Durhnaaa!

Internet shop:

Nagpatugtog yung shop attendant na girl. Una, yung walang kamatayang version ng "I'll Always Be My Baby" ng nakakalibog na si David Cook. Ayaw niya. Nilipat. Naging kanta ni Rhianna, "Umbrella." Ayaw pa rin niya. Lipat pa rin. Naging kanta ni Chris Brown. Cute siya. Si Chris Brown, I mean. Kamukha niya yung dating P.A. na pinagnasaan ni MJ.

"With you, with you, with you, with you, with youuuuuuuuu...!" kanta ni papa Chris. In fairness, nakakaindak siya. Made me wish I was going somewhere to get drunk (but i've got nowhere to go cuz I'm broke shit - chorus ng left brain ko). Kaso nang muling nag-refrain, "with" na lang yung narinig ko. Tsuk! Tsugi si Chris Brown dahil lipat pa rin ng track si shop attendant na ghel.

Ang bagsak. "Kung Malaya Lang Akooooooo!" Sino ba yung kumanta nito? Alam ko jowaers siya ng isang dancer sa isang noontime show. Sila pa rin kaya? Putris, napapaindak na sana eh. Come to think of it, parating nagma-Maalaala Mo Kaya mode ang lecheng gelay na to. Baka nabulungan at nabola ng isang gamer. Owel.

Siguro kailangan niyang magbasa ng mga script ni Frank Rivera. Nakakatuwa kasi pala itong si Mareng Frank. Panalo. Eto ang sample ng kanyang Darna. Yung kay Nannette Medved, ang tanging Darna na Inglesera. Ay mali, mas masahol pala ang tagalog ni Anjanette "Is she still in Guam" Agbayari.

Sa pelikula, isang reporter si Narda. Fasyon mogul naman si Valentina. At nang nagkita sila sa office ng peryodiko, binati kaagad ni Ms. V si Super D.

"Me? Are you talking to me?" say ni Narda.

"Heard that line before," hirit ni Valentina. "From a crazy New Yorker — a taxi driver. But yes, I'm talking to you, missy."

"The name is Narda," reply evar ni bida. "Do you want me to spell it out to you?"

Say. Palaban ang pootah.

Comments

Ate Sienna said…
lola, truelash yang dialogue na yan? winner ah!! kase hindi ko napanood ang dhurnuh ni nanette medved. Si nanette na nakita ko sa loob ng isang kotseng naka-park sa harap ng isang diner-diner-an sa Quezon Ave na ang mga serbidora eh naka-roller skates at ang nasa driver's seat ng kotse eh si ceasar montano ng madaling araw (binata pa si montano nun). kaya sabi ng kaibigan ko, "mukhang bagong hugot".

ang bastos... ng kaibigan ko. hehehehe
bwisit diaries said…
ay trulili lolah, as in, nabasa ko pa sa screenplay mismo. hilarious, pramis. buy a copy!!! hahaha

matulis talaga si flying buboy huh, hahahaha! actually di ko gets ang byuti ni cesar. bakit kaya nagetlak niya sina nanette medved, sunshine cruz at yung loyzada girl? hmmm anong meron sa kanya????

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa <em>(or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)</em>

FEAR AND LOATHING IN SAGADA