belyas ng bicol

Makinis ang babae. Di nga lang kagandahan. Mukhang cheap yung red bikini. Parang nabili lang sa Divisoria. Nagsimulang sumayaw ang babae. Pilit kong sinuri ang kanyang mga mata. Kung may kalungkutan man o pagkahiya. Siempre wala. Hindi ito pelikula. Walang Rody Lacap para mag-ilaw nang stage. Walang Titus Aldana para ayusin ang mga props at hindi si Rosanna Roces ang gumigiling. Isang katorse anyos na dalagita, mukhang high school lang. Malas niya. Wala siya sa isang pelikula, nasa totoong buhay siya. Huminto ang tutog. Nagsalang ang DJ ng isang Sinead O Connor na
kanta. Tumingin ako sa mga kasama ako. Si Cameraman, lasing na lasing na. Panay ang ikot sa table. Panay pangungulit. Ayos lang ba daw ako? Kung gusto ko ba daw ng lalaki? Si driver naman, nasa likuran, nagtatago sa kadiliman, kasama ang isang GRO. God knows what they are talking about.

“Ladies and gentlemen, put your hands together for…
Desiree…”

Lumabas ang isang disisiete anyos na babae, white ang kanyang bikini. Medyo may itsura. Medyo may kahawig sa isang dancer na minsang nag-audition para maging EB
Babes. Naisip ko tuloy, meron kaya sa kanilang nanggaling dito? Dedma, lahat naman may bahong itinatago. Just as long as you can afford to buy the new Dior perfume, I guess you can make it all ok. Di tulad ng mga ito, salat na nga sa pera, naghuhubad pa.

Lumabas ang isa sa kanila mula sa likod nang stage. Nakabihis na ito ng isang cocktail dress na obvious na nabili sa isang palengke sa downtown. Tuloy tuloy siya
sa isang madilim na sulok kung san sinaluhan niya ang isang matandang mama na kanina pang nakatitig sa kanyang pale pilsen. Biglang sumenyas ang dalagita at dali-daling nagtungo ang serbidora sa kanilang lamesa.Matanda na lalaki. Lolo na. Kulubot na ang mga balat at kahit sa kadiliman ramdam na ramdam ko ang magaspang niyang balat, balat na sinunog na ng araw sa pagkanyang pag-aararo sa bukid. Naka-maong lang ang
lalaki at manipis na T-shirt. At nang tumayo siya, kitang kita mo ang hirap ng buhay sa kanyang nakukuba nang katawan. Naisip ko, alam kaya ng kanyang misis na
naririto siya nasa piling na belyas, pilit na kinakalimutan ang mga problema sa isang maliit na beerhouse sa dulo ng Bicol?

Nagsalang ulit ang DJ ng isang CD at muling lumabas ang isang dalagita sa stage. Lahat sila parang bangag kapag gumigiling. Nakatingin lang sa salamin habang
iniikot ikot ang kanilang baywang, paminsan minsan sinasalat din nila ang kanilang suso at hinahawi ang mahaba nilang buhok mula sa kanilang mukha. Mga mukhang nagkakalyo na sa kangingiti at katitiis. Inaliw ko ang aking sarili. Kunwari, director na ako at kinukunan ko sila sa isang eksena. Sabi ko, eto na yung parte kung saan nagzo-zoom in na yung camera sa kanilang mga mata para ipakita ang tunay nilang itsura sa likod ng mga mumurahing make up at borloloy. Ano kaya ang makikita ko? Pinilit kong silipin kahit madilim ang lugar at nakita ko naman. At nagulat ako.
Dahil hindi pagsisisi ang nasa likod nito. Hindi pagkahiya. Kung hindi pagyayabang. Pagyayabang na nagsasabing kahit kelan hindi ninyo ako maaangkin ng buong buo. Marahil durog na durog na ang kanilang pagkatao at kahit kelan hindi na ito mabubuo, magkano man ang ibayad sa kanila.

Comments

nalungkot ako...

nice post
bwisit diaries said…
wow salamat salamat. that happened last december when we visited bicol after typhoon reming. although most of bicol was in darkness it didnt prevent our crew from searching for a lay...

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA