diwata


Minsan may isang diwata na nawala at napadpad sa Manila. More specifically sa Malate. At dahil nanggaling siya sa kagubatan kung saan tahimik at maganda ang paligid, hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakita. Ang ingay ng mga disco beats. Ang daming mga tao sa lansangan. Ang dumi-dumi ng kalye pero tawanan ng tawanan lang ang mga ito. Walang pakialam. Kantahan ng kantahan. Sayawan ng sayawan na parang wala nang bukas. Sabado nga naman nuong gabing iyon.

"Goodness!" sigaw niya. "Ang saya saya!"

Kaya naman nagpasya siyang lumapag sa may harap ng Oh at maglakad papasok sa may Bed at paglabas niya malapit sa may Gilligans mega naka-change costume na siya. Remember yung eksena sa Supergirl kung saan lumipad sa isang malaking imburnal si Helen Slater at paglabas niya naka-coat at skirt na siya ala Working Girls ni Melanie Griffith? Ganun. At winner naman ang ang kanyang outfit. Parang dumaan muna siya sa atelier ni Joey Samson at nag-shopping sa G4 bago napadpad sa Malate. In fairness critically acclaimed ang kanyang look.

"Taray!" sigaw ng mga bakla.

"Bongga!" sabi naman ng isa.

"Pang-Miss U ang byuti mo ineng!" hirit naman ng iba.

Smile naman ang pootah kahit hindi niya medyo ma-understand ang mga catcalls ng mga jokla. Sa kanyang kalituhan, bigla na lang niyang namalayan na nasa gitna na siya ng dance floor ng Alchemy. Sa paligid niya, todo giling ang mga gelay na parang mga pina-speed up na rotiserrie. Karamihan nga naman sa kanila yummy pero sa isip isip niya mas yummy siya kaysa sa kanila. Ginaya rin niya ang mga pinaggagawa ng ibang girls at na-discover niya na liberating pala ang humataw tulad nila. Hindi pala para mag-mukhang stupid lang. May purpose pala. In fact, sa sobrang na-addict siya, halos hindi na siya umalis ng dance floor. Ihi lang talaga ang pahinga. At dahil very pretty ang fairy, maraming lumalapit sa kanya pero isa lang siempre ang kanyang natipuhan. Isang afam.

"Hey, wazzup," sabi ng mestizo.

"Eto, busing busy sa paggiling, obvious ba?" sabi niya habang umiikot ikot siya na parang si Marian Rivera sa Marimar. "What is it to you?"

Smile lang ang afam. In fairness, napansin kaagad niya ang ngipin nito na pinaganda ng braces at ang dalawang cute dimples sa magkabilang pisngi.

"Can I dance with you?"

"Sure."

Dug-dug-dug-dug-dug sabi ng beats na walang tigil. go!go!go! sabi naman ng DJ.

Umaga na ng lumabas ang dalawa sa bar.

"I'm Gino, by the way. I didnt get your name," sabi ng lalaki.

"Um," nag-isip siya dahil ang pangalan niya sa fairy land ay fairy number three lang. siempre kung yun ang sasabihin niya baka isipin ng afam na lukring siya eh type pa naman niya ang lalaki. wala siyang maisip at medyo nagpanic siya. ano ba ang magandang pangalan? Rosing? Rosa? Rose? Che-che? Judy Ann? Asanthi? Beyonce? Gagay? Beck-beck? Bigla niyang nakita ang isang mama na nagluluto ng fishball. "Fishball kayo dyan?" alok nito. At dahil sa inflection ng boses ng mama nagka-idea siya.

"I'm Samantha," she said. "Samantha."

"Can I take you home?" tanong ng lalaki.

Bigla siyang kinabahan. Basta kinabahan na lang siya ng bonggang bongga. Hindi niya ma-eksplika pero alam niya magbabago ang buhay niya nuong umagang iyon.

"Sure."

At tinayk-home nga siya ng hombre na parang isang happy meal. Mula six ng umaga hanggang six ng susunod na umaga halos hindi sila umalis sa water bed ng lalaki. Masaya ang kanilang lovemaking pero eventually na-discover niya na hindi pala afam ang lalaki. basta. hindi siya afam. pure pinoy lang pala. at since then, parang isang writeup ng isang magka-love team na artista ang kanilang istorya dahil nakalagay sa kanilang press release that unlike U2 they have finally found what they have been looking for nuong umagang ding iyon.

"dont get me wrong," she said when asked about their very short courtship. "during our non-stop fucking we talked about ourselves incessantly. kilalang kilala ko na siya at kilalang kilala na niya rin ako."

very bakla daw ang kanilang relasyon, sabi ng ilang observers, dahil pagkatapos ng mala-SEB na hook-up mag-on na ang dalawa. at ang pagiging on ay nasundan ng isang sushal na kasalan. perfect couple talaga sila. maganda si babae. gwapo si lalaki. dagdagan mo pa ng magarang kotse at bahay sa greenhills. perfect talaga. at nasundan ang kanilang grand wedding ng isang baby girl na kinuhang model sa isang baby lotion commercial. sumunod naman ang isang cute na cute na baby boy na nagmodel naman for Milo. Masaya ang pamilya pero pagkatapos ng nine years filled with happiness, umuwi ang lalaki at kinausap ang kanyang asawa.

"I'm fed up," he told her. "I'm really, really tired."

"Ha?" she said, unable to grasp the real meaning of the statement. "Gusto mo ng masahe? I could draw you a hot bath."

"I said I'm fed up with this life."

"Fed up about what? I could schedule us a vacation if you want. Boracay? Palawan? Vietnam?"

"I'm fed up with you and the kids."

"Ha? Ano? Bakit?"

"I don't know. I want to be alone for a while."

"What?" tanong niya. "But we are so happy."

"I'm tired of being happy," sabi niya. "Happiness doesnt suit me."

"Ang labo mo!" sigaw niya sabay walk out ng kwarto. Sa buong buhay niya ngayon palang siya nakakilala ng isang taong ayaw ng happiness. ang labo talaga di ba? Until then, the couple have never had a fight, a tampuhan, or any animosity. Nuong gabi lang na iyon. At eventually nagpuntang HK si lalaki para duon gumawa ng bagong buhay habang si fairy naman ay nagpasyang magrenta ng bahay malapit sa kanyang dating tahanan sa may Montalban at forever na nawala sa social radar namin. Until...

One day, habang batong bato kami sa lifestyle department ng isang naghihingalong peryodiko, naalala namin siya.

"San na kaya yun?" ask ng isang writer.

"Remember she was the toast of the town."

"Nabalitaan ko na si lalaki is going out with his hunky trainer."

"Ows? talaga?"

"in fact, na-disinherit siya ng kanyang amahin."

"matagal na, amoy na amoy ko na yang lalaking yan eh."

"Eh san na kaya si Sam? Sam na ang putang iyon?"

At dahil sa pagkabato na iyon, nagsimula ang aming search at isang hapon we found ourselves out in godforsaken city of Montalban. Nakatira sila sa isang simpleng barong barong na may puno sa tabi at kahoy na bakuran. the works. Nuong una hindi kami makapaniwala na siya na ang aming nakikita pero naruroon pa rin ang kanyang kagandahan. Nagsasampay siya ng kanyang mga labada habang suot suot ang isang ka-cheapang duster pero in fairness kamukha pa rin niya si Sophia Loren sa pelikulang Sunflowers.

Nuong nakita niya kami, mabilis na pinunas niya sa palda ang kanyang dalawang basang kamay at nagtungo sa palamig stand para i-prepare kami ng maiinom.

"What a pretty duster," I said. "Thank you for dressing up for our interview."

"Walang anuman iyon," sabi niya.

Ngumiti siya. Napaka-ganda ng kanyang ngiti. Hindi ako magdadalawang isip kung isa nga siyang diwata. Humuni ang hangin at bahagyang yumagayway ang kanyang buhok. Napatingin ako sa langit. Ang ganda ng langit nuong araw na iyon. Blue na blue. Inabot niya ang palamig sa aming cameraman at napansin ko ang mala-gintong mga dahon sa bakuran nila. Nasa Montalban nga ba ako? sa isip isip ko. Napansin niya ang aking paghanga.

"Ang ganda dito ano?"

"Oo nga, mamaya ha mag-pose ka sa damuhan na parang si Sophia Loren."

"Alam mo kahit ganito kami ngayon happy na ako. Kuntento na ako sa ganitong buhay."

Ngumiti lang ako.

"Alam mo dati akong isang diwata."

"Talaga?"

"Oo, napadpad lang ako sa lupa dahil naaliw ako sa mga ilaw."

Maynila sa Kuko ng Liwanag ba Ito? Ligaya Paraiso, ikaw ba yan?

Parang nahuli niya ang nasa isip ko.

"But I'm still a fairy," she told me. "But gone are the days when I let the wind take me wherever it wants to take me. Of course I couldnt do that anymore. I have my kids to take care of. But you know what, I'm ok now. Okay na sa akin ang ganitong buhay. And frankly, I have never felt happier."

Tumingin siya sa diretso sa akin. Hindi ko masuklian ang kanyang titig. Medyo awkward. Medyo nakakahiya. Tumingin na lang ako sa lupa at biglang nag-depress ng sobra sobra. Pinitdot ko na lang ang record button ng aking recorder at sinimulan ang aming interview.

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA