ang aking arrive. bow.

kanina depress-depressan ako nang biglang naka-tanggap ako ng isang bonggang bonggang text message mula sa smart: toot-toot toot-toot!

"FREE Swerte Horoscope: Napansin mo ba kung pano siya tumingin sayo? Mahal ka na niya, it's obvious! Well, what can you expect? Mahirap dedmahin ang arrive mo e!"

Anak ng putah! Would you look at that?! Kaya nga loyal ako sa smart eh. bigla tuloy ako napatingin sa paligid ko. may-i-search for that cutilious hombre na nagba-bask sa yellowish glow ng aking bonggang-bonggang arrive! eh, kaso nasa balay ako, nag-iisang nagda-dramarama. siempre ang nakita ko lang ang ipis na pagewang-gewang sa aming sahig.

punyeta!

ang swerte ko naman. kung kelan pa bonggang bongga ang aking arrive (sabi ng smart communications) wala pang mga witnesses. isang lecheng ipis lang. kaya sa aking ka-bwisitan, gumetching nalang ako ng baygon at inisprayan ng aking bonggang bonggang arrive ang cockroach chenes. tsuk, tsugi ang creature. at habang nanginginig siya sa sakit, nag-dialogue na lang ako sa sarili ko:

"Well, what can you expect? Makamandag ang arrive ko eh."

bonggang-bongga diva? da end.

Comments

IshnaVera said…
bonggang-bongga akong napahalakhak diteld :D

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA