tshirt

sa sobrang sikip ng suot ko ngayon halos di na ako makahinga. regalo ng boyfriend ko ang tshirt na suot ko ngayon. nang una ko siyang makita (yung t-shirt, di yung boyfriend) sabi ko: ano 'ko puta? so ngayon, nagpuputa ako dito sa mall wearing a ridiculously tight shirt. huli akong nagsuot ng masakip ng tshirt nuong nineteen kopong kopong pa. binigyan ako ng isa kong ininterview ng t-shert, pang-bading na merong nakalagay sa dibdib na "boytoy". wala na ito sa kloseta ko. inenok siguro ng nanay ko dahil hindi na raw ako boy at mas lalong di daw ako isang toy (hay, kung alam lang niya...). ayun, ending, ang pamangkin ko 7 years old ang nagsuot ng t-shert. in fairness, parang wholesome tuloy ang effect ang damit pero parang... may mali.

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA