inuman

SA ISANG INUMAN SA MAY CUBAO

lalaki 1: 'pre ano show mo ngayon?

lalaki 2: yun nga pre, yung sinabi ko sayo.

na corner mo na pre ang lahat nang pinaka-baduy na progrma sa telebisyon! pare masang masa ka na ngayon ah!

olats pare kailangan eh

dun ka pa rin ba?

oo no permanent address pa rin

gago tumatanda ka na!

e anong magagawa ko e sa ganun eh. paso mo kaya ako sa raket mo!

kung pwede lang e di pinasok ko na kayong lahat. gusto mo pati si mang jerry sali na rin natin eh.

Ulol! lupit nun pre si manong jerry rumaraket din. raketistang nagtitinda ng isoy! lupit!

gawa na lang kaya tayo ng sitcom pre. sawa na ako sa kantahan at sayawan eh.

aysus! pre di pa uso mp3 yan na ang sinasabi mo.

'de pre seriously. why not di ba?

pasok mo na lang kaya ako sa show mo.

anak ng puta, para kang si sheila sa alinbangbang ang kulet!

pare for your information di na alibangbang yun. bangbangali na.

babangali. alibangbang. bagu-bagohin man ang pangalan mga lumang kepyas pa rin ang nandun.

imagine mo, pre, grade 6 pa ko buhay na yun.

lupit pre, siguro yung mga bagong salta nung grade 6 ka lola na ngayon.

mag-floor d na lang kaya ako sa ganun. di ba meron nun? floor d pag may show?

balita ko hina kita sa ganyan eh.

libre silip naman.

gago pre, magkakasakit ka lang sa kaka-jakol. tang-ina, may libreng kuliti pa.

pre kalyo ka na nga sa kakatebats, me kalyo ka pa sa kaka-boso.


TAWANAN


pre gawa na lang tayo ng sitcom. setting alibangbang. parang camera cafe, one cam set-up lang. puro gags lang tapos parating me gumigiling sa likod. minsan si maui taylor. minsan si diana zubiri. tapos minsan, joke lang, si bella flores. swak yun pare. sponsor. trust condom.

ulul! sige tingnan natin kung makakuha ka ng mtrcb.

fuck mtrcb!fuck morality! fuck pgma!

fuck you pare!

tang-ina mo!

pasok mo na kasi ako sa show mo. sisiw yan. "ladies and gentlemen... give it up for da best, da greatest..." o di ba ganun lang yun.

pre, sinasabi ko sayo ewan ko lang kung tumagal ka ng anim na buwan. pre bibigyan kita ng anim na buwan tingnan ko lang kung di ka matae sa inis.

award-winning, longest-running show pre. magsasawa ba ako nun. bata pa lang ako yan na ang pinapanood ko. grade 6 palang ako pre solid na ako sa show nyo.

pre kala ko ba artist ka? di ba filmmaker ka? me pa godard godard ka pa eh tang-ina variety show lang pala ang titirahin mo. san ang mis-en-scene dun pare?

pare di ba sabi mo nga, fuck mtrcb, fuck morality, and most especially fuck pgma. ang masasabi ko lang, fuck art pare.

pare di art yang sinasabi mo. pare may art din sa trabaho natin. low o high brow man yung joke mo pare matutuyuan ka ng dugo bago mo mapatawa si aling nena dyan sa may tindahan.

pare...

pare, minsan sinubukan kong magsulat ng joke pare ang hirap! mangiyak-ngiyak ako sa kakaisip ng joke...

which is ironic...

which is why i specifically used the word "nakakaiyak"

to make your point more poignant

exactly

na what is missing sa ginagawa natin eh yung paggamit ng kukote

hindi!

ha?

di mo ba ko na-gets pre. inaasar lang kita. kahit bobo ang show ginagamitan pa rin yan ng art. nang konting isip.

labo pare.

pare point ko lang ayaw ng mga taong mag-isip. gusto lang nila magbate. pero yun ang challenge dun eh. pano natin patitigasin ang mga etits nila. challenging ang gumawa ng isang bagay na hindi ikaka-challenge ng mga nanonood. parang sex lang yan. puta ka. nagpapasarap. nagpaparaos. nasasayo yan kung pano mo sila pababalik-balikin.

pre inihahalintulad mo ba ang trabaho natin sa pagpuputa?

pre, puta tayong lahat!

pre inihahalintulad mo ba ang programa ninyo sa alibangbang.

grade 6 ka pa lang...

nandun na yun...

lahat ng tao, isa lang ang hinahanap...

kepyas!


TUMUGTOG ANG MUSIKA. LUMABAS ANG ISANG BABAE. GUMILING-GILING SA ENTABLADO.

Comments

Gibo said…
ang galing. i can imagine this being a short play. well done!
bwisit diaries said…
uy, thank you thank you! hay, wish ko lang talaga ate vicky! sana... sana... talaga!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA