dreaming in fuschia

nasa ospital ang isang mag-anak. kakamatay lang nung tatay pero dahil sa tagal na nilang nasa ospital wa react ang pamilya nang i-announce na dedbol na ang papa.

walk walk home ang anak nilang binata sa mall. tuwing napapadaan siya sa mga boutiques (mga karimadon, mga ganung level) bigla na lang siyang nagi-imagine ng mga production numbers suot-suot ang mga cheapipay pero girl na girl na damit. tulad nang sumasayaw sa kahabaan ng mall sa tugtog na disco, mga ganung chenes. napapatitig na lang ang mga serbidora sa kanya. "ano po yun, sir?"

sa ending, suot suot na niya ang isang red cocktail dress habang kasama ang iba pang mga bading sa labas ng isang hotel. nakatingala sila, iniistima ang tirik ng stairs sa magarbong stage. parang yung makati ave. side ng peninsula. mga ganung level.

"hindi ko kaya!" sabi nung baklang naka-red.

"kaya mo yan," sabi ng kaibigan niya. "sabihin mo lang... Universe!"

at biglang nagtilian ang mga bakla at nagsasayaw.

"Ooooh Mabuhay! God bless you Mabuhay! Mabuhay, you're singin' Mabuhay, we're swingin' May you have a wonderful day!"

kalowka noh! bakit kaya ako nananaginip ng mga ganito. bakla siguro ako. bwahahahaha!

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA