rapunzel

Hindi man ako masyadong kagandahan pero panalo naman ang aking hair. Minana ko pa ito sa aking lolah na sing itim ng budhi ng death row inmates sa Muntinlupa ang kulay nang kanyang buhok. Gugo power yata ang gamit niya noh bearing none of the harsh chemicals sold by the multi-national companies sa Makati. No wonder, head over heels si loloh sa kanya. Ava, whirlwind romance yata ang story nila, mala-Senator Ferdinand Marcos at beauty queen Imelda Romualdez circa 1950s ang kanilang drama. Kaya eto ako, kamukha ni Borgy. Joke lang. Aimee Marcos naman.

Anyways, like I said, panalo ang aking hair. Sabi nga ng mga kaibigan kong bading, pang-commercial daw. Sabi ko naman, basta ako si Gretchen. Kaya naman nang sumali ako sa Miss Gay Universe, Winnie Monsod ang lolah mo at kinabog ever ko kahit pa si Ms. Ruffa Gutierrez na naging Miss Gay International sa Proj. 8 at Miss Gay World sa Tandang Sora. Naumshami nga lang ang aking first walk nang nag-appear si Papa sa dulo ng catwalk at May I sabunot sa aking award-winning hairdo. Chos koh, embarrassment galore ang sinapit ko sa aking pinaka-maningning na gabi. Nag-mistulang comedy ni Roderick Paulate kami habang hatakhatak ng aking tricycle driver na Papa ang aking buhok. Tawanan ever ang aming mga kapit-bahay na para lang silang nanonood ng sine. Wala man lang nagtanggol sa akin, kahit ang mga kaibigan kong bading at ang mga nahadacious kong hombre. Pero ang pinaka-masakit duon, aside from the split ends na tinamo ang aking hair, ay ang pag-dethrone sa akin. Mantakin mo namang i-declare ang first runner up bilang Miss Gay Universe habang tinatangay ako ni Papa.

Galit na galit ang tatay ko. Hindi ko man lang daw siya binigyan nang kahihiyan, etcetera etcetera. Sabi ko, narinig ko na yan, sa pelikula ni Markova. Pero whiz pa rin siyang nakinig sa akin. Jinombog ever ako ng aking fadir at round 3 palang Eric Morales na ang byuti ko.

“Dahil malandi ka at talo mo pa si Diana Ross kung makapag-eye shadow, ikakandado kita ngayon dito! Leche!” sigaw ni Tatay.

So ayun, may I banish ang aking byuti sa tore este third floor nang aming balay sa Barangay Pag-asa. Spare ang room at ang mga windows nababalutan ng silver metal grills. “Para akong prinsesang nasa hawla. Ang chaka pa ng colors. Walang attitude. Walang panache,” pagbubuntung hininga ko sa sarili. Pero mind you, titah, I didn’t surrender to despair. After crying for like an eternity pinagmasdan ko ang room at naging instant Tom Felicia ako sabay tingin sa camera, freeze, enter graphics and chargen—Rapunzel, interior designer. Bonggacious ang pagbabago ng kwarto. Parang naka-time lapse ang transformation: where once there was a foul smell, ngayon Glade Spring na ang amoy. Where once there were walls filled with urine and shit stains, ngayon naka-wall paper na na-floral ang design.

Kaya naman na-enjoy ko din ang stay ko dun. Hinakot ko rin ang lahat ng aking mga CDs at duon nagkakanta: Divas Live, Mariah’s Heart Breaker, CD ng mga American Idols, at mga Kylie Minogue discos. Pero one night, while I was possessed by the divaish spirit of Regine Velasquez post-surgical enhancements at habang kumatanta nang: “Dadalhin kita sa Aking palasyo… ”, nakakita ako ng silver lining sa aking most pitiful situation. Yes, tita. Silver na lining. Dahil dun pala sa kapitbahay namin, may nakatirang cuties. “Anaknangputah wuddyalukatdat,” say ko. Strategic pala ang kwarto. Sightching ever ko ang mga boylets na nagno-nomonomo down, down below with only the shortest of shorts lang ang suot-suot. So I did what any disrespectable gaysha with ill repute would do. Titah, I wasn’t called Hollahback girl for nothing kaya: “Psst! Psst!”

Hay, seeing their maniacal and opportunistic faces almost made me jump from my tower. Pero siempre kahit songbird ako whiz naman akong pekpek este pakpak so sila na lang ang nag-effort. Dapat lang noh dahil sinusustentuhan ko ang mga bisho nila. May I climb sila sa aming ladder at sa may balkonahe kami nag-chu-chukkcha… este chikahan until sunrise at sunset. They are such lovely people: dinadalhan nila ako nang yosi, beer-gin, chongki, shabu, valium, etc. Pero kahit cutie silang lahat at parang akong napapalibutan ng Power Boys araw araw (Remember them? I don’t.), iisa lang ang nagpa-ibig sa akin. Yes, I fell madly, overly, insanely, in love.

Sweet siya sa akin at sweet naman ako sa kanya. Para kaming isang buong episode ng Young Love Sweet Love, parating nagpapalitan ng sweet nothings, nagsusubuan ng sweet things, at nagtatawagan ng sweethearts. Ang sweet sweet nga namin kaya minsan pinagkakagat kami ng mga langgam sa teresa (Ang corny!). Kaya mula noon tawag na lang niya sa akin, cupcayk at siya naman si teddybur.

Minsan, habang nasisilayan na namin ang silahis ng araw sa may silangan, tumingin sa akin ang aking prinsipe na may labi ni Wendell, smile ni Aga, at katawan ni Johnny Delgado (haha), “Dahil maganda ka at mahaba ang iyong buhok, tatawagin kitang Rapunzel… At tuwing gabi, babanggitin ko ang iyong pangalan at sasabihing: Rapunzel, Rapunzel… lay down your golden hair…”

Pero dahil sobrang kilig ang putah, whiz ko narinig yung last word kaya ang say ko. “Ano? Lay down my golden egg!?” And at that point, tumingin siya sa akin at nagsabing: “Ache-che!” Sabay duck walk palabas ng kwarto. Sabi ko na lang sa sarili: Cue laugh track at nag-laugh laugh na lang ako na parang buwang.

Pero yun na nga ang naging premise nang aming fairy tale. Gabi-gabi, ibinubulong niya sa hangin ang aking pangalan at ako’y lalabas ng bintana at unti-unting ibababa ang aking maitim at makintab na buhok at dahan dahan siyang aakyat sa aking balkonahe at pagdating niya sa dulo, mahinay niyang idadampi ang kanyang labi sa aking pisngi at magsasabing: Mahal Kita...

Pero destined yata na maging teleserye ang aking buhay dahil isang araw, na-late nang uwi si Papa at na sightching ever niya ang hombre na May-I-climb down sa aming fire escape. Oh dyos koh, anovay naman itich diva, lang hiya,jombag ever na naman ang byuti ko, hindi na parang Morales-Pacman kung hindi Pacquiao at Solis ang eksena sa third floor. Hagis ditto, haggis duon at haggis all around. Para akong pinball na pinagpapalo sa iba’t ibang parte nang aking katawan:

“Dahil malandi ka at talo mo pa ang may buni sa kati guguputin ko ang hairlaloo mo, leche!” say ni Papa. Pinaupo niya ako sa harap ng malaking salamin, kinuha yung hair spray at gunting at sinakluban ako ng kapa.

“Ang soft,” sabi ni Papa. “Ang gandah. Parang pina-hot oil.”

“Hindi, Rejoice lang yan,” say ko.

Sabay batok sa akin ni Papa. “Echoserah! Hambog!”

At saka tuluyan na niyang ginupit ang aking hair na love na love ni boyfriend. You wouldn’t believe the tears that fell from my eyes. Super talaga na binaha na nga kami at kinailangan pang mag-limas nila Papa sa baba. Punyeta daw ako, hindi lang daw ako bakla inconvenience pa raw ako. Pero in farview, effect ang new look ko. Bagay pala sa akong ang may bangs.

pero kinabahan ako. magustuhan pa kaya ni boyfriend ang hairdo ko? mamahalin at pagsisilbihan pa rin ba niya ako sa aking bagong buhok ko. balisa ako sa totoo lang.

lumubog ang araw, nagsimula ang gabi, hindi na ako mapakali. nagsara na ang tindahan sa baba at nakita ko nang paparating na ang aking dearest lover.

"rapunzel! rapunzel! lay down your golden hair!" sigaw niya. ayoko talaga mag-pakita. pramis. super kabado ever ako. para akong maliligwak sa top ten. para akong naghihintay na tawagin ang name pero nyeta natawag na si miss vietnam at miss laos ang miss philippines hindi pa. ayoko talaga ng suspense! kakalurkey.

"rapunzel! rapunzel! where art though rapunzel!" sigaw muli ng aking jowaers.

unti-unti akong naglakad papunta sa bintana.

"ikaw na ba yan rapunzel!"

ayokong mag-salita. ayoko talaga.

"yes dear," sabi ko.(akala ko ayaw mo?)

"ikaw nga! para paring huni ng songbird ang boses mo. nakaka-L talaga!"

shet! this is it! this is the moment.

mula sa bintana, kitang kita na ang silhouette ko kaya naman medyo na confused siya. na-disoriented.

"ikaw ba yang akin rapunzel? rapunzel ikaw ba yan?"

holy motherfucking lolo! kailangan nang makita niya ang aking makeover.

"rapunzel, bakit ayaw mong magpakita sa akin? hindi pa naman kita sinisingil ah."

shet!

"rapunzel?"

tang-ina.

"rapunzel?"

bwakanashet

"rapunzel?"

shet na malagkit na nagkadikit-dikit.

"putang-ina rapunzel magpakita ka sa akin kung hindi bubugbugin kita!"

"eto na pootah ang arte eh!"

finally, lumabas na ako mula sa shadows at ngayon isa nang girl standing in front of a boy asking him to love her.

"ako eto boyet. nasa harapan mo na ako."

"rapunzel, ikaw ba yan?"

"oo boyet ako nga ito."

"hindi. nasaan na ang rapunzel ko? ilabas ninyo siya."

"ako nga ito. ano ka ba? nasisiraan ka na ba ng ulo. dont you like my new hairdo."

"hindi ikaw si rapunzel ko. si rapunzel ko..."

sabay tingin sa horizon, animoy nagde-day dreaming.

"...si rapunzel ko, maputi, mahinhin. babaeng babae. sexy. makinis. at higit sa lahat mahaba ang buhok. mahabang mahaba... black na black, hindi oily, hindi buhaghag. parang model sa isang shampoo commercial."

kahit na super kilig ako at akong ako yung dine-describe niya, hindi ko pa rin mapigilang umiyak. at parang niagara falls, tumulo ng tumulo ang aking luha at uhog.

"ako pa rin ito. boyet. humarap ka sa akin. bangag ka na naman ba? ako lang ito. ang iyong rapunzel."

at tumingin siya. pulang pula ang kanyang mga mata. hindi mapakali ang kilos at medyo nangangamoy pa. bangag nga siya... sa pag-ibig! (chos!)

"ako ito boyet. si rapunzel mo. wala na ang buhok. wala na ang makeup. wala na ang pekpek shorts. at wala na ring nail polish. pero ako pa rin ito. si rapunzel. mapagmahal. mapag-aruga. kaakit-akit at kahalihalina... at ikaw naman si boyet. si boyet ka hindi ba? si boyet na gwapo, matipuno, mapag-mahal, at higit sa lahat malaki ang kargada. ikaw si boyet hindi ba?"

"ako ba si boyet? si boyet ba ako?" (leche, nalukring na ang lolo.).

"oo, ikaw si boyet. ako naman si rapunzel. nagmamahalan tayo hindi ba?"

"mahal? tayo? saan? duon? kelan?" (o dyos ko. tinalo pa niya sa mel tianglo sa dami ng tanong.)

punong puno ng doubts siya. pinikit niya ang kanyang mga mata at pilit inalis ang amats at saka niya binuksan at muli akong tiningnan. mukhang bumabalik na siya sa
katinuan. dinampi niya ang aking pisngi. tinerays ang outline ng aking jaw at sinuri ang aking ngipin.

"ako ito boyet. si rapunzel mo. tingnan mo may bungi ako dito sa kaliwa di ba? tingnan mo. o di ba may bungi nga."

"oo nga no. ang itim. ipapasta mo na yan."

"sige bukas pag may time."

hinawakan niya ang aking tenga at hinimas himas ang aking maikli at mala-demi moore circa GI Jane na buhok at bigla niya akong niyakap.

"omg! nakikilala mo pa rin ako."

at niyakap ko rin siya. nang mahigpit na mahigpit. tiningnan niya ang aking mga mata. malalim na malalim na tingin. parang kasing lalim ng balon sa the ring. kulang na lang lumabas si sadako at sakmalin ako at patayin.

"sorry," biglang sabi niya.

teka, sorry? dumagudon ang puso ko. tan-tan-tan!

"sorry pare ha."

pare, shet, tinawag ba niya akong pare. totoo ba ito? nasa disneyland ba ako? bakit parang ang surreal?

"pare, sensya na ha. akala ko nandito si rapunzel eh."

putang-ina kanina pa tayo nagda-dramahan dito hindi ka pa rin convinced na ako si rapunzel? at "pare"? seriously, "pare"?

"pare, balik na lang ako dito mamaya pag nandito na si rapunzel."

hindi ako makapag-salita. pramis. hindi talaga. flabbergasted ako.

"bro, alis na ako bro."

seriously, "bro"? talaga?

"sige dude," sabi ko na lang.

"dude"? sigurado ka, "dude"?

at habang pababa siya, unti-unti ko nang nararamdaman ang kalungkutang ngayon ko lang matitikman.

"bye."

"bye"

"nice chatting with you."

"same here. i had fun."

"bye"

"bye"

is this really goodbye? (or just a new beginning? of what? 100 years of solitude?)

naiwan akong nakatayong mag-isa. pinaghinaan ako ng tuhod at biglang lumagapak sa sahig. napa-iyak ako. hindi lang iyak actually. hagulgol. ang ingay ko. parang angulngol ng aso. sa sobrang iskandalosa ko, nakiramay sa akin ang lahat ng askal sa aming kanto. umangungol rin sila na parang mga extra sa Regal Shocker. para kaming choir of death. oo, namamatay ako. namamatay. hindi. namatay ako. nang bonggang bongga.

makalipas ng ilang buwan, napagpasyahan kong iwan na ang aking abusive tatay. abusive naman talaga siya eh. dapat nga, matagal ko na siyang nilayasan. tumira ako sa isa kong kaibigan at duon sinubukang magpahaba muli ng buhok. pero bakit God? bakit? hindi na siya muling tumubo. sinubukan ko na ang lahat. horse shampoo. gugo. treatment. wig. lahat. pero hindi na humaba ang aking buhok. sabi ng aking kaibigan, minsan lang sa buhay ng mga bakla ang magkaroon ng isang long hair. napakunot ang nuo ko. hindi ako makapaniwala. ang senseless di ba? eh yung iba nga kahit patay na tumutubo pa rin ang buhok. oo, pramis, napanood ko yun sa Eye to Eye eh.

pero noong gabing iyon, habang sinusuklay ang aking phantom hair, napaisip ako. kailangan ba ng acceptance ni boyet para humaba muli ang aking buhok o kailangan bang humanap na lang ako ng isang boyet na magmamahal sa akin kahit bokals na ako. simple pero complicated. magulo siya in fairness. sinuklay ng sinuklay ko ang aking buhok na wala naman at kahit ang klarong klaro naman ang kasagutan naguguluhan pa rin ako. ayoko. ayoko. no, hindi. hindi ko matanggap ang sagot. ayoko. ayoko talaga. pramis.

Comments

nikki said…
this is true? ang galing ng post mo. :)
bwisit! said…
hehehehe hindi naman. super fiction siya. naaliw lang ako kay rapunzel at mga contesera na nakikita ko hahaha!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA