nang dahil sa shampoo, a true story (pramis)

Ilang taon nang mag-jowa sina Ron at Wendy (hindi nila tunay na pangalan, of course). Mula kolehiyo hanggang magkatrabaho, magkasama pa rin silang dalawa. Ilang anniversaries na rin ang kanilang sinelebrayt at ilang beses na rin silang nag-break up. Pero matatag pa rin ang kanilang samahan, or so they thought.

Isang araw, habang naghahandang maligo si Wendy, nakita niya sa kanilang banyo ang isang bote ng Clear. Oo, Clear, yung bagong anti-dandruff shampoo na O.A. sa publicity na parang binili na ang ABS at GMA sa dami at dalas ng kanilang advertisements. Nagulat siya at dali-daling dinukot ang bote ang pinuntahan ang boyfriend.

“Ano to?”

“Shampoo, obvious ba?

“E anong nakalagay dito?”

“Clear, yung bagong anti-dandruff shampoo na O.A. sa publicity na parang binili na ang ABS at GMA. Bakit?”

“Oo, alam kong Clear ito. Fan ako ni John Llyod at every time kong nakikita yung commercial na yun kinikilig ako kaya alam kong Clear ito pero ano to?”

“Ang ano?”

“Basahin mo nga ito…”

“Clear… for Men. O anong masama dun. Men. Lalaki ako e di siempre yung panglalaki yung bibilhin ko. Di ba dapat mas magalit ka kung for women yan kasi malay ko baka maisip mo na kahit nagse-sex tayo for the last several months may hinala ka palang bakla ako o kaya baka isipin mo may tinatago akong kabit dyan sa may kwarto sa baba at Clear ang kanyang shampoo.”

“You are not getting my point. May point is: yung shampoo na binibili naman parati natin eh yung para sa ating dalawa dahil alam mo namang hindi ako gumagamit ng for men dahil if you haven’t noticed babae po ako. Girlalu po ako.”

“E di sige, ibibili kita ng shampoo ngayon din. Anong gusto mo: Palmolive? Pantene? Gee Your Hair Smells Terrific? Pambabae yun.”

“Ayoko ng Palmolive, ayoko ng Pantene at lalong lalo nang ayoko ng Gee Your Hair Smells Terrific dahil wala namang shampoo na ganun. Wag. Mo. Akong. Lokohin!

“teka teka sinong may sabing niloloko kita? Unang una, may shampoo po na Gee Your Hair Smells Terrific. Yun po ang shampoo naming nuong bata pa po ako. Pangalawa. Kung ayaw ninyo po ng Palmolive Pantene o Gee Your Hair Smells Terrific e di mag-gugo ka!”

“Walang hiya ka, talagang binabastos mo ako! Kung gusto mong mag-hiwalay na tayo eh di mag-hiwalay na lang tayo!”

“Putang ina Wendy, I don’t get you! Nang dahil sa Clear maghihiwalay tayo?”

“Ron, hindi mo ako mag-gets eh. Clear ba sayo kung bakit ako nagagalit? Nakain na ba ng dandruff ang kukote mo kung bakit hindi clear sayo ang mga pinagsasabi ko?”

“Hindi kita ma-gets kasi you are not making it Clear! Dahil Clearly isa na naman ito sa mga bouts of insanity mo!”

“Let me put it more clearly para mas maintindihan mo kung bakit ako naggagalaiti. Bakit ka bumili ng FOR MEN when it is obvious na we are both sharing the same shampoo. Kasi kung gusto mo ako patalsikin sa bahay mo, na nararamdaman ko every time napupunta ako ditto eh sabihin mo sa akin ng harap harapan. Hindi ganito. Hindi sa pamamagitan ng shampoo!

“Hindi mo ba naisip na baka lang, baka lang ha, na nadamput ko ang bote na yan dahil magkakapareho sila ng packaging?”

“That’s bullshit. We both know na O.C. tayo sa ganyang mga bagay dahil pati calories sa ating mga hair care products binabasa pa natin! You know it and I know it kaya wag ka nang magsinungaling!”

“That’s a load of crap! Walang calories ang mga haircare products kasi hindi sila ini-ingest!”

“Ha. Ha. Ha. Ang galing mong magpatawa. That was just an example ok. Di porket professor ka at TV writer lang ako eh mas magaling ka na!”

“Oo! Talagang mas magaling ako dahil hindi tulad ninyo marunong akong rumespeto sa oras ng iba. Pag sinabi kong ganitong oras magsisimula ang klase ganitong oras magsisimula ang klase. At pag sinabing ganito ang call time, ito ang call time at walang excuses kahit senior writer ka pa!”

“Ah, so, that’s it. Lumabas din ang totoo. Binili mo ba ang Clear Shampoo for Men dahil na-late ako sa appointment natin? Ha, Ron? Kaya mo ba binili ang Clear Shampoo for Men dahil na-late ako sa appointment natin?”

Hindi sumasagot si Ron na mas lalong ikinagalit ni Wendy.

“Ron, sagutin mo ako! Kaya mo ba binili ang Clear Shampoo for Men dahil na-late ako sa appointment natin? Sagutin mo ako!”

Finally, sumagot na ang kanyang boyfriend.

“Hindi… dahil punyeta Wendy ibang appointment ang pinagsasabi mo! Hindi mo ba naaalala na dapat kahapon maggo-grocery tayo. Sabi mo four. Sige, inisip ko, himala, four libre ka na. pero kahit nagdadalawang isip ko nagpunta pa rin ako sa grocery. Pero Wendy, alas-siete na nang gabi ni anino ng buhok mo hindi ko nakita? Kinalimutan mo ako. At anong oras ka na umuwi. Alas-tres na, lasing ka pa!”

“Honey, sorry. Really really sorry. Nagkaroon ng emergency meeting sa office, natatalo na kami sa ratings. Nagpapanic na ang mga lolah… Sorry talaga… sana tinext mo man lang ako.”

“Honey, are we living in completely different dimensions? Nasa Pluto ka ba kung bakit hindi mo na alam? Nakalimutan mo na ba? Isang akong Ludditte. Alam mo ba ang ibig sabihin ng luddite? Ibig sabihin wala akong cellphone. Ni landline ko nga hindi touchtone, analog dialing pa rin. I don’t use a computer. I use a typewriter.”

“Honey, please understand me. I’m doing several things at the same time. Nagsusulat ako nang script habang nakaharap ako sa monitor nage-edit habang tinetext ko yung mga TC para sa production number namin sa sabado habang kinakausap ko yung boss ko tungkol sa segment na ilo-launch sa lunes habang inaaliw ko yung baklang ka-officemate ko na handa nang magsuicide dahil hanggang ngayon virgin pa sya. Totoo yun, pramis.

“Wendy, nasan ako sa lahat na yan…”

“Honey, nasa puso ko… where you should be…”

“Chos, ang baduy mo.”

“Can’t you see I’m trying my best to be the best girlfriend I could be para sayo…”

“Well, you can try some more.”

Sabay walk-out ng hombre. Naiwan si Wendy magisa sa kwarto, wala pang ligo at late na late na sa show niya. Wala siyang nagawa kung hindi pulutin ang bote ng Clear at maligo na lang sa banyo. Pero dahil positive ang lola, eto na lang ang kanyang nachika:

“In fairness tita, kahit nagkakalabuan kami ng boyfriend ko, Clearly, nawala ang dandruff ko!”

Comments

Ate Sienna said…
powtah! tawang-tawa ako ditech. at true story talaga ito??? kakaloka ang dialogue.

bakit nga ba ang galing-galing mong tumahi ng dialogues? super talentado ka talaga, lola... love it!!!!!
bwisit diaries said…
hahaha tenk you tenk you ate sienna. ay true story siya. pero sorta okay na sila ngayon. ibang problema naman ang pino-problema nila hahahaha
Mikkoi said…
naloka ako dito! hahahaha!

nice blog by the way.
bwisit diaries said…
nakakalokah talaga ang relationship ng friend kong ito. pero in fairness, going strong pa rin sila hahaha!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA