sabado night


Kanina sobrang depressed ako. Hindi ko na uulitin yung mga litanya ko sa buhay (nakakarindi na kasi eh) pero hindi makakaila na apektado ako. Mag-isa lang ako sa bahay at naubusan pa ako ng load. Nagte-text si boyfriend pero hindi ako makapag-reply. Akala ko uuwi siya kaagad para i-console ako kahit na tinatarayan ko siya pero hindi pala. Siempre, nakadagdag pa yun sa mga litanya ko.

As I’ve said wala akong load at wala rin kaming internet kaya wala akong connection sa outside world. Ako lang at ang aking mga drama ang magkasama. Pinilit kong matulog pero tuwing pinipikit ko ang aking mata nakikita ko yung mga kinaba-bad trip ko. Binuksan ko yung TV pero habang nanonood ako gumagala ang isipan ko: Saan ako kukuha ng pera? Bakit wala pa si boyfriend? Kelan ba ako mare-resign and all that shit kaya minabuti kong patayin na lang ang telebisyon. After all, sayang rin naman yung kuryente, wala nga akong pambayad ng renta eh.

Incidentally, tuwing depressed ako, tumutugtog sa isipan ko yung U2. Naka-cue na yun, “Don’t Get Stuck In the Moment” yung track (dati si Michael Stipe at ang kanyang walang kamatayang “Everybody Hurts… Sometimes”). Nagpunta ako sa balconahe namin sa pag-iisip na mas dramatic duon. Umuulan nga naman at overlooking sa Tandang Sora yung view. Siempre pagdating ko sa balconahe, ilaw lang at kadiliman ang nakita ko. Nagsindi na lang ako ng sigarilyo at sinubukang mag-isip. Mantakin mo, sa dinami-dami ng aking problema (financial, emotional, existential) wala akong maisip. Nagsindi na lang ulit ako at bigla akong nakaramdam ng sakit ng tiyan.

Sa banyo tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ko, “Putah, depressed na nga ako, cute pa rin ako” (Haha!). Naalala ko tuloy yung isa kong dating kaopisina na nakasama ko sa hotel room nuong nag-out of town kami. Ang weird ng trip na yun. Ang layo kasi ng biyahe tapos ang dami pang preparation involved. In fairness, ang ginawa ko lang nun ay sumakay nang coaster at mag shoot ng kung ano anong kaartehan. Yung kasama ko yung mas madaming trabaho. Siguro dahil na rin sa stress kaya nung huling araw namin habang nag-iinuman biglang napa-iyak ang bata. Sinabihan ako ng bossing ko na sundan yung ka-opisina ko to check kung ok siya at nang pinuntahan ko siya sa kwarto umiiyak pa rin siya. Hindi kami gaanong close kaya hindi ko alam kung paano ko siya iko-console. Ang ending, nakinig na lang ako sa litanya niya. Pero eto yung punch line. Nagtaka kasi ako dahil habang umiiyak siya hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa salamin. Oo nga pala, sa isip isip ko, dahil siyang artista.

Nuong naalala ko siya, naalala ko rin yung huling beses akong umiyak. As in hagulgol. 2003 pa yata yun. Sa opisina ko dati yun sa port area nuong proofreader pa ako sa isang dyaryo. Parati kasi akong gino-good time ng mga bossing ko nun. Anti-social daw ako. Parating may earphones na nakasaksak sa tenga ko. Masyado daw akong pretentious. Feeling artist, etc. Minsan, isang hapon, pinagbintangan ako ng entertainment editor na nagnenok ng kanyang People Magazine. My god, sa isip isip ko, I don’t even read that crap. Kasagsagan kasi nun nuong pagkawala ng cellphone ng isang proofreader sa desk at tuwing tinatanong nila ako tungkol dun, nara-rattle ako. Tuloy mukha akong guilty. Akala ko ako lang yun may ganitong behavior pero nabasa ko pati si David Sedaris maypaka-ganito rin (Segue lang. sa dinami-dami ng aming similarities ni David, nagbalak akong puntahan siya sa kanyang book signing nuong nakaraang taon pero naisip ko para pake? Eh, I’m sure sa dinami-dami ng aming similarities hindi rin kami magkakaintindihan)

Anyway, where was I? Ayun, pinagbintangan ako at dahil sa sobrang stress na rin sa trabaho hindi ko napigilang lumuha. Kinuha ko kaagad yung bag ko na nabili ko sa National Museum at tumakbo papalabas. Ayoko kasing makita nila akong umiiyak. Duon sa may gilid ng DPWH humagulgol ako habang pumapara ng taxi. Feeling ako, ako si ate Shawie sa Madrasta (I was never your partner, I’m just your wife). Ang sarap nang feeling. Parang lahat ng sama ng loob na aking kinubli hanggang sa oras na yun (insecurity sa utol, leftover anxiety sa pagiging bakla, rejection, etc.) nailabas ko. Pagaan nang pagaan ang aking pakiramdam habang tulo ng tulo ang aking luha. At nang may taxi na huminto at nakasakay na ako, para ring gripong isinara ang aking mga mata. Tigil in an instant ang luha. Compose na compose na ako nang kinausap ko yung drayber: “Manong, sa Galleria ho.” Umikot ng umikot ako sa Galleria na parang may dala-dalang sampung tolenadang bato sa aking likod. Alam mo yung feeling na nabugbog ka na, na-knock out ka na, nandyan ka na sa sahig latang lata na sa pagod, sugat at suntok, tinadyakan ka pa at dinuraan ka pa sa mukha. Ganun yung feeling ko. Pero kahit anong page-emote ko, kahit anong internalization o pag-alala sa mga eksena sa "Anak" at sa "Milan" (Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako dahil mahal mo ako") ni isang patak ng luha wala nang lumabas.


caption: eksena sa Wings of Desire ni Wim Wenders.

Comments

Ate Sienna said…
kakaloka ang mood mo ngayon... minsan isip ko rin bakit nga ba yang mga artistang yan ang lalaki ng mga kinikita tapos ang mga tao behind the scenes, halos thank you na lang ang sweldo.

pero, lola, minsan dala din ng ulan ang mga moods natin. kasi naman, ulan na ng ulan dyan, nakakarindi na rin yun. parang gustong-gusto mo nang lumabas ang araw para maiba naman pero ayaw pa rin.

carry mo lang. matatapos din ang mga trials na yan. one of these, babalikan mo lang lahat ng memories na ito and mapapangiti ka na lang. kasi nalampasan mo silang lahat :)

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA