Nagalit Ang Buwan Sa Haba ng Gabi

Or in my version, anak nang tuleleng di pa ba tapos ang lecheng araw na to? Alam ninyo yung mga araw na kahit alas-tres na ng umaga ayaw ka pa rin tantanan. Yung hinahabol habol ka ng mga hassles na parang pootah nagka-ipon ipon sa isang napaka-swerteng araw? para silang kampon ni satanas na nag-grupo grupo para makipag-bakbakan sa isang engrande at umaakitibang final confrontation (or to mimic zaturnna, para sa isang bonggang-bonggang reprise sa dulo ng isang napaka-habang pang-sabadong produksyon number). nag-sunrise at nag-sunset na binabato ka pa rin ng mga ka-buwisitan na parang gusto mong sabihing "I'm done na! Nag-move on na ako! Di na kita mahal! Bakit ayaw mo akong lubayan punyeta!"

pero erase-erase. im trying to cultivate a positive outlook. pilit kong iniisip na pagkatapos ng isang sako ng mura, sampung toneladang luha, tatlong drum ng uhog at anim na buwan na dramathon, makukuha ko rin finally! ang aking pinaka-mimithing close-up.

bow.

ps. wala lang. na-inspire lang ako sa title kasi kakabasa ko lang ng isang article tungkol kay danny zialcita, isa sa mga lokal na direktor na nais kong makilala in the very near future (kasi 67 na kaya siya). maliban sa "nagalit ang buwan sa haba ng gabi," ang ilan pa niyang pelikula ay Gaano Kadalas ang Minsan, Bakit Manipis ang Ulap, at Ang T-Bird at Ako (I love this movie but as one film critic would say: the ending is a cop-out!). Read his interview on Metro Magazine here: http://jeromeifyouwantto.blogspot.com/2008/10/danny-zialcita-metro-him-sept-2008.html

Comments

Mr. Scheez said…
I love the title of this movie. =)

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA