takbo, bilis, takbo

tumatakbo ako. well, hindi naman takbo. it's a toss between running slow or walking fast. basta ngarag na naman ako. pawisan. oily. panget in short.

tumatakbo ako sa kahabaan ng bridge sa may gateway. medyo bwisit dahil for some reason and for the second time this month hinahabol na naman ako ng mga deadlines ko. ang magazine nginangarag ako sa article. ang sp tinatanong sa akin kung saang camera ang interviews. si weng nagtatanong na sa status ng aming equipment at talents. at si ms avic, well, ayun, i'm sure sinusumpa na niya ako dahil wala pa akong ex-deal e next week na ang festival. kalokah noh?

actually hindi naman ito mangyayari kung hindi ako nangarag last week at puro half-assed ang pinaggagawa ko sa mga trabaho ko para lang maitawid ang mga deadlines. ayun, naitawid nga hindi lang maayos. kaya eto ako, sa opening sequence palang, tumatakbo na. parang si lola sa run lola run.

at habang tumatakbo ako napaisip ako. nyeta, yayaman ba ako sa pinaggagawa ko? magkaka-laptop ba ako at makakapag-bakasyon sa bohol (dahil ang gaganda ng beach nila duon noh!) this coming holy week? siempre ang sagot ay isang resounding NO! N. O. as in! dun ko naisip na sana may psychiatrist ako tulad ng mga characters sa pelikula ni Woody Allen so i could then say: "Well, my shrink tells me not to wake up unless I'm being paid P50,000 to write because it's not good for my ego." O diva. but that is if my shrink is a 6 feet model going by the name of Linda Evangelista.

Again, tinanong na naman ako ng isa kong kaibigan over YM last night kung bakit ko pinag-gagawa ang aking mga ginagawa. siempre ang sagot ko barya barya lang ang bawat projekto at kapag pinagsamasama ko sila it will amount only to a fairly decent pay. eh di ba wala nga akong decent pay. actually wala ngang decent sa akin eh! well, its a decent pay if you compare it to my other salaries pero malamang budget lang ito ng isang call center agent sa isang linggo.

owel. pero nakarating pa rin naman ako sa appointment ko on time in fairness. dun sa meeting, nag-kwento si bam na fresh from davao nang tungkol sa funeral ng kanyang ina. ikinuwento niya kung paano mula sa ospital hanggang sa libing ay na-channel niya sina Vilma Santos sa Pahiram ng Isang Umaga, Sharon Cuneta sa Caregiver at Nida Blanca sa Kailan Darating ang Umaga. It was as if the scenes in his life were taken from the movies, which, to begin with, have always taken its inspiration in life itself. the whole conundrum. very post-modern chenes.

sa totoo lang, habang nagkukwento siya naiisip ko na ang mga cinematic possibilities nito. pasok sa banga ang style ni OZU. baka pwede ang isang pelikula na nagsimula lang sa hospital, umuwi sa bahay, nagpunta sa sementeryo, natapos after ng libing. ang mga magkakapatid inaayos ang mga abuloy at kung ano anong naiwang gamit ng ina. lahat sila busy habang ang naiwang asawa ay nasa isang sulok ng kwarto, natatabunan na ng mga anino at unti-unti na ring nawawala sa eksena.

hmmm... masulat nga yan. pero next time na lang. may deadline pa ako eh.

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA