ligaya ang itawag mo sa akin

nakaharap ako ngayon sa computer medyo tulala. honestly hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang trabaho ko. parang kulang pa ako sa tulog pero nakatulog naman ako ng maayos kagabi. feeling ko ang dami dami kong ginawa this week pero hindi naman. nakipagmeeting lang ako sa client at nagtaping ng isang episode last tuesday. panalo sana yung mga guests kaso hindi lang nag-fly yung konsepto. eh nakaka-dalawang chakabells na episode na ako. pressure divah? owel, wish ko lang mataas ang ratings kasi yung cutie pie na guest namin nagpakita ng maputi niyang abs. in fairness, kahit ako napatingin. nomo-nomo kami nila weng after the taping. sabi niya, gusto daw niya akong kasama dahil sa dami kong angas sa buhay parang ang perfect ng buhay niya. narinig ko na rin yan sa isa kong kaibigan, si rochelle. nuong una natawa pa ako. feeling ko kasi ang pino-project ko naman eh isang self-deprecating chuchu pero deep inside borderline genius (at hindi borderline idiot na parang mas swak sa katauhan ko).

wednesday, gumising ako na sobrang depressed. buti na lang naabutan ko yung kalahati ng ratatouille. panalo. medyo na-enganyo akong bumangon pagkatapos nuon pero tulad ng dati parang ang hirap ako dapuan ng inspirasyon these days. thursday nakipag-meeting at friday nagkolekta ng ka-chekehan sa isa kong raket. ang weird kasi pagdating ko dun sa office parang feeling ko hindi ako welcome. kaya pagkakuha na pagkakuha ko fly kaagad ako. nilibre ko na lang ng lunch si boyfriend dahil birthday week niya. na-miss ko palang mag-hang out with the boyfriend. ang hindi ko lang na-miss yung bill na binayaran ko (ha.ha.).

saturday nakipag-meeting ulit at nag-sub sa isang writer sa isang show. siempre, late na naman ako. pagdating ko dun, pumunta kaagad ako sa headwriter at nag-sorry. tiningnan niya lang ako at saka bumalik sa kausap niya. sabi ng kausap niya: you're late!

hay, hirap kumita.

may isang very joey gosengfiao production number yung show. kalowka! crush ko yung isang host dun actually tapos habang busi-busihan ako feeling ko tumitingin sa akin yung crush ko (huwaw!). siguro ngarag lang ako ng panahon na yun kaya nagha-hallucinate na ako.

umuwi ako ng mga alas-dos ng umaga, nagpamasahe sa boyfriend at natulog. pag-gising ko, nagte-text na sa akin ang aming researcher. may problema sa episode. owel, simula na naman aking kalbaryo. sinasabi ko na lang sa sarili ko na gusto ko ito. pera ito. pera!

naalala ko na lang si rosanna roces sa pelikulang ligaya ang itawag mo sa akin. remember yung scene duon kung saan bumalik ng kasa si ligaya at pinuntahan siya ni poldo. pagdating dun ng dating asawa, tinapunan siya ng limpak na limpak na salapi. "walang pupulot niya," sigaw ni mama chanda romero. pero keber si ligaya na lumuhod at mangiyak ngiyak na kinukulekta ang mga salapi. "wag kayong mahiya. ito ang nagpapaikot sa ating mundo," sabi niya. "ito ang bumubuhay sa atin." kalowka. kelan pa naging pelikula ni carlitos ang buhay ko.

da end.

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA