eraptions on our minds


Kanina nag-text sa akin ang kaibigan ko. Punyeta daw, nagbigay ng pardon si GMA. Punyeta talaga. Ilang taon lang pala ang kailangan para kalimutan na minsan isang
goon ang nag-rape sa atin. Para na ngang refrain sa isang pop song ang edsa, paulit-ulit na lang at wala naman talagang pakahuhulugan. Sabi ko na lang sa kaibigan ko, nagsimula akong magbasa ng headline nuong naging "independent" ako at nagsimulang magbayad ng renta, tubig at kuryente. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa pagnanasang mabasa ko rin sa headline na yes mayaman na ang mga pilipino at yes lahat tayo kumakain ng sapat, tatlong beses sa isang araw. pero siempre, habang lagatak ang pawis ko sa puwitan ng jeep, ang tanging nababasa ko ay ang putang-inang Abalos na yan, si GMA, at kanina si Erap na malayang malaya na. Sa ganitong oras ako nanggagalaiti. Gusto sabihin sa kanila kung gaano kinasusuklaman ng mga Pilipino ang Pilipinas ngayon.

Alam ba nila na tulad ng maraming Pilipino gumigising ako ng maaga para makipagsisikan sa bus. At dahil sa dami ng pasahero pinagsisiksikan ng mga bus drivers ang halos isang daang tao sa isang maliit na sasakyan. Sa sobrang sikip nga minsan, nag-dial ng mag-isa ang cellphone ko sa aking bulsa at nagsimulang tawagan lahat ng nasa directory ko. Pag-upo ko, ayun, ang daming nagtatanong kung bakit ako tumawag eh alam ko naman daw na nagkikipagsisikan rin sila para pumasok. Sa dami ng ka-lechehang dinadaanan ko sa umaga, siguro kung 100 percent na mabango at malinis ako bago lumabas ng bahay, pagdating ko sa opisina 25 percent na lang. Siempre ayaw yun ng sikyu dun sa building namin dahil para sa kanya ang pwede lang pumasok sa building ay yung mababango at naka-kurbata. Leche kasing sikyu yun, dalawang buwan na akong nagtatrabaho sa lugar na yun hanggang ngayon hinihingan pa rin niya ako ng ID tuwing pumapasok ako. Minsan nga, pinatulan ko. Nagtanong siya: Anong gagawin ninyo sa loob? Uminit ang ulo ko. Sabi ko, I've been working on the 11th floor for the last two months. And if you must know I work for ACPI, a non-profit non-government organization formed by various animation companies in the Philippines. Impressive sana yun kaso bulol ako kaya hindi niya ako naintindihan. Sabi ko na lang, raket lang 'to tol, hayaan mo next month wala na ako dito. Sobrang picky nga itong si sikyu at pati isang TV icon (na kakilala ng boss ko) hindi niya pinapasok. Theater actor kasi siya. Malas lang niya na isang malaking philistine si sikyu kaya never-heard ang kanyang name.

Hay naku, sa hirap ng buhay ngayon iniisip ko mag-call center na lang kaya ako. Kalimutan na ang mga prinsipyo at mga pangarap sa buhay. Aanhin mo nga naman ang isang istorya o pelikula kung wala ka namang pambili ng Jollibee. Nagpaka-gaga na nga ako ng dalawang taon tapos back to zero na naman ako. Siguro kung call center baby na ako, hindi ko na rin po-problemahin si Gloria, Erap at kung sino man ang susunod sa kanilang mangbubuwisit sa atin. At least po-problemahin ko na lang ang aking American accent at mga kabwisitan ng mga Amerikano. Who knows baka magmistulang character ako ng Hero. Naririto nga sa Pilipinas ang katawan ko pero ang aking utak at kaluluwa nasa America na, pinagsisilbihan ang mga punyetang Americano. O better yet, mag-abroad na lang kaya ako, sa America o kaya sa Canada? Kung minsan, naaawa ako sa mga nagnu-nurse. Para silang mga coco jam at rattan, ine-export by the dozen. Pero sinusunog man ang balat nila dito sa Pilipinas at least ang mga pangarap nila ay nasa Tate na, naghihintay kasama ng magandang buhay.

Comments

Anonymous said…
Di naman lahat ng taga call center ganun. I still read or watch the news and concerned pa rin ako. I felt betrayed by our President.
bwisit diaries said…
uy sorry. maling generalization hehehe... it's good when young people like you still read the news. at least kung kailangang mag-rally ulit may sasama pa hehehe... siguro kailangan ko na rin lawakan ang social circle ko kasi most of the young people I meet nowadays do not care about what is happening with our country... hay, gma betrayed us the moment she lied to us about her plans of running for president. When she announced her decision in baguio, I just told myself that the hobbit has finally succumbed to the lure of the evil ring hehehe...
southdude said…
Well isn't it a necessary evil?
Maligaya2006 said…
bwahahaha! anlupet mo mario iniwan mo si jed?! wow gusto ko rin ng mga perya!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA