work in progress

Meron akong idea for a story. Basta tungkol lang siya sa isang bading na umuwi sa kanilang probinsya after 10 years. Of course may chenes siya sa mga tao sa probinsya nila (kaya nga 10 years ang absence niya diva). Ang plot: mamamatay na ang kanyang demonyitang ina. iniisip ko yung bidang lalaki isang lifestyle editor na parating naka-Jackie O na sunglasses at pashmina. think: baklitang echosera sa pelikulang temptation island. ang nasusulat ko palang yung opening sequence kung saan darating ang bida sa airport at ookrayin ang lahat nang nasa paligid niya. at ending kung saan na-resolve na ng konti ang kanyang mga hang-ups. oo, alam ko, ilang beses na natin napanood ang ganitong pelikula pero nage-enjoy pa naman akong sulatin kaya keri lang. maaliw ko lang ang sarili.

eto ang isa sa mga nasulat ko palang. pupunta ang baklita sa close friend niyang ghel. mao-off ito sa kanegahan ni bakla.

girl: ikaw nakalanghap ka lang ng polusyon sa maynila naging demonyo ka na.

bakla: i resent that.

well, it's true. you've turned into an uber bitch.

ewan ko. masakit ella. mahapdi. i should feel different. pero hindi. pakiramdam ko ako pa rin si Bum na lumayas ng zamboanga 10 years ago. talunan at heartbroken.

kung ang kinaba-bad trip mo ay ang pagkatalo mo sa Mutya ng Zamboanga 10 years ago eh tigilan mo na ang pagsa-sour graping dahil may sampung reyna na ang nagdaan. at mas magaganda at mas bata sila kesa sa iyo.

gaga!

iha, maybe the reason you still feel that way is because you havent moved on.

obvious ba?

remember kung anong sinabi ni anais nin?

ano?

"There came a time when the risk to remain tight in the bud was more painful than the risk it took to blossom."

how... literary of you? and all these time i thought i've already blossomed.

oo nga. mukhang lanta ka na.

but dont be so naive. all the adages and quotable quotes in the world will not change how i feel.

eh kasi nga you refuse to change. bakla, naka-kandado kasi ang puso mo.

and you have the key? tigilan mo nga ako ella mae razon. you are turning into an annoying minor character in a second rate melodrama.

what can we do? life is just one long soap opera that refuses to be cancelled.

... that is until we drop dead.

speaking of death, how's your mother?

ang galing ng segue mo 'neng. taklesa ka rin ano?

sorry. ikaw kasi mali ang timpla para sa eksena. had i known that we would be having this conversation i would have brought my veil.

well, we're not having this conversation anymore. wala ka bang beer? chongki? whatever?

meron ata. teka... so kamusta ang maynila?

magiiba ang mood ng bakla at magsisimulang mag-reminisce ang dalawa...

____________

ang ending pauwi na siya ng maynila. nasa eroplano na siya nang biglang ka-seatmate pala niya ay isang reporter sa ibang dyaryo.

reporter: Hey, nandito ka rin pala.

bakla: anong ginagawa mo dito?

reporter: the usual. covering the war. how about you? you here on vacation.

bakla: hardly. I used to live here.

reporter: used to? really, i didnt know that.

bakla: yeah. used to.

reporter: must have been fun meeting with old friends.

bakla: yeah. great. i had lots of fun.

reporter: so what did you do?

bakla: i buried my mother.

maririnig ang piloto na mag-aanounce na ready na sila for take-off. aalisin ni bakla ang kanyang sunglasses na suot-suot niya sa buong stay niya sa zamboanga. makikitang namumugto ang kanyang mga mata. aalisin din niya sa pagkapalupot ang kanyang pashmina at titingnan ito. mas makakahinga na siya ng maluwag. makikitang nag-aayos na ang mga flight stewardess para sa pag-take off. ngingiti si baklita sa kasamang reporter at mahihiga ng komportable. lilipad ang eroplano pauwi ng maynila.

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA