4am blues

alas kwatro na. heto pa rin ako dito sa office, edit ever ng mga kung anik anik na kachikhan. naka-isa na akong vtr. may tatlong grafix pa. naka-sampung beses na nga akong nag-friendster. lima sa guys4men. at tatlo naman sa downelink. heto pa rin ako naghihintay. walang saysay ang buhay. walang ritmo. naka-chat ko na nga yung isang nagsho-show sa ym na dati kong kakilala (dating women daw ang nakatala sa friendster niya), na-discover ang account ng isang male celebrity sa guys4men (can't wait to tell MJ and Michael, malolokah sila for syur!) at heto naghahanap naman ako ngayon ng tsimis sa pep. kumakalam na ang tiyan ko (mushroom lang yung kinain ko for dinner) pero wiz ko pa rin fillet magbreakfast. kailangang mag-fast eh, no time for exercise. naalala ko, kanina, sabi nung isang contestant sa taktak: "Tataktak ako at pagnakapunta ako sa amerika, magaasawa ako... ng Americano!" panalo ka ineng. ewan ko, naalala ko lang. si benny the editor, sleepy head na habang si boyfriend (he's with me tonight... how swit noh?) write write ever sa kanyang notes. notes as in notebook ha hindi... owel ruel, no need to explain. no time to explain. alas kwatro na. linggo na. dapat matulog na.

Comments

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA