Fish tayo, a love story


"Uy," sabi ko sa sarili ko habang nagsu-surf ako sa internet. "May crush sa 'yo yung katabi mo." Oo nga, reply ko, kanina ko pa napapansin, yung fish dun sa aquarium sa may tabi ko panay dungaw sa akin. Parang nagpapa-cute.

"In fairness, pati isda nagkaka-crush sa yo hahaha," sabi ng sarili ko sa akin.

Siempre, smile to the max ako. Siguro kasi fresh na fresh ako ngayon, bagong ligo at feeling ko yummilicious ang katawan dahil na achieve ko na yung ideal weight ko. Pero teka, di kaya amoy isda lang ako? O well, mejo crush ko rin siya kasi nagugutom na ako at kamukha niya yung type kong isda, yung tilapia. Hmmm... sarap siguro niya with mayo. The only problem is, nagdi-diet ako.

Pano yan fish, maglo-log out na ako? Ay, mukhang malungkot siya. Ayaw niyang saluhin ang mga gutom kong tingin. O siya, sige na, thanks ha, for keeping me company. Nabubuwang na yata ako dahil for no apparent reason sobrang depressed ako. Basta ha, fish tayo?

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA