fiction kuning: monologue ng isang talunang bakla sa kanto ng orosa

SET: empty stage with only a stool and a table and nothing else


baklita

im bored. im so bored. im so bored i could eat the dora rat killer in our kitchen. does anybody still use a dora rat killer nowadays? my god! im so 1980s. im so
bored im talking to myself. and though i love myself, no doubt about it, down to my well manicured nails, pero of course mas gusto ko pa ring may kausap. Hay naku, this is so psycho. putang inang buhay ito, nasan na ba yang chenylynn chenes na yan! magte-trenta na ako hinihintay ko pa yang babaeng yan.

ewan ko ba, im 28 years old and im still socializing with these malate baklitas! chos
koh, ngayon lang ako nakakita nang ganitong kadaming bakla! parang gremlins ever! at ang mga hair, my god hair-raising. heto na ba ang mga napalaki ni mother ricky! they are worser than we were when we were sporting cindy lauper's hairdo! at least nun, may green, may red, may kung ano-ano pang eklavu! ngayon, yuk, just pure grease. at may gana pa silang manggaya ng mga canto pop stars! mga chingchang soo beauties! kelan pa nauso ang binondo?

hay naku, dedmahin nyo lang ang lola ninyo. sadyang ganito lang ang mga tumatanda! my god, i hate that word.

(enter cute waiter)

"What word sir"

"Thunders! kinakausap kita... o hello"

"Ano po yun?"

"Yung ano?"

"Yung word?"

"Interested? Nagtatrabaho ka dito hindi mo alam yun?"

"Sorry po, bago lang ako."

"Thunders, thunder cats?"

"Thunder cats?"

"Di mo alam nun? Pinapalabas yun sa siete tuwing 4pm pagkatapos ng 700 club? Ano ka ba? Di mo kilala si Lion-O, yung may maliit na sword tapos sumisigaw siya ng: Thunder! Thunder! Thunder Cats! para lumaki yung sandata niya."

"Hahaha... ay ang bastos!"

"My god you are so gross... im lupita by the way, can i
have your number?"

"Anong number?"

"Your ATM number, gahgah, retarded ka ba?"

"Sorry di po kami allowed."

"Echosera! then we'll step outside siguro dun pwede mo
nang ibigay yung number mo?"

"May girlfriend po ako."

"May boyfriend ako."

"May anak na po ako."

"Ilan?"

"Tatlo."

"Ok bye."

Hay, the things i have to put up with nowadays. San nga ba pumupunta ang matatandang bakla? sa chicos? sa US male (meron pa ba nun?)? sa gigolo na nakakalokah ang mga promotional copy (jingle balls! jingle balls, jingle all the way!), kung san may i-afford the expensive menchus?

o sa makati where they turn into cold, snooty queens who look down on everyone, including their own kind? san ba ako dapat pumunta? san ba ako dapat magpunta?
hay naku, whiz ko type ang mga ganitong dramatic chuvaness? even kuh ledesma doesnt sing that song anymore.

ewan ko ba, kung kelan ako tumanda dun naman nagsidamihan ang mga bakla. why wanst i born in the 80s? nag-elementarya kasama ang en vogue at vogue ni
madonna, nag-high school kapiling ng mga spice girls at S-club 7 at nagdalagita sa panahon ng pussycat dolls at black eyed peas!

kasalanan ko ba na minsan akong sumayaw sa electric youth ni debbie gibson at naaalala ko pa ang locomotion ni kylie minogue years before she had
breast cancer?

i hate waiting. waiting makes me depressed. wait, i was depressed even before chenylynn made me wait. at bakit ako naghihintay sa isang babae on a saturday night, on a payday weekend, sa mismong epicenter ng kabadingan sa kamaynilaan? i should be waiting for a boyfriend. my boyfriend! am i losing it? ganito ba talaga kapag tumatanda ka na? hindi ka na binabastos? wala nang nakikipag-eye contact sa yo sa jeep? hindi ka na sinusundan sa cr kapag nanonood ka ng sine sa sm city north edsa? hoy! mga bakla! bastusin ninyo naman
ako!

(gay passerby shouts)

"Hoy bakla! ang ingay mo!"

"Bastos!"

(MAY KAKANTA SA VIDEOKE)

Here we go again. bakit ba loves ng mga bading mag-karaoke. lahat na lang ng gay hangout may videoke. kulang na lang magset up ng videoke sa bed at rainbow.
kahit sa F, imagine may videoke? habang nakatapis ang mga baklita sa baba at nagkakangkangan like drugged rabbits, heto naman ang iba nagpapakalasing to the
tune of "Sinasamba Kita..." How... How... quiant?

Ok sige, aliwin natin ang ating mga sarili. ano ba ang top songs na kinakanta ng mga bading. hmmm lemme think:


Dadalhin kita sa aking palasyo...


Sana Maulit muli...

Half crazy... feeling sorry for myself... half crazy


Hay naku, manong gerry, bigay mo nga sa kin ang song book... Ok... 3460... hit it!

"You look into my fantasies and made each one come
true, something no one else have found a way to do..."

Lights off

Comments

arlo said…
kudos

the ranting was sooooooooo fun

link kita :)
bwisit diaries said…
surely lola. ako din link kita...

Popular posts from this blog

sop tips (o kung papaano huwag matakot makipagtalik sa telepono)

para sa masa (or why the eraserheads, even if they are still together, can't possibly sing "toyang" over and over again)

FEAR AND LOATHING IN SAGADA