sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

Nuong ako ay isa pang full-fledge na print writer parati akong on the look out sa mga rakets. kahit ano papatulan ko. kahit anong magazine basta makita ko lang yung byline ko super happy na ako. kaya naman mula CCP hanggang product launching pati na rin sa mga usapang sexual na-tackle ko. eto ang isa sa mga remnants ng aking oh-so-colorful career in print. try ninyo to, who knows baka mag-enjoy kayo....

SOP tips
(O kung papaano huwag matakot makipagtalik sa
telepono)

I can see why most people find sex on the phone
daunting. Kasi naman, kailangan nito ng mga special
skills. Kung iisipin mo ng maigi, mas mahirap nga ito
kesa sa actual na sex, dahil sa sop kailangan active
kayo pareho. Kadalasan kasi, during coitus, kung
minsan meron passive at meron naman active. Puwedeng
active yung lalaki habang yung babae nakahiga lang,
passive. Or vice-versa.

Pero, of course, sa sop di ito pwede. Dapat pareho
kayong nagsasalita. Mahirap naman yata kung isa lang
yung dakdak ng dakdak, describe lang ng describe ng
kung ano anong anik anik. Bad trip nga naman yun, di
ba. Siempre, pagnage-sop, dapat sabay kayo. If you
really go by how the dictionary defines the word sex,
di talaga kayo nagse-sex. You are only having a rather
racy conversation about what gives you the best
pleasure. Actually, pwede rin na sop pero puro pagkain
lang yung pinaguusapan ninyo. Yung sexual tension
nakatago sa mga pagkaing dinedescribe ninyo.

Siguro ang key word dun, conversation. It’s an
intimate conversation between two people. Palitan ng
ideas. Yun nga lang, imbes na nagdi-discuss kayo
tungkol sa fiscal crisis o kaya sa pagka-duplicitous
ng pamahalaang GMA, ang pinaguusapan ninyo ay kung
papaano ninyo ipe-pleasure ang isa’t isa.

Actually, kung marunong kang makipag-sop ibig sabihin
nito comfortable ka sa sexuality mo. Sabi nga ng iba,
nakakaempower daw ito. Mas nararamdaman nila yung
kanilang powers bilang mga babae dahil at home sila sa
sexualidad nila. Yung tipo bang mala-Lady Chatterley
ang dating. Pero of course, di kami nagge-generalize.

Pero, papaano ba talaga makipag-sop. Madali lang yan.
Sundin ninyo lang ang ilang mga tips naming para sa
inyo.


Tip # 1

Gawin ito sa gabi: Mas maganda kung nakikipag-usap
kayo ng gabi o kaya early morning, say mga 1AM. Alam
ninyo kung bakit? Practical lang. Mas nagiging
adventurous and less inhibited ang mga tao sa mga oras
na ito. Mas relax kayo at mas klaro ang isipan kaya
mas makakapag-concentrate sa mga sasabihin at sa
partner. Of course, wala na ring ibang tatawag sa oras
na ito kaya solo ninyo ang phone.

Tip # 2

Magsuot ng sexy na damit o kaya mag-create ng sexy
environment: Alam ninyo kung bakit? Mas makakatulong
ito sa inyong imagination. Mas magiging madali ang
pag-describe ng mga bagay bagay dahil naiis-stimulate
yung utak ninyo sa mga nakikita ninyo. Plus,
pagkairamdam mo sexy ka, you don’t have to do much
faking.

Eto pa ang isang suggestion. Try doing it in complete
darkness. Pagmadilim ang paligid at tahimik na
tahimik, walang makakapag-distract sayo. Maririnig mo
lang ang sarili mong pag-hinga at ang mga sexy words
ng iyong kapartner.

Tip # 3

Huwag isipin ang mga consequences: Totoo na dapat
parati nating iniisip yung mga ginagawa natin. Na
dapat aware tayo sa mga paroroonan ng ating mga
action. Pero, kapag nakikipag-sop, isa itong
hindrance. Imagine ha, in the middle of your
conversation, bigla mong maiisip yung mga sinasabi ni
Sister Margarita o kaya yung mga pangaral ng nanay mo.
Siempre di ka na makakapag-isip nun. Magkakaroon ka ng
block.

Siguro naaayon ditto yung suggestion ni Ernest
Hemingway sa mga writers. Sabi niya, kung di daw
maka-isip ng ideas yung writer, ang dapat niyang gawin
magsulat lang ng magsulat regardless of the quality of
what he is writing. Ganun din kapag nakikipag-sop.
Sabihin mo lang kung ano ang nasa isip mo.

Tip # 4

Mag-isip ng isang character na sexy at ilagay ang
sarili ditto: Treat it as if you are an actress trying
to inhabit the skin of a sexy woman. Kung sa tingin
ninyo hindi talaga kayo sexy at talaga naming di kayo
nagiisip ng mga ganyang bagay, mas maganda kung
magro-role play kayo. Mag-isip ng isang character na
sexy, tulad ng karacter ni Sharon Stone sa Basic
Instinct o kaya ni Catwoman. Tapos isipin kung ano ang
gagawin ng karacter na yun kung ito ay nasa lagay mo.
At least, yung sexy self mo yung nilalabas mo, hindi
yung pagka-manang mo.

Tip # 5

Avoid clinical terms: SOP po ito, hindi recitation sa
isang klase sa UST School of Medicine. Huwag gumamit
ng mga terms na hindi naman nakaka-stimulate tulad na
lang ng penis o vagina. Wag nang magpa-sosyal. Wala ka
sa isang party kundi nasa isang kwarto ka nagiisa.
Nobody is judging you. Instead, tagalugin ito o di
kaya magisip ng ibang terms. Actually, mas maganda
kung street-speak ang gamit ninyo. Mas natural pa ito.

Tip # 6

Alisin sa isip na gumagawa ka ng masama: First and
foremost, alisin sa utak na sin ang pagkikipagtalik.
We have long been brainwashed into thinking that sex
is bad. Which is not true. It doesn’t matter din kung
kilala mo yung nasa phone o hindi. Some prefer having
sex on the phone with a stranger, some prefer with
their loved ones. Of course, mas maganda kung
boyfriend mo o asawa mo ang kausap mo. Mas intimate.
Pero di rin matatawaran ang experience ng
nakikipag-sop sa isang stranger. May iba din itong
thrill.

Ang importante, papat iwan mo ang mga inhibitions mo
bago ka tumawag. Kasi kung madami kang hang-ups, baka
maghang up din ang kausap mo. Mahirap yatang
makipag-sop sa isang dial tone.

Comments

Ate Sienna said…
ay, syet!! sop! very exciting... kung alam mo kung paano.

and that's all i'm going to say, hehehehe.
bwisit! said…
hmmm... ate sienna... hmmm... hahaha!
Anonymous said…
eh may naka sop kasi ako pero ako daw yung mag start eh di ko talaga alam kung ano sasabihin ko kasi di ko pa alam yung mga ganon. so ano ba sasabihin ko? reply back please.
Nikkimo said…
Babae kaba o lalaki? I guess lalaki ..meunong ka naba? Haha

Popular posts from this blog

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA