blind date

(Note: I've already posted this in my previous blogs. I'm re-posting it here because I found out that my old posts in my other blog is slowing being deleted.)

BLIND DATE

“Punyeta!” sa isip isip ng bakla. Nilabas niya ang kanyang Eskinol at bulak at nagsimulang mag-clean ng fez sa gitna ng Adriatico. Kesihodang pagtawanan siya ng mga passersby basta feeling byuti siya pagnagkita sila ng kanyang date. Sino ba naman ang hindi maiimbay sa lecheng shukab driver na pinababa siya sa kahabaan ng
Taft avenue
dahil nagluluko ang makina niya. “Never mind the bullocks,” sabi niya sa sarili na parang mantra habang binabaybay ang kahabaan ng Padre Faura para lang marating ang Malate.

Dumiretso kaagad siya sa meeting place at nagsimulang i-compose ang sarili. “Hey cutie,” patawag niya sa waiter ng café. “Isang cappuccino please.”

Amoy
na amoy pa niya ang facial cleanser at medyo nahihilo pa siya pero keri lang, oiliness is next to ugliness nga naman. Nagsindi siya ng sigarilyo at nagsimulang magmasid.

“Nakakalurlay na ‘to,” pagbubuntong hininga niya. “Nandito na naman ako.”

Bigla niyang naisip ang unang beses na napadpad siya sa Malate. “Juice ko, years na,” think niya. White party ng 1999. Everybody was wearing white but he was wearing gray. Naunshami pa ang gabi nang himatayin after two rounds of San Mig light ang kanyang diyosang kasama dahil may-I-drink beer without eating dinner ang lola kasi extreme dieting ang drama. Hayun, nag-gay pride na lang sila sa emergency room ng PGH. “In

Fairview
, cutie si doctor,” remember niya.

“Your cappuccino sir,” sabi ng cute waiter. To mimic those flowery Tagalog short stories na nabasa niya sa Lit 101, parang lobong hinatak pababa ang kanyang thoughts at nagbalik siya sa reality. “Teka,

9:30
na wala ang date koh ah!” Pero before he could react, nag-tootoot-tootoot ang kanyang fone.

“Wer u?” sabi ng text.

Si Chaotic cute. Ka-chat sa net. Winner.

“Malate, waiting for a date. U?” Reply niya.

“Drunk. Can we meet tonite?” sagot uli sa text.

“Gagah ka ba,” sa isip isip niya. “Nasa date nga ako eh.”

“Of course, later perhaps?”

“Now na.”

Demanding ang putah.

“Can’t. Where are you anyway?”

“QC. Maybe you know someone I could date tonite.?”

“Acheche! Ginawa pa akong dating service,” think ni bakla.

“Um, sure, I’ll ask around.”

“Thanks. Am touched and have a hard on at the same time.”

Hard on!

Aba
ibang level na ‘to.

“Anytime dude,” text niya. (DUDE?!)

Hay mga bakla nga naman. Parang mga karneng kinikilo sa wet market. May mahal.May sariwa. May bulok. May pwedeng tawaran. At ang iba dapat nililibre na lang. At pag-trip ng orgy, may wholesale pa. Ako kaya, ano kayang klaseng karne ako. “To be honest,” pagsasagot niya sa kanyang sariling tanong. “Bulok na. Way way too long to be in the market. I should have been bought years ago. Years when I was still fresh and idealistic. Hindi ngayon na puno na ng adult angst at adult woe.”

At for the first time that night, nanglumo ang bakla. “Nasan na ba ang ka-date koh!” isip isip niya.

Pero tulad ng isang professional beauty queen, inalis niya sa kanyang isipan ang kahit anong negativity at tumayo. “Kailangan ko na nang mag-retouch,” sabi niya.

Pinasok niya ang dark at cozy interiors ng café. Mas prefer niya ito kesa sa bagong coffee shop na nagbukas dun sa tabi ng Library.

Para
nga namang old man’s drawing room ang drama ng coffee shop na ‘to. Everywhere he looks, may wood. May history. Naalala niya tuloy ang isang eksena sa Broken Marriage na diyan sa baba lang shinut. Si Vilma, PM sa isang TV show. Nagsisigarilyo, nagrereklamo sa kanyang mga industry friends na si Sorayda at Juan Rodrigo tungkol sa married life niya. “I’m bored,” sabi ni Vilma sabay hithit sa yosi. “I’m so bored.”

“Ako rin,” think niya. “I’m bored. I’m bored of waiting. I’ve been waiting for the past 28 years I think I already have the right to be bored.” Napa-smile siya. Ang drama ng linya, pang-Urian. Best actress talaga siya, sa isip isip niya. Pumasok siya sa CR at sinuri ang kanyang award-winning self.

Hair? Short and nice, courtesy of his suking beautician sa Bench Fix.

Skin? Freshly Eskinoled.

Utong? Perky under his tight cotton green shirt.

Abs? May love handles pero pagbibiro niya sa sarili, loveable pa naman.

Outfit? Medyo tight but not so tight na nagmumukha na siyang mumurahing call boy.

Package? Freshly scrubbed and nicely ensconced inside his faded tight

Levis
.

Pagbalik niya sa kanyang upuan, wala pa rin ang ka-date. Punyeta, one hour late na ang putah. Na-indiana Jones na kaya siya?

“Wer u?” text niya sa date niya. Wait siya sa reply.

Too-toot. Too-toot. Kapag sinabi nitong “on the way” palang siya, magwa-walk out ako, sabi niya.

Pero hindi ka-date niya ang nagtext. Si Becky also known as Bekekang, ang kanyang parlorlista friend. Addictus extraordinaire. Maasahan sa mga pang-hits pero parating nangungutang.

“Leche,” mahinang pagmumura niya.

“Wer u?” text nito.

“Malate.” Reply niya.

“May pera ang lolah.”

“Bakit mangungutang kah?”

“’Tang ina mo, nasan na si Archie?”

Huh, anong pinagsasabi ng baklang bakulaw na ‘to? Think niya.

“Sinong Archie?”

“Wag ka ng mng-etchng, kw si Mdm Auring ano?”

“Lecheng bakla ito, mangungutang nga!”

Nag-reply siya.

“Wala akong pera. Ililibre lang ako ng ka-date ko.”

Thank god wiz na reply ang parlorlistang kamukha ni Bakekang. Pero tuluyan nang na-imbyerna ang bakla at nilisan na ang Café Adriatico. Kung sabagay, whaz niya type ang hombreng ka-meet. Pang-filler lang until the real thing comes along.

Naglakad siya patungong Orosa kung saan naruruon ang epicenter ng kabadingan sa Pilipinas. Nagiba na ang mga mukha ng establishments. Ang dating Piggy’s nagging Oh. Ang Kenkoy naging isang cheap videoke bar. May Chelu pa at Fluid na umeeksena. Ganun na rin ba kabilis magsara ang mga dating tinuturing niyang home? Kasing bilis nang pagpapalit ng lalaking kung minsan hindi man lang rumirehistra sa memory?

Bigla niyang naisip ang mga boylets na wish niya kasama niya. Si Ruel na cutie pie na halos hindi marunong magbasa na pera lang ang habol sa kanya. Si Mark na may nice smile at soft lips na pinahabol habol lang siya. Si Edmond na ayaw makipag-commit kasi di pa over sa dating boyfriend na isang taon na siyang iniwan. Si Greggy na isang gay beauty queen na

makati
pa sa gabi.

Midnight
na pero super feel niya na nasa baywalk siya, naglalakad habang sunset at ang kanyang shadow niya ay kasing haba ng buhok ni Rapunzel. “Ya,” isip isip niya. “Depressed akoh.”

Tumuloy siya sa Rainbow na dating

New York
café at umupo sa isang sulok. “Hey cutie, dalawang Strong Ice nga,” utos niya sa waiter. Pinagmasdan niya ang dalawang bote sa harap niya. “I should be having fun right now,” sabi niya sa sarili. Pero hindi, magisa siya sa isang gay bar nakatitig sa mga boteng tila pinagpapawisan sa lamig.

Pagkatapos niya magpakalasing, umakyat siya sa second floor. Disco forever ang drama niya. Pagpasok na pagpasok palang niya naka-encounter na siya ng isang couple na mukhang serious ang dilemma.

“I mish shoo.” Sabi ni Bakla 1.

“Ewan ko sayo.” Reply ni Bakla 2.

“Pramis.”

“Echosera.”

“Kung na-miss mo ako bakit hindi mo sinasagot yung mga text messages koh?”

“Hon, bhishi ako. Plish understand.”

“Ewan ko sayo. Bakit ako hindi ba ako busy? Eh mas busy nga ako sa yo eh.”

“Eh hon, magaling kang mag-multi task eh.”

“Ay sus, may nalalaman kang ganyan.”

“Ang mga bakla talaga mahilig sa revivals,” sabi niya sa sarili. “Nagoyo na minsan ayaw pa ring madala.”

Biglang may nag-Too-toot. Too-toot.

Aba
may nagtext. Ka-date niya.

“Sori Im late. Wer u?”

Punyeta!

Gusto niyang ibato ang cellfone at magmumura sa loob ng bar pero whiz niya type ang magpaka-lucrecia sa isang bayot na tangengot sa oras. Plus, beinte mil pa ang bili niya sa fone niya na binabayaran pa niya kay Tita Josie. Sa isang monument, naisip niya, baka siya na nga ang iniintay niya. Latecomer nga lang. Pero on second thought, ‘di rin. “Punyeta sha.”

Sinuksok na lang niya ang kanyang fone sa bulsa at nag-hope na may isang cutie na lumapit sa kanya na of course hindi naman nangyari. Pero miracle of miracles. Nagsalang ang DJ ng kanyang paboritong Kylie Minogue song at kahit na bad trip ang gabi at Luz Valdez ang bakla, nag-astang Winnie Monsod siya at nagsimulang sumayaw. Sumayaw siya ng sumayaw hanggang ang buong kwarto ay umikot at ang mga tao dito ay nagmukhang mga planets sa Solar System at siya ang kanilang Sun.

Comments

arlo said…
luvvit... obvious bang im readin your blog from the bottom up?

you got a fan here. bravo
bwisit diaries said…
wow salamat salamat! you actually made my day hahahaha

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA