boylet

SETTING: ISANG CAFÉ
TAUHAN: ISANG BADING AT ISANG BABAENG BAKLA


Uy, wag kang lilingon, yung guy dun sa tabi, tingin nang tingin sa atin.

Cute?

Cute!

(Lilingon)

Punyeta, sinabi nang wag lilingon eh.

Eh anong gagawin ko? Sinabi mo cute eh di siempre lilingon ako!

Sana mas naging discreet ka naman!

Hoy, kung yung ex ko nga pinilit akong maging discreet eh hindi nagwagi ikaw pa kaya?

Kaw bakla, puma-punch line ka na naman.

Eh anong gusto mong gawin ko, tanawin siya sa pamamagitan ng pwet ko?

Bwahaha (mock laughter). Magsama kayo ng pwet mo. Ang baho nyo!

(Makes face)

So what do you think?

Cute siya

Cute siya noh?

In fairness.

In Fairview.

Dennis Trillo ang byuti.

Type mo siya? Type ko siya.

Like ko. Love ko!

Parang naggi-gym.

May hubog ang katawan.

Cute rin yung siko niya at nakikita ko malaki ang kanyang nota.

Echos! My X-ray vision ka.

XXX vision.

Bakla nagi-imagine ka na naman!

Plus I think gay sha.

Hay naku, eto na naman tayo. Lahat naman bakla sayo.

Helow di noh.

Pati stepfather mo tingin mo bakla eh.

E totoo naman noh. Lahat ng friends niya lalake.

E kasi nga boy sha, mhen. You know lalake yung type babae.

May lalake bang kung makatabi sa kaibigan parang maglalampungan? I don’t think so. Anyway, let’s point out the obvious, pink ang t-shirt nya.

Sino yung stepfather mo?

Gagah, si cutie.

Hala, lahat na lang ba na nakasuot ng pink bakla na? Yun utol ko may mga pink t-shirts noh?

Bakit, hindi ba siya bakla?

Sapokin kaya kita dyan.

Bakit masama maging bakla?

Masama ang mapaghinala.

Pagna-prove kong bakla ang utol mo wag kang iiyak iyak sa kin ha,

Ipapabugbog kita sa tito ko.

Subukan mo lang.

Besides nakikita mo yung design sa T-shit niya.

O?

Anime. Pang-lalaki. Di elaborate. Very minimal. Kaya straight siya.

Masyado ka naman, porket ba anime di na bakla. Ako rin naman mahilig sa anime.

Ano? Sailormoon?

Mojako.

That’s my point! Ang mga bakla mahihilig lang sa mga cute characters. Yung graphic design sa T-shirt niya di cute, astig. Cool.

Yeh mhen. Astig pare. Cool. Repapips!

Bakla wag, nakaka-asiwa.

Pero look at the hair. If that’s not gay then I don’t know what is.

Bakit, what about his hair?

Mukhang pinagukulan ng oras. Naka-style. Mukhang isang garapon ng Bench Fix gel ang inilustay. Very… flamboyant.

Yah, mukhang ngang kahit signal number 3 ang dumaan di magugulo ang hairdo niya.

See?

But that’s punk. Don’t you know punk? Sid Vicious. Johnny Rotten.

Try Blonde.

But that’s not punk. That’s pop lolah.

Armida Siguion Reyna?

At bakit naman nasama ang nanay ni Carlitos sa usapan?

Sabi mo Pop Lola eh.

“Aawitan kita…”

“Bring it down!”

Che!

My point is walang baklang punk. Ergo bakla siya. Besides, naka-funda siya.

Ay, dyan ka nagkakamali. Siguro nasanay ka lang sa fez mong kasing panget ng North Expressway dahil di mo ba nakikita flawless ang lolo mo.

E bakit siya naggo-glow in the dark aber?

Moisturizer ateng, don’t you use one? Akala ko pa naman bakla ka. Oh I forgot wala ka palang pang-bili!

Nagsalita ang may kutis na mukhang pinaglihi sa Indonesia sa dami ng mga volcanic craters.

Inggit ka lang kasi mas gwapo siya sayo. No, let me rephrase that dahil gwapo siya period. At ikaw hindi!

Ang sabihin mo vain si cutie at ang pagiging vain equals kabadingan!

Vain lang siya dahil alam niyang gwapo siya. Ang tawag sa kanya metrosexual.

Try homosexual. Tingnan mo yung pantalon niya. Sa sobrang hapit halos lumusot na ang itlog niya sa kanyang bulsa!

Ay, mababaog siya niyan. Sayang ang genes.

F & H. designed by Ivan Aseron. Bakla!

Bakit lahat ba ng bumibili sa Folded and Hung bakla? Jowa ko dun bumibili ng pants no?

Magduda ka na.

There’s no reason to. Lalaking lalaki siya. That’s already proven!

Ano ka ba? Sa sobrang daming baklang bumibili sa Folded and Hung pati attendants nila nagging bakla na!

Ay oo nga. At cute sila ha.

Wiz ko type.

Oo nga pala, pang-Penshoppe ka lang.

Bakla siya dahil naka-Folded and Hung pants siya. Period. Case closed. Tapos na ang walang kwentang teleserye na ito. Ilipat mo na sa Marimar!

Uso lang ang skinny jeans. Nakikiuso siya.

Tingnan mo ang kanyang shoes, pointed. At may color.

That’s the newest style ng Addidas. Di mo knows yun noh?

How about yung kape niya. Kung ano anong flavor masyado pa-cute.

Bata siya. Gusto niya ng sweets. Palibhasa’y matanda ka na kaya hanggang brewed coffee ka lang.

Look at his mannerisms, mukhang effem.

Refined siya kasi di siya lumaki sa Sampaloc tulad mo helow!

And look at his watch, it’s big, it’s chunky, it’s…

Fashionable… fasyon siya…

At tsaka bakit ditto siya nagkakape, eh tambayan ito ng mga bakla. I’m syur may G4M yan!

That’s shallow. Di lahat ng nagkakape ditto bakla…

Ang sabihin mo, nagpapa-pick up siya.

He’s just waiting for his date.

At teka, bakit mega defend ka e ikaw ba ang ka-date niya?

At bakit ka mega-okray? Ex ka ba niya?

Ah basta ako type ko siya at may possibility na maging kaming dalawa dahil bakla siya. Bakla! Bakla! Bakla!

Binabangungot ka lang dahil straight siya! Straight! Straight! Straight!

Bakla!

Straight!

Bakla!

Straight!

(Biglang may nagriring na phone)

Sabay: Ang boyfriend ko!

(Pipickupin ni cutie ang phone niya. Sa kanya yung phone call.)

Ay, baka ka-date na niya.

May boyfriend na siya.

Ang swerte naman ng girlfriend niya.

O my god he’s smiling!

Sabay: Ang cuuuuuuuuute!

“Tapos na ko!”

“Eto bakit hindi pa…”

“Paghindi napo-protektahan nagkakaroon ng cavities…”

“Yan din ang sabi ni Tito about my teeth!”

“Colgate!”

Ang ganda ng ngipin niya noh.

And he seems sweet.

Kung yan ba ang mukhang gigising sayo tuwing umaga eh di wala nang krimen sa mundo.

Magpapaka-virgin ako para sa kanya.

Ide-delete ko ang Guys4Men, Downelink, Dudesnude, myspace, friendster, and multiply ko para sa kanya!

Magpapakasal ako sa kanya.

Ako magpapa-bottom.

Gagah! Bottom ka naman talaga…

Shhhh… wag ka maingay di nila alam yun.

Pagsisilbihan ko siya.

Aalagaan ko siya.

Mamahalin ko siya.

Ibabahay ko siya!

Ay taray, sayo na siya.

(Biglang tatayo ang boylet at lalapit sa isang pumaradang kotse.)

Sabay: Oh my god!

Si…

Si…

Si…

Si…

Ay naku, tama ka, bakla siya.

I don’t think so… straight siya ineng…

Bakla with a capital B and with an exclamation point at the end.

Straight siya. Believe me.

Wala na yatang matitinong lalaki ngayon…

These days you just never know….

Tara na lolah.

Teka, wait a minute look who’s watching us.

John Travolta?

No, Kristy Alley.

Lesbiana?

Magikero numero uno!

Type ka nya.

No, hindi type ka niya…

She’s not a lesbian…

No, she is…

She’s not! Look!

She’s…

She’s…

She’s…

Sabay: Transgendered!

Itiklop na ang trapal at pauwiin na ang mga manonood. Tapos na ang sirkus na ito.

San ka?

Edsa. Kaw?

MRT…

Leche walang kwenta gumastos lang ako ng kape…

Sayang ang oras…

Wala ka talagang kwentang kasama. Magpakamatay ka na.

Ba’t di ikaw, ikaw nakaisip eh.

Ewan ko sayo bakla…

Lesbian…

Bakla…

Lesbian….

Bakla….


LIGHTS OUT

END

Comments

plaetzschen said…
ahaha! what can i say mario? ahaha!
southdude said…
hahaha i love it! :-) Have A Great 2000 and 8!
dyosa said…
lurv it!

happy new year.
bwisit diaries said…
thank you thank you mga lola at lolo! have a nice 2008! pramis!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA