reyna ng sablay

kakainis. parang fault ko na parang hindi naman. basta. di lang nag-fly yung kunsepto ko. ayus na lahat. naka-ilang text na ako at tawag pero langya sumablay pa rin. umiyak ang bata. tumagal ang pag-pinta. ang hosts naimbyerna. in the end, bokya. sayang. ibeblame ko sana ito sa mercury retrograde. alam mo ba yun? hindi? aba eh, eto at para iexplain kung ano ba talaga ang mercury retrograde let's welcome cecile zamora (haha!)...

"Mercury goes retrograde once again. It happens 3 times a year and it lasts for about 3 weeks. This time is from May 27 to June 19, 2008. Then from September 24 to October 15, 2008 and then from January 11, 2009 to February 1, 2009.

Mercury rules over the mind's processes, studying, communication, businesses, travels and the like. When Mercury reverses its direction, all these areas are affected as well." from chuvaness.

panalo di ba? maniniwala na sana ako dito kung hindi lang ako regular magnet ng kamalasan (oh wait, baka naman i attract malas like a blackhole suck planets kasi im so negative. teka, di ba napaka-simplistic nung thinking na yun? ewan. basta.)

sabi ng ka-chat ko (oo, nag-chat ako sa sobrang depress), kailangan ko ng matinding masahe. sabi ko, hinde! kailangan ko ng matinding sex. yun yun (hahahaha)! pero bago ko magawa yun kailangan ko munang makipag-wrestling sa kunsensya ko kasi supposedly isa akong "faithful lover" to my (faithful?) boyfriend. siempre, pag-guilt ang pinaguusapan hindi naman nakaka-turn on (nakaka-turn off pa nga, obvious ba?). so ayun isang akong boteng coke na ilang beses na binate at naghihintay ng isang malagkit na release. anger. pain. frustration. all bottled up. (eh kasi naman bakit hindi ka makipag-sex sa boyfriend mo na lang noh! yun ang tanong ninyo di ba. well, kids, let's talk about that when you're nearing thirty and have been in a monogamous relationship for two years, okay.)

teka, parang ako na si travis bickle. oh no, baka bigla na lang sa set pagtinanong ako ang tanging sasabihin ko na lang eh: "You talking to me? are you talking to me?" ang chaka. ang panget. ayoko. di ko moment. di pang-best actress. dapat best actress. yung parang: "dahan-dahan, baka masira mo ang complexion ng skin koh!" o kaya "once, twice, thrice, tell me louie, gaano kadalas ang minsan?" or in my case, kamalasan.

ewan ko. para akong tanga actually. inaliw ko lang yung sarili ko sa pagsusulat, nag-sulat na nagsulat until maging okay na ako. well, im kinda okay now. kinda lang. im not like okay-okay. may butil butil pang drama. actually im not okay at all (ang kulit!) ano ba? basta. i need a drink. i need a good fuck. i need a diversion. no, i need to move on.

bow.

Comments

Mr. Scheez said…
Aliw ang blog mo. Ahlavit! =)

Talo mo si Julianne Moore sa Boogie Nights sa gulo ng isip mo. Hehehe =)
bwisit diaries said…
hay ilang araw na lola, ang gulo. ang gulo gulo gulo hahahaha!
Ate Sienna said…
ako siguro pwedeng magtanong tungkol dun sa "bakit hindi na lang kasi si boypren ang i-sex mo" kasi more than 30 na ako. hehehehe

boring na ba ang sex? monotonous na ba? (teka... kelan lang naman kayo, diba?) is it the method or is it the person?

alam ko ang feeling ng boring sex. pero for me it was more the circumstances surrounding the both of us that made him look unappealing to me already.

ganun ka na rin ba?
bwisit diaries said…
hmmm... i'll be safe. i think its just me. alam mo naman ang mga bading bago makarating sa isang matinong relasyon dadaan muna sa napaka-daming chenes. i guess nasanay ako sa buffet at ngayon nasa isang matinding diet hahaha!

hmmm... ano yung mga circumstances na yun? but you're still together right? hmmm...

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA