spot the cutie

Tic-tic-tic-tic-tic-tic… time goes by so slowly…

Mariana is bored. So bored he is eating his cuticles and thinking of playing his favorite game whenever he is bored. In fact, he is already playing it now. He has created an imaginary line from where he is sitting. His task is to count every cute boy / man who will pass through this imaginary line. So far, he hasn’t spotted anyone whom he would like to sleep with.

Sikyu… Sikyu… manager… high school… high school… jologs!

Pootah! Sa anong mall ba ako napadpad bakit ang papanget ang mga utaw ditoh!

Yuppy… Yuppy… Karpentero… bakla… bakla… BAKLA! Bakit ang daming bakla? Nakakalokah! Bakla anywhere and everywhere! Pride March ba ngayon, mga sis? Ang layo ninyo sa Malate huh?

Kinder… Father… Kuya… Teka, parang pwede si Kuya… Makilatis nga… Pwede… Hmmm… ilang taon na kaya ito? 16? 17? Direk ____ ikaw bayan? Ano ba Mariana, baka ma-bantay bata ka sige?

Ay eto, parang keri ang paparating… Mukhang matangkad. Matangkad nga! Gym fit, why not? At kalbo pa… Hmmm… commown, tumingin ka na dito para mahusgahan… tingin na… tingin na… commown baby, one glimpse lang… ayan na!

NYAK!

‘Neng, kung magpapaka-straight acting ka, lubus-lubusin mo na. Bawas-bawasan mo naman ang foonda ateng. Sobrang giveaway naman…. Che!

Hay, boring. Boring… Hmmm… eto, techie-techie ang dating. Naka-salamin. May laptop. Serious ang fez. Parang malansa. Ay, go na ako ditto. Pwede na ‘to. Call me okay. Huy, call me sometime naman okey. Huy, kinakausap kita dyan… Ay che! Di man lang lumingon. Maging virgin ka sana habambuhay. Stay in da paking closet okay! Leche!

Anova? Anova? Bakit wala ka pa? Nasan ka na kuya?

Wait a minute… wait a minute… eto go na go ako dito. Magpapauring ako dito at gay sha. Gay na gay sha as in Raymund Gutierrez, Paolo Ballestero, Victor Basa gay. Ang linis ng hombre. Busog ka dito, bakla. Ang puti. Parang ang bango bango. Ganda ng smile. Leche, ito na yata siya. “Hellow Soldier… Natatandaan mo pa ba ako?” Mala-John Lloyd ang byuti. Pinagpipistahan siguro ito sa Government…

At teka, teka, teka, may humahabol sa kanya… Shet na malagkit, may bf ang pootah! Cute rin siya ha. In fairness, type ko silang dalawa. Ang perfect naman. How sweet? Nagpapaka-straight pero shet damang dama ko hanggang dito ang sexual tension! At ang mga titig, aminin. Sing-lagkit ng natuyong Choco Sundae.

Hmmm… ikaw bf ha, sumisilyap silyap ka dito. Hmmm… hindi faithful. Tara, threesome tayo. Game ako. Ano? Tayong dalawa lang? Hindi niya malalaman, why not?

Oops, nakita ako nung isa. Type niya rin ako? Hmmm… Aba, leche, bakla, wala akong gusto sa boyfriend mo ha! Yuk, hindi ako mahilig sa mapuputi noh at tsaka parang bobo yang boyfriend mo. At mas lalong hindi kita type dahil ang langsa-langsa mo pweh! Iirap-irapan mo pa ako ha. Buwiseeet!

Kala ninyo kalo lang ang may boyfriend. Bakit, ako rin may boyfriend huh. At mas hot kami kesa sa inyo. Leche! Stress! Hindi kita kailangan. Stress, go away, come again another day, okay. Hindi ako prepared. Go!

Hay, bakla… bakla… bakla… Bakla! Anova, may grand EB ba ditto ang mga taga-G4M?

Teka, parang cute itong paparating. Lapit pa. Lapit pa… shet, kailangan ko na yata nang salamin… lapit pa… lapit pa… hello, you look familiar. Ano? Ako rin I look familiar? Oo. Talaga? Hmmm… familiar ka nga? Teka, ikaw ba yung ka-seatmate ko yung college? Syet! Siya nga. Tingin sa iba… tingin sa iba… sana hindi ako nakita… Ay si Jollibee!

Crew… Crew… Crew… Manager… Crew… Hmmm… May I take your order sir? Sure, one jolly hotdog please. Make it a jumbo okay? Cumming right up sir. Enjoy your meal…. Ow I surely will. I surely will. Ang cute naman ng busboy na to. Dyan nga maka, um, kain mamaya. I’m sure hinahada yan ng baklang manager. I’m siiiiiiiyur!

Time goes by so slowly… I don’t know what to do...

“Every little thing that you say or do… I’m hung up… I’m hanging up on you…” Leche ha, ihahang-up ko na talaga ang relasyong ito pag hindi ka pa dumating in…. FIVE Minutes!

Four minutes!

Three minutes!

Teka, parang kilala ko itong paparating. Naka-sex ko na ito eh. Ito yung taga-bangko na nakatira dyan sa Caloocan… Oo, siya nga… Sige na, tumingin ka na dito. Tingin na. Kakausapin kita pag tumingin ka dito, pramis. Sasama ako sayo dali! Sige, mage-enjoy tayo. Pramis. Tingin na.

E di wag! Nakalimutan na rin kita eh kung alam mo lang. Hindi na nga kita ma-remember kasi forgettable naman ang fez mo bwisit.

Bakit ang papanget ng mga boys dito? Ang layo naman nito sa Quiapo.

Kaya ikaw, lalaki ka, ikaw na naka-upo sa dulo ng upuang ito, lisanin mo na ako okay. Wag ka na magpa-cute dyan dahil hindi kita pipickapin okay. Wala akong pera. Tsupi! Tsupi! Maghanap ka nang baklang magpapaaral sayo dahil walang ako pera. Itong pa-pickup na ito, hindi naman kagandahan nagpupumilit magpaka-call boy. Hoy, magtrabaho ka na lang at wala kang future sa customer service owkay!

Fly na dali! Fly! Fly! Like a fruit fly! Hay, salamat!

Estudyante… estudyante… rakista… rakista… hiphop… hiphop… ano to? Pop? Eto mga taga-Ateneo… ay, parang taga-PSBA lang. Ano ba ang mga fasyon istaytments ngayon? Abner Mercado ikaw bay an, bakit naka-sahal ka? Abu Sayyaf ka noh? Isa ka sa mga nag-kidnap kay Tita Ces ano? Huuus… umamin ka na? Sige na?

Ay eto, this is it! This is my type of guy. Matangkad. Moreno. Lean. Maamo yung mukha. Yung tipong maiiyak na lang bigla kapag nasinghalan mo. Yung tipong mamasahiin ka bago matulog. Tapos paggising mo, sisindihan yung sigarilyo at paghahandaan ka ng brewed coffee. Oh yes. Then papaliguan ka. Bibihisan. Pupulbusan… teka, ano nga ba yung hinahanap ko? Jowa o caregiver?

Uy, lumalapit siya. Palapit nang palapit. Parang susuklian ang mga nagnanasa kong mga tingin. Siyet! Titingin nga! Dali! Dali! Tingin sa kisame. Siyet, nasa mall pala ako. Ang taas ng kisame. Nakakalula. Nakakahilo!

Siyet, nahiya ako. Nakakadyahe naman, tiningnan niya rin ako. Hina mo talaga, Mariana. Ayan na, natsope ka pa. Shet, ano kaya kung nagkatinginan nga kami? Will time suddenly stop? Will he come over and say the walang kamatayang line na: Do I know you? At sasabihin kong, No, but now you do. Sabay kakanta si Pocahontas ng “You think you can own whatever land you hand on…”

Bakit si Pocahontas? Ewan ko, basta. Shet, ang init ng tenga ko. Super, mega blush ako huh. Magkikita rin tayo. Mark my words. Magkikita rin tayo. Kung hindi sa Guys4men, sa Downelink. O kung hindi sa Downelink, sa Multiply. O kung ayaw mo rin, e di sa Friendster. O kung wala kang Friendster, edi sa YM. O kung wala kang YM, o di sige na nga. Sa Starbucks. Dyan sa Cubao. Bukas. Ok? Free ka? Mga 4pm. Go, then dinner tayo tapos nuod ng sine sa Gateway. Shet, it’s a date.

Shet lola, naghahallucinate ka na naman. Di mo na naman nainom gamot mo. Yan tuloy…

Estudyante… Estudyante… Propesora… Nurse… Nurse… Doctor… Doctor to, pramis… janitor… Estudyante… estudyante…

Tic-tic-tic-tic-tic… time goes by so slowly…

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA