sweldo

Hindi ko alam kung ano ang nauna: ang tamad na empleyado o ang mababang sweldo. O kung ako ba ay sadyang tamad na empleyado kaya may mababang sweldo o mababa ang aking sweldo kaya ako ay isang tamad na empleyado. It is, indeed, a conundrum. Pero masyado pa busy ang aking utak sa kaka-compute kung papaano ko pagkakasyahin ang aking pera sa bagbabayad ng renta, kurtyente, tubig, at cable. Nararamdaman ko na ang inis sa aking lalamunan. Mayamaya lalabas na ito ang magiging isang nakaririnding sigaw at mura. Pero nagpapaka-Zen ako ngayon. Maraming trabaho. Baka pa lalong sumakit ang aking ulo. Oh well, I guess my visits to my mother will be more frequent in the next couple of days. I always get by though. I always do.

Comments

southdude said…
i so have the same problem. daming gastos. pero what's amazing is that at the end of the day, you'll eventually find out you have survived it and life goes on. hahaha medyo malalim comment ko. good luck in the next 15days!!
bwisit diaries said…
hay good luck talaga lolah! kailangan ko nang raket punyeta!

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA