay...

Eric: kanino? aber?

Sam: kay...

Eric: Kay PJ nga kasi ito ang nakasulat dito sa garter eh. Hello! Anong tingin mo sa
akin, bobo?

Sam: (utal na magdadahilan) Hindi mo ba natatandaan? Si PJ? yung pinakilala ko sayo....

Eric: Kelan? Saan? Sa Malate? Sa Bed? O baka naman sa Fahrenheit?

Sam: Ano ka ba hindi ba nagpapaalam ako sa yo bago ako pumunta duon. alam naman ng mga friends natin kung gaano ako ka-loyal sayo.

Eric: oo, alam na alam nila dahil sila mismo ang nagsusumbong sa mga pinaggagawa mo. para na nga akong desperate housewife dito. punyeta ito na ang sign na hinihingi ko kay god.

Sam: hon, believe me. wala akong kilalang pj. hindi ko alam kung paano napasok sa bag ko yan. And if god is giving you any sign, it's that you should stop this nonsense and believe me.

God: Korek!

Eric: Ano ito? may sariling buhay. pumapasok kung san-san basta may butas.

Sam: sweetheart, baka napagtrippan na naman ako ng mga ka-tropa ko. alam mo naman
yun, mga jologs ang mga iyon.

Eric: sa pamamagitan ng pagsuksok ng gamit na brief sa bag mo? leche!

Sam: (to himself) PJ nga ba ang pangalan nung nakasama ko kagabi? parang raymond eh... hon inggit lang sa atin ang mga friends natin because we are soooo perfect. cute ka. cute ako. mahal na mahal natin ang isa't isa. hindi ba sapat na iyon para maging maligaya tayo.

Eric: hindi! dahil hindi na ako maligaya sa mga pinaggagawa mo! and i dont believe a single word that’s coming out of your filthy mouth. hinalikan pa naman kita kagabi. malay ko ba kung ano klaseng burat ang pinasok mo dyan sa bunganga mo! Pwe! Che! Nandidiri ako sa yo. We're so over. We're so over i have to invent a new word for over...

God: Like what? Shover? Drover?

Angels: Shhhh...

TATAAS ANG KILAY NI GOD

Angel 1: Te, nangyari na sa kin to eh.

Angel 2: Kay Paolo?

Angel 1: Yah, you remember?

Angel 2: Of course! Naging kami rin eh...

Angel 1: Puta talaga yung lalaking iyon.

Angel 2: Tell me about it...

Angel 1: He cheated me with you...

Angel 2: And when he was already with me, he fooled around with you...

Angel 1: And when he was fucking us both, he fooled around with Gio.

Angel 1 and 2: Puta!

Eric: sorry honeybunch. my love! sorry. maniwala ka.

Sam: And you know what? I really, really loved you. I loved you like you were the only person in this world worth loving. Pero hindi. Ginago mo lang ako. For two fucking years. Ang tagal na akong naghihinala. I was only waiting for you to slip up. And that day finally came. Punyeta. Sinayang ko lang ang tamod ko sa yo. No, you are not going to leave me. I'm the one who is leaving you!
Kokolektahin ni Eric ang mga gamit niya.

Angel 1: Teka sino nga ba si PJ.

God: Eto ang twist dyan. Si PJ ang pamangkin ni Andrea na pinsan ni
Cookie na sister-in-law ni Sam. Hindi sila nag-sex. Pinagtripan lang siya ng bata.

Angel 2: Gaga lang talaga itong si bakla. OA sa pagka-urian best actress. Kung ganyan ka-hot ang bf ko wa ako care. manlalalaki rin ako. bakit ba?

Angel 1: Naman, kung pareho kayong makati, easy lang ang solusyon dyan. Two words...

Angel 2: Orgy?

Angel 1: Gaga one word lang yun...

ANgel 2: Ah... open relationship.

Angel: Jackpot!

God: Teka, teka, teka... pero may isa pang twist dyan... watch this!

Eric: Oh and before I go, I just want to say I cheated on you too...

Hindi kikibo si Sam.

Sam: It's ok... I don't care... I still love you...

Matitigilan si Eric. Titingnan ang jowa at maglalakad palapit dito.

Eric: Sam, fuck you Sam... Why do you make it so hard for me to let you go...

Tuluyang yayakapin ni Eric si Sam. They will kiss each other voraciously.

Up music, lights down.

Back to God and his angels. Nakangiti si God, proud na proud sa eksenang sinulat niya.

God: Happy?

Magiisip ang dalawang angels at biglang magaala film critic.

Angel 1: Although the story is definitely relate-able, I must say that the portrayal of gay men in this particular situation is a little bit stereotypical...

Angel 2: Plus the dramatic progression was too fast. It was as if it was written for TV.

Angel 1: Ako two thumbs down... Ikaw?

Hindi magsasalita si Angel 2.

Angel 1: Run of the mill. Parang wala lang. Kulang na lang tinapay at Coke at may merienda ka na. Ang cheesy ng ending...

Sesenyas si Angel 2, pinapatigil na nya si Angel 1.

Angel 1: Walang depth. para ka lang nanood ng pang-Valentines presentation ng star cinema. maganda pa yung A Very Special Love eh.

Biglang magsasayaw si Angel 1.

God: Anong ginagawa mo?

angel 1: Rain dance sir.

God: Ah ganun ha. Rain dance pala ha. Eto ang sayo.

KUKULOG AT KIKIDLAT, MABILIS NA TATAMAAN SI ANGEL 1. Pagkatapos mag-disappear ng mga usok, isa nang manok si Angel 1.

Angel 2: Ay… Chicken!

God: Ayan, ayan, yan ang twist mo. anong masasabi mo dun ha, bakla?

Angel 2: Ay perfect, bravo, bravo your royal fabulousness. hindi ko iniexpect iyon ha. mala-hitchcock ang twist. pang-urian ito mother. Pang-famas. pang-young critics circle. hindi... pang-oscars... ang galing galing ninyo talaga...

Unti-unting magdidilim ang stage. Maiiwan na lang si manok na mag-isa, tumitilaok.

Comments

infairness natapos ko! dahil sa sobrang aliw!!! kudos!
bwisit! said…
hehehe masyado mahaba ba? salamat salamat ulit sa pagbisita!
Kat said…
mahaba sya pero sobrang aliw. sarap nya sanang panoorin :)
bwisit! said…
hey kat! walang magawa sa buhay eh kaya napahaba ahahahaha!
Ate Sienna said…
anoba... tawa ako ng tawa dito sa cubicle ko sa opis. i lab et. at habang binabasa ko ito, nagrerequest din ako kay God na sana kapag sikat ka na, hindi mo ako kakalimutan.

(pero, sisterette, "Earl James Jones" talaga? Hindi ba "James Earl Jones"? sige, bigkasin mo, diba parang sintunado yung "Earl James Jones"? hehehehe)
bwisit! said…
hahaha thanks ate sienna! nahiya naman ako. korek ka dyan james earl jones! recently pramis para akong may dyslexia! pati yung mga sinusulat ko sa work nagkakabalik-baliktad. scary. at dahil dyan, ie-edit ko na ngayon din!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA