There's a thin line between being a writer and a waiter

Nuong isang araw may nag-suggest na kaibigan ko na mag-call center na lang ako. Nasa gitna ako nun ng pagsusulat, wala pang tulog at medyo bagot sa buhay. Call center. Wow, di siguro ako magsu-survive duon ng isang linggo. Bulol ako. Pero ang higit na masalimuot duon, di na ako sanay sa loob ng opisina. Mamamatay ako.

In my entire career as a writer, I've handled various writing assignments, from making ad copy to writing reviews and profiles to even writing press releases (which I loathe). I am quite proud that even though I am in mainstream TV, I am able to be creative and have utilized my, ehem, talents. Believe it or not, whether I am covering a fashion show or a book launching I am always in my take-me-seriously-I'm-a-serious-writer-filmmaker mode. That's why I am inside the editing bay every night because I want to make sure whatever comes out of it has, in some way, been thought through. I think if I work in a call center right now that would be the end of me.

Pero para bang nanunukso ang tadhana. Kanina kanina lang merong tumawag sa akin. Job interview. Research writer sa isang IT company. Are you available for an interview next week? Tamang tama, free na free. Tinanong niya ako, full time position ba daw o part time ang gusto ko. Sabi ko, part time lang kasi, nagpaka-coy ako, I'm doing other things. Ano ba daw ang presyo ko. mababa lang ang binigay ko. Ewan ko, hindi lang talaga ako mukhang pera. Pwera lang pag-gipit na. Kung P25,000 daw, magfu-full time ba daw ako. Nagisip ko. Pero mabilis lang kasi naka-cellphone kami.

At bigla kong naiisip kung ano ano yung mga mabibili ko sa P25000. Hindi na ako magkaka-problema sa renta. Hindi na ako mapapamura tuwing kinsenas (mapapamura pa ako sa tuwa!). mabibili ko na yung mga libro sa Powerbooks. Mare-regaluhan ko na si boyfriend ng magandang kwaderno. May pang-malate na ako. Baka maging masaya na ako. Forever and ever, amen.

Pero sa kapalit ng ano? Opisinang parang hawla? Trabahong walang saysay? Bbakit may saysay ba ang trabaho ko ngayon? Ewan, malay.

Comments

ryan said…
Surprisingly enough, not all call centers have that "office" feeling. Like mine, for example. Everyday I come to work, it's just like meeting the gang for another bout of rollicking fun. But then, I'm on the email team. We don't take calls. I guess that might be the difference, ahehehe.
southdude said…
just got out from an office environment. its not a call center. i dont wanna work in one. true, creative juices run dry if youre in an office....

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA